Sasakyan ni Adam ang ginamit namin, may inutusan na lamang syang tao para syang mag drive ng sasakyan ko.
Pareho kaming walang imik habang bumabyahe. Madalas kunin ni Adam ang kamay ko para halikan.
Ramdam ko ang bigat ng kanyang kalooban.
Dumeretso na kami ng CGC dahil gusto ni Sam na humabol kami sa stock holder meeting.
Sa underground parking ng building kami dumertso at bago kami lumabas ng sasakyan ay nagsalo muna kaming muli sa isang mainit at puno ng pagmamahal na halik.
"I love you." Sabi ni Adam.
"I love you too..."
Nasa kalagitnaan na ang board meeting pagdating namin. Dumeretso kami sa upuan namin.
Mukhang seryoso ang pinauusapan nila dahil wala akong mabakas na ngiti sa mukha ni Sam kahit nung magtama ang mga mata namin.
Masyado syang seryoso to the extent na nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa didib ko.
"Mr. Hendrix can you give us a report on the status of your project in Tagaytay." Walang sere sremonyang sabi ni Sam.
Ni hindi nya binigyan ng pagkakataon si Adam na makahinga man lang.
Mula sa ilalim ng mesa ay palihim kong kinapa ang hita ni Adam para sabihin sa kanya na take a breath first.
Ngumiti sya hindi sa akin kundi kay Sam na hindi man lang sya tinapunan ng tingin.
I can tell that something is wrong.
Maayos namang nakapag bigay ng report si Adam at nasagot nya naman ng mahusay ang mga katanungan sa kanya tungkol sa status ng konstraksiyon ng condo-tel sa Tagaytay.
" So Mr. Hendrix since patapos na naman pala yung construction napagpasyahan ko na ipadala ka sa Riyadh para syang mag manage ng CGC doon, at bukas ng umaga ang flight mo."
"What..?!" Malakas ang boses na tanong ni Adam halatang nagulat sya sa sinabi ni Sam.
"Why me... hindi ba napagusapan na natin na si Mr. Tuazon ang ipapadala natin dun. Nakahanda na nga ang lahat ng kailangan nya di ba."
"Are you questioning my decision Mr. Hendrix.?"
"Yes I am Mr. CEO sir... why so sudden bakit hindi man lang ako nainform, madalas naman tayong nagkakausap bakit wala ka man lang sinabi sa akin." Puno ng pigil na emosyon ang boses ni Adam.
Hahawakan ko sanang muli ang kanyang hita pero matalim ang tingin sa akin ni Sam.
"Ano bang problema dun Mr. Hendrix... dati namam okay lang sayo kahit saan kita ipadala at kahit pa dalawang oras before your flight mo matanggap ang Info wala namang nagiging problema sayo."
Naikuyom ni Adam ang kanyang kamao. Mariin syang pumikit bago muling humarap kay Sam.
"Mr. CEO sir... pwede ba natin tong pagusapan in private.?" Piit pinababa ni Adam ang kanyang boses.
"Sure...gentlemen and ladies you can go ahead the meeting is adjourn.
Isa isa na ngang naglabasan ang mga tao, hanggang sa kami na lang tatlo ang naiwan.
"Samantha you can go ahead also." Pormal na sabi ni Sam.
"No she will stay.. alam ko na may kinalaman sya sa desisyon mong ito." Matigas na sabi ni Adam.
"This is between you and me Hendrix... wag nating idamay ang anak ko rito." Puno ng diin na sabi ni Dad.
"I preferred to be involve."Sabi ko.
Ramdam ko rin kasi na may kinalaman ako sa kung ano man ang paguusapan nila."No... Usapang lalaki sa lalaki to kaya wag kang makialam. Lumabas ka." May bigat na ang pananalita ni Sam galit nga sya.
"Dad.!."
"Yes I'm your dad... so I want you to listen to me since I'm your father... get out now!" lasigaw na sabi nya.
Bigla akong nakaramdam ng takot sa kanya... yun ang kauna unahang pagkakataon na sinigawan nya ako.
"Wag mo syang sisigawan please... nakikiusap ako don't do that to her... kung galit ka... sa akin mo ilabas ang galit mo wag mo syang idamay... " May pagpapakumbaba sa tinig nya.
"Kung alam mo kung ano ang ikinagagalit ko alam mo rin na damay sya.."
"I think I have an idea... but still gusto ko pa ring malaman mula mismo sayo kung ano bang ikinagagalit mo.?"
Hindi ako makakilos sa kinauupuan ko.
So ito na ang kinatatakotan namin ni Adam ang makita kung papano magalit si Sam.
"Putang ina mo Hendrix you think hindi ko malalaman, nakalimutan mo yata na princesa ang turing ko sa anak ko I have a lot of people around her. I even warn you not to lay a finger on her, And yet you choice to do it in public. "
May folder na kinuha si Sam mula sa mesa at itinapon iyon sa harap namin ni Adam.
Tumambad ang karawan namin ni Adam sa Bar na halos magkayakap na, may karawan din na kuha loob ng sasakyan nya habang naghayalikan kami at ang malinaw na kuha ay yung naghahalikan kami sa loob ng elevator.
"You disappointed me bigtime Samantha you think yung mga taong binabayaran ko para bantayan ka ay tatraydorin ako tulad ng ginawa ng hayup na kaibigan ko.!"
Never in my wildest dream na naisip ko na makajaoagoura ng ganun kagrabe si Sam.
Sya kasi yung tao na galit na galit na nakakarinig ng mura lalo na sa salitang tagalog masyado daw kasing masakit sa tainga. But he just did.
"Dad... I'm sorry..." Naluluhang sabi ko.
"Wala syang kasalanan ako.. ako ang may kasalannan... sa akin ka magalit wag sa kanya."
"Oo sayo talaga ako galit... galit na galit ako na gusto kitang patayin ngayon."
Biglang sinugod ni Sam si Adam at inundayan ito ng suntok na sinalo naman ng mukha ng huli ni hindi sya umilag.
At hindi pa sya nakuntento sa nagpaulan pa sya ng sunod sunod na suntok na sinalo lahat ni Adam. Hindi man lang sya nanlaban.

BINABASA MO ANG
Sam & Adam
RomanceTwo men one woman Sam & Adam dalawang lalaki na nagmamahal kay Samantha. Samantha ang babaing parehong mahal ang dalawang lalaki. Sino ang mas matimbang. Sino ang pipiliin nya. (Hi guyz, heto na naman po ako ang inyong lulubog lilitaw na writer. M...