Chapter 7

3K 120 2
                                    

"Anything else maam.?" Tanong ng nag dala ng inomin namin.

"Were good, thank you."

Ng kami na lang sa loob ay nakatingin na naman sa akin ang tatlo, na parang bang sinasabing.. ano na..?

"Hmmm...ganito kasi yun." Panimula ko.

Kinuha ko ang picture frame namin ni Sam at iniharap sa kanila.

"Samuel Collin is my father."

"Sabi ko na nga ba." Magkakasabay na sabi ng tatlo.

"Akala namin kamukha mo lang at kapangalan." Sabi ni Nicole.

"Sabi ko na kasi sa inyo ayaw nyong maniwala sa akin, sasabihin nyo pa naka drugs ako." Sabi naman ni Josie

"Alam nyo na.?" Ako yata ang nagulat dun.

"Actually duda na kami kaya lang ang iniisip namin anak ka sa labas ng Presidente ng Kompanya at kapatid ka sa labas ng CEO na itinatago sa madlang people." Sabi ni Nicole

"At kaya ka nagtatrabaho sa supermarket kasi pinarurusahan ka dahil alibughang anak ka."

Bigla akong natawa sa sinabi nila.

"Alibughang anak talaga, FYI mabait na anak po ako, at lolo ko ang presidente at ang CEO ang tatay ko."

"Hala seryoso may asawa na si Sir Sam akala ko tsismis lang."

"Wala syang asawa anak lang at ako yun."

"Og my god... hindi ako makapaniwala kaibigan natin ang anak ng CEO."

"Maniwala kayo... kaibigan nyo ako at dahil friends tayo umaasa ako na itatago nyo yung sekreto ko, hindi dahil sa itinatago ako ni Sam kundi dahil sa may misyon syang ibinigay sa akin bago ako makaupo sa upuang to." Tinapik kp ang swivel chair ni Sam.

"Kailangan kong magumpisa sa ibaba at pagdaanan lahat ng departamento sa CGC."

"Ang galing naman."

"Pero actually hindi naman talaga ang upuang ito ang gusto ko kaya ko ginagawa yun, mas interesado ako sa regalong matatanggap ko kapag nagawa ko ang iojnagagawa nya."

"Ano yun.. bagong sasakyan.?" Tanong ni Andrea.

"Hindi." Sabi ko.

"Tour around the world.?"

"Nagawa ko na yan."

"E ano.?"

"Lalaki."

Napamaang ang tatlo.

""Yes... pwede na akong manlalaki kapag nagawa ko yung misyon ko... papayag na syang mag ka boyfriend ako." Masayang sabi ko.

"NBSB ka.?" Mapang asar na sabi ni Josie.

"Hindi ah... pero sekreto ko lang yun, ang higpit kasi ng mga gwardiya ko, pero nakakalusot pa rin ako at hindi yun alam ni Sam kaya tiyak mag huhuramentado yun kapag nalaman nya ang tungkol dun."

"Sam lang talaga ang tawag mo sa Daddy mo."

"Pabebe kasi yun ayaw nyang tawaging daddy nagmumukha daw syang matanda."

Nagkatawanan kami, at nag patuloy ang kwentohan namin hanggang sa tuluyan na nawala ang tensiyon aa paligid at para na lang kaming matagal ng magkakaibigan.

Masaya kaming nag kukwentohan ng may nag txt sa akin.

Si Adam.

Kumabog ang dibdib ko, lagi na lang ganito ang nararamdaman ko sa tuwing nakakatanggap ako ng txt o tawag mula sa kanya.

《Asan ka na po.?》 Txt nya.

Shoot nakalimutan ko may usapan nga pala kami na pupuntahan ko sya sa opisina nya pag out ko.

Pinindot ko ang number sa intercom na nakapangalan sa kanya.

After tatlong ring.

"Dumating ka na.?" Boses nya mula sa speaker. Akala nya si Sam ako.

"Its me, tapos na ba trabaho mo.?"

"Patapos na."

"okey baba na kami."

"Kami.? Sinong kasama mo."

" Ang mga tanging kaibigan ko maliban sayo."

"The 3Girls from the supermarket.?"

"No other than.... nagyaya sila mg bar. Sama ka.?"

"Basta bawas sa share ng daddy mo ang bill, no problem."

"Wow ha ikaw ang lalaki dapat sagot mo."

"Bakit ako, kayo ang nagyaya."

"Kapag itsenarge mo yan sa share ni Sam kakaltasin yan sa allowance ko."

"And so.? mas malaki pa kaya allowance mo kaysa sa sahod ko... kaya nga kapag naging mag asawa tayo ikaw ang bubuhay sa akin."

"Kadiri ka.!.. dalian mo na nga dyan." At pinutol ko na ang usapan namin.

"Hindi talaga kayo ni sir Sam.?" Mapang asar na sabi ni Nicole.

"Ewww... isa pa kayong kadiri... ang tanda na nun para sa akin 30 na yun 23 lang ako at isa pa best friend yun ni dad kaya incest yun."

"Hay naku wag magsasalita ng tapos, age doesn’t matter ika nga at idagdag mo pa yung, love conquers all."

At doon na ako nagsimulang asarin ng mga ito.

Inihatid muna namin ang tatlo sa kani kanilang bahay bago ako naman ang inihatid ni Adam.

Napagkasunduan namin na sa bar na lang magkikita kita.

Nagdala na rin ako ng sariling sasakyan at nagsama ng driver, mabuti na yung sigurado malay mo malasing kami lahat eh di may mag dadrive para sa amin.

Nauna kaming dumating kay Adam may paguusapan pa daw kasi sila ni Sam sa skype about work.

May naka reserve ng private room para sa amin pagdating namin doon, may mga nakahanda na ring alak at pagkain.

Pagdating ni Adam ay may mga kasama syang mga kaibigan sinabi nya na sa amin ang tungkol sa kanila, isasama nya raw para hindi sya maboring.

Pagkatapos magpakilala sa isat isa nagsimula na kaming mag inoman at mag kantahan sa kabilang couch ang mga lalaki at sa kabila naman ang mga babae.

Pero si Adam lumipat sa tabi ko.

Naging palagay ang lahat sa isat isa kaya malaya kaming nakapagkwentohan ng kung ano ano, panay din ang tawanan namin at biruan.

Habang lumalalim ang gabi ay naramdaman ko na ang tama ng alak pero hindi pa ako lasing.

Napansin ko na masyado na kaming magkalapit ni Adam sa isat isa. Hindi ko alam kung sino ba ang lumapit ako ba o sya. Pero gusto ko yun. Gustong gusto ko ang pakiramdam na magkalapit kami, para kasing may kinikiliti sa kaloob loban ko ang pasempling pagdaiti ng katawan nya sa katawan ko.

At hindi ko alam kung tama ba o mali ang pakiramdam na yun.

Sam & AdamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon