Nagluto ng dinner namin si Talia kahit pa nga mag alas nuwebe na ng gabi kaya naman nakakain kami lagpas ten na.
Masarap sya magluto, sobra at ipinagmamalaki yun ni Adam sa akin.
“Sya ang nagturo sa aking magluto.” Sabi pa nya.
Nakaramdam ako ng kunting kirot sa dibdib ko.
Ako kahit minsan ay hindi ko naranasang ipagluto ng aking ina, wala akong ina na nagturo sa akin kahit ng assignment ko. Pero nandiyan naman si Lola na pumuna sa lahat ng kakulangan sa buhay ko. But stil tinatanong ko pa rin ang sarili ko, ano kaya ang pakiramdam kung ang mommy ko ang gumawa nun sa akin.
Almost midnight na ng walang tigil sa pag ring ang cellphone ni Adam.
Si Sam naka ilang miscall na.
Hanggang sa natigil iyun at cellphone naman ni Lia ang tumunog. Kasama kasi namin syang nanonood ng movie.
Tumingin muna sya sa akin bago nya iyun sinagot.
“Hello…” Sabi nya.
“She’s here…” Sabi nya.
“Stop cursing Samuel ang sakit sa tainga.” Naagaw nya ang atensiyon ko pagkarinig sa pangalan ni Sam.
“Don’t worry I’m with them…”
Mukhang naghuhuramintado na naman si Dad.
Nakatingin na rin si Adam kay Lia, at nangingiti sya.
“See yan ang dahilan kung bakit hindi ko sinasagot ang tawag ng daddy mo, Tiyak kasi na matitigas na mura na naman ang maririnig ko sa kanya.
Pasimple ko syang siniko.
“uwi na ko, bago nya pa maisipang sumugod dito.”
“Li…. Tell him na dito sya matutulog.” Pabulong na sabi ni Adam kay Lia na kausap pa din si Dad.
Nag close fist si Lia at ipinakita iyun kay Adam.
“Shezz pati ba naman ikaw.?” Pagrereklamo nya.
Natawa ako sa reaksiyon ni Adam.
Ng matapos ang tawag ay hinarap nya si Adam.
“Kasal muna Hendrix bago yang iniisip mo.” Sabi ni Lia.
“Pakakasalan ko naman talaga sya, kaya baka pwede na naming iadvance ang honeymoon total naka first base na naman ako, iho home run ko na.”
This time malakas ko na syang siniko kaya napaigik sya sa sakit.
Naginit naman ng husto ang mukha ko. Mommy ko kaya ang kausap nya.
“Adam Hendrix, gusto mong tawagan ko ang daddy mo ngayon din at ng maka home run ka talaga pabalik ng America.” May pagbabantang sabi niya.
“Shit para kang si Sam kung maka gwardiya… oo na… iuuwi ko na sya. Gusto mong sumama.?”
“Hindi na mageempaki pa ako.”
“Aalis ka na talaga.?”
“May kailangan lang akong tapusing trabaho sa University babalik din ako.”
Professor kasi si Lia sa isang malaking University sa States.
“Kunin ko lang susi ko.” Sabi ni Adam.
Naiwan kami ni Lia.
“Aalis ka pa rin talaga. ?” Sabi ko.
“Tulad ng sinabi ko babalik din naman ako may kailangan lang talaga akong tapusing trabaho, at isa pa kailangan kong magreport sa daddy ni Adam, ilang linggo na akong kinukulit ng staff ni Senator Hendrix… labis na daw itong nagaalala kay Adam… ewan ko ba naman kasi sa lalaking yan at ayaw kausapin ang daddy nya.”
So kung ako may isyu sa mommy ko sya naman sa daddy nya.
“Alam ba ni dad na aalis ka.?”
Umiling sya.
“Hindi mo sasabihin.?”
“Tatawagan ko sya bukas bago ako umalis.”
“Okay.” Sabi ko.
“Hmm.. Samantha..” Nagaalangang sabi nya.
“Yes.”
“I know I don’t have the right to ask you for this… But.. can I hug you.” Sabi nya kasabay ng pagpatak ng butil ng luha mula sa kanyang mga mata.
Nanikip ang dibdib ko sa sinabi nya. Hindi ako agad nakapag react.
“Forget it..” Naiiling na sabi nya.
Ewan ko ba pero kusang bumukas ang mga bisig ko.
Inisang hakbang nya lang ang pagitan namin at nakulong ako sa mga yakap nya.
The moment naramdaman ko ang init ng katawan nya ay parang bulang naglaho ang galit sa puso ko.
Yun yung klase ng yakap na hinahanap hanap ko sa buong buhay ko. Napaka higpit ng yakap nya, para bang gusto nyang ikulong ako ng matagal sa mga bisig nya.
Namalayan ko na lang na gunagantihan ko na rin ang kanyang yakap.
Naramdaman kong marahang umuuga ang kanyang balikat.
“Alam ko na ngayon kung kanino ako nagmana ng pagiging iyakin.”
“Sorry.” Nahihiyang sabi nya sabay punas ng kanyang luha na simabayan ko na rin.
Nasa ganun kaming lagay ng maabotan kami ni Adam. Nagpalipat lipat ang tingin nya sa amin, then bigla syang lumapit sa amin at magkasabay kaming niyakap ni Tahlia.
“I love you baby…” Bulong nya sa akin.
Napakagaan ng pakiramdam ko ng makauwi kami sa bahay. Nakaabang na si Sam sa may pinto at hindi nya na pinayagang makapasok pa si Adam.
Hahalik pa sana sya pero hinarang na sya ni Sam.
“Alam kong kanina mo pa pinapapak yang anak ko kaya awat na.”
Sasagot pa sana sya pero sinaway ko na sya at sinenyasang umalis na.
Ng makaalis si Adam ay magkasabay na kaming pumasok sa loob.
“Bukas ang flight ni Lia pabalik ng states.. tumawag na ba sya sayo.?” Kunwari ay hindi ko alam na hindi pa sya tinatawagan nito.
“what.?” Nagulat na sagot nya.
“Tatawagan ka na lang daw nya, kaya hintayin mo na lang ang tawag.”
Nakita kong nagbago ang eksoresyon ng kanyang mukha.
“Night dad.” At nauna aking umakyat papunta sa silid ko.
Kinabukasan tinanghali ako ng gising, pagbaba ko dumeretso ako sa kusina.
“Te… nakaalis na ba si Dad.?”
“Hindi pa nga po maam.. Hindi pa kasi sya bumababa.”
As usual ako na naman ang nagpresentang umakyat oara tawagin sya.
Pero kinabahan ako, the last time kasi na ginising ko sya ay may kasama syang babae sa kwarto nya si Lia.
Ewan ko ba pero tila na excite ako na umakya ng kantang silid.
Walang katok katok na pumasok ako sa kanyang kwarto at halos lumuwa ang mga mata ko ng makita ko syang nasa ibabaw ni…..
Lia…
Mabuti na lang naka kumot ang kalahati ng katawan nila dahil kung hindi baka kung ano na ang nakita ko.
“samantha Kaylan ka ba matutong kumatok ha.?” Galit na sabi di Dad habang pilit na tinatkapan ang mga hunad nilang katawan.
“At kaylan ka din ba matutong mag lock ng pinto kapag may milagro kang gagawin.” Kunwari ay galit na sabi ko.
Tatayo sana si Lia pero niyakap sya ni Dad.
“Where do you think your going.?” Tanong sa kanya ni Dad.
“I have a flight to catch.” Sabi ni Lia.
“subukan mong sumakay sa eroplano at pasasabogin ko ang buong airport.” Galit na sabi dad.
BINABASA MO ANG
Sam & Adam
RomanceTwo men one woman Sam & Adam dalawang lalaki na nagmamahal kay Samantha. Samantha ang babaing parehong mahal ang dalawang lalaki. Sino ang mas matimbang. Sino ang pipiliin nya. (Hi guyz, heto na naman po ako ang inyong lulubog lilitaw na writer. M...