Chapter 24

2.6K 111 7
                                    

Linapitan ko ang sasakyan nya at kumatok ako sa bintana.

Biglang nagiba ang ekspresyon ng kanyang mukha pagkakita sa akin.

Ini unlock nya ang pinto ng kanyang sasakyan, binuksan ko ang pinto at pumasok ako sa loob.

“Hey… Are you okay..? galing ka sa loob.? Pinuntahan mo si Sam.. I mean si Dad.?” Sunod sunod na tanong ko sa kanya.

Tumango sya.

“Starts the Car lets go somewhere bago pa may makapanain sa atin… pinagbawalan ako ni Dad na makipagusap sayo kaya tiyak na magwawala yun kapag nalaman nyang sinuway ko sya.”

Tila naunawaan nya naman ang ibig kong sabihin. Inistart nya ang kanyang sasakyan at nag drive sya patungo sa hindi ko alam kung saan.

Sa isang condo building kami humantong sa isa sa pent house kami tumuloy.

Pinigilan ko ang mapa singhap familiar kasi sa akin ang amoy ng unit pinaghalong Adam at Sam. Yun ang amoy ng dalawa kapag pinagsama sila sa loob ng isang close na lugar.

Ang tanong, papanong napunta doon ang amoy ng dalawa, alangan namang may bago ng pabango ngayon kung saan pinaghalo ang dalawang magkaibang brand ng perfume. Pwede ba yun.

“Tuloy ka.” Sabi ni Thalia.

Tumuloy naman ako, naupo ako sa sofa habang kumukuha sya ng maiinom namin.

Iginala ko ang aking paningin sa kabuoan ng yunit, manly ang motif ng buong unit how come na babae ang nakatira dito.

“Dito ka nakatira.?” Out of curiosity at naitanong ko yun sa kanya.

“Oo… mag iisang linggo na… Hiniram ko sa kaibigan ko.”

“Asan ang kaibigan mo.?”

“Nasa ibang bansa doon na assign.”

Tumango tango ako.

“Magisa ka lang dito.?” para na akong uzi sa ginagawa ko pero naiintriga lang talaga kasi ako sa kanya.

“Oo…”

“Bye the way ano nga palang ginagawa mo sa CGC kanina…? Pinuntahan mo ba si Sam.”

“Tumango lang sya at ngiti ng alanganin.

“Inaway ka nya.?”

Hindi sya kumibo.

“Ano ba kayo ni Sam.? Ayaw ko ng magpaligoy ligoy pa.

“Hindi ko alam.”

Nagulat ako sa sagot nya but I know that its an honest answer.

“Pasensiya ka na sa Daddy ko may pinagdaanan kasi yun kaya ganun… Iniwan ba naman ng nanay ko matapos akong ipanganak ayun naging better na sya.“

Nakita kong biglang may pumatak na mga luha sa kanyang mga mata na agad nya namang pinunas.

Parang pinipiga ang puso ko pagkakita niyon.

“Sorry… in behalf of my dad ako na ang humihingi ng paumanhin sayo.”

Sunod sunod ang kanyang naging pagiling.

“No please wag kang humingi ng sorry kasi ako dapat ang nabghihingi nun sa inyo. Wala kasalanan si Sam. Ako ang may kasalanan sa kanya at deserve ko kung ano man ang pinagdadaanan ko ngayon… “ Umiiyak na sabi nya.

“ So may past kayo ng daddy ko.?”

Tumango uli sya.

“Sinaktan ko sya noon at hindi nya ako mapatawad hanggang ngayon… Alam ko na walang kapatawaran yung ginawa ko sa kanya pero hindi pa rin ako susuko.”

Naalala ko si Adam. May pagkakahawig ang sitwasyon nila ni Talia.

Hindi ko na napilit si Talia na magsalita pa patungkol sa kanila ni Sam at inirerespeto ko yun.

Nagkwetohan na lang kami ng ibang bagay mga tungkol sa buhay nya at sa buhay ko naikwento ko rin sa kanya ang tungkol sa amin ni Adam na hindi ko alam kung bakit pero kinikilig sya ng husto sa love story namin.

“Kaya nyo yan…” yun ang sabi nya bago kami naghiwaay.

Kinagabihan naikuwento ko kay Adam ang tungkol kay Talia.

“So you meet her.” Nakangiting sabi nya.

“Yap… kilala mo sya.?”

“She’s my friend… sa pent house ko sa Makati sya tumutuloy ngayon.”

“Ganun… bahay mo pala yun… kaya naman pala namoy ko ang amoy mo dun.”

“Wow… kilalang kilala mo na ang amoy ko ah kinilig naman ako.”

Tinawanan ko sya.

“Pero magkaibigan pala kayo bakit wala man lang syang sinabi sa akin.?”

“Masyado kasing masikrito ang babaing yun. Yun nga ang dahilan kung bakit sila nagaway ni Sam masyado syang maraming isyu sa buhay na itinatago kay Sam.”

Ramdam ko rin yun kahit nga sa akin parang ang dami nyang inililihim. Pero karapatan nya naman yun.

“How do you find her.?” Tanong nya sa akin

“Okay naman sya… masyado nga lang mesteryoso.”

“Samantha baby… please be good to her… ang dami nya ng hirap na pinagdaanan, and half of it ay dahil sa daddy mo, na patuloy nya pang dinadagdagan dahil sa mga ginagawa nya ngayon. “

Napaka seryoso ng pagkakasabi nya niyon.

“Enlighten me please.” Sabi ko.

“Wala ako sa lugar babe… daddy mo na lang ang tanongin mo.”

“Sino ba Si Talia Suarez.?” Tanong ko kay Sam habang kumakain kami ng hapunan.

Natigil sa gitna ang pagsubo nya. Tumingin sya sa akin.

Huminga sya ng malalim bago ibinaba ang kanyang kutsara.

“I already told you that she’s no one.”

“Ex mo  sya… May nangyari sa inyo tapos sasabihin na she’s no one… kung sa akin kaya nangyari yun, hypothetically speaking may nangyari sa amin ni Adam tapos may nagtanong sa kanya kung sino ba ako at sinagot nya ng shes no one… anong gagawin mo.?”

“I will kill him.” Galit na sabi nya.

“So okay lang sayo na patayin ka rin nya.”

Tumingin sya sa akin.

“Sam babae ako babae sya hindi mo naman siguro  gugustohing mangyri sa akin ang ginawa mo sa kanya.”

Hinampas nya ang mesa mabuti na lang at purong nara ang dinning table na pinatungan ng salamin.

“Wag na wag mong ihahalintulad sa kanya ang sarili mo dahil iba ka sa kanya… ibang iba ka… anak kita… Anak kita!... at wag palalabasin na ako ang masama dahil sa ginawa ko sa kanya… wala kang alam kung  ano ang ginawa nya sa akin… stay away from her Samantha… dahil sinasabi ko sayo hindi mo gugustohing malaman kung  sino sya.”

Sam & AdamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon