Chapter 20

2.7K 121 4
                                    

Mabilis kong tinungo ang banyo at ibinuhos ko sa kababo ang soup at kasabay ng malapot na sabaw ay ang isang cellphone na nakabalot sa Ziploc.

Napangiti ako.

Sa banyo lang walang CCTV.

Pasimple kong ibinalik sa tray ang tasa ng soup na walang laman. At iniwan ko ang CP sa loob ng banyo.

Tumikim ako ng pagkain, matapos ang ilang subo ay uminom na ako ng tubig at tsaka pumasok sa banyo. Isinara ko ang pinto at agad na kinuha ko ang Cellphone.

Ng buksan ko iyon ay iisang numero lang ang naka save doon at letter A lang ang naka sulat na pangalan.

Binuksan ko muna ang shower bago ko idinayal ang tanging numerong naandun. Kung sinoman ang may ati ng numerong iyun tiyak na sya ang savior ko.

Isang ring pa lang ay may sumagot na agad.

“Baby…”

“Adam.” Halos pabulong na sabi ko.

“Yes its me… thanks God at nailusot nila ang CP., ang higpit daw kasi ng mga gwardiya mo, kinakapkapan lahat ng papasok sa silid mo.”

“Mabuti at napapayag no si Ate Teres na gawin ang pinagagawa mo.?”

“Leader ng fans club ng love team natin si ate Teres kaya kakampi natin yan.”  Alam kong nakangiti sya ng sabihin nya yun.

“Kumusta ka na… yung mga pasa mo masakit pa ba.?”

“Wag mo akong alalahanin. Wala lang to… ijaw ang inalala ko… kinagalitan ka ba nya.?... o kaya sinaktan.?” Tanong nya.

“Hindi…. Hindi pa nga kami nagkakausap.”

“Baby listen carefully… bukas aalis ako paluntang Riyadh tulad ng gusto nyang mangyari.”

“No… ayaw ko… wag mo akong iiwan please… hindi ko kaya.” Muli na naman akong naiyak.

“Hey…hey… don’t cry… I told you to listen carefully… baby as I was saying puounta ako ng Riyadh yun lang ang paraan para luwagan nya kahit kunti ang mga gwardiya mo… ayaw kong ibilango ka nya, at may plano ako.”

“Plano.? Anong plano.?

“Saka ko na sasabihin sayo. For now gusto kong magtiis tiis ka muna ha…call me if anything happens.”

“Okay.” Pag sangayaon ko.

“So stop Crying please… I love you…”

“I love you too.”

Ilang araw akong hindi lumabas ng aking silid, ilang araw din kaming hindi nagkita ni Sam.

Dinadalhan na lamang ako ng pagkain sa aking silid ng mga katulong.

Lunes ng umaga ng mapagpasyahan kong harapin uli ang buhay, gumising ako ng maaga para maghanda sa pqgpasok sa trabaho.

Sinigurado ko munang wala na si Sam hindi ko kasi alam kung papano sya haharapin.

Pagdating ko sa CGC ay una kong pinuntahan ang mga kaibigan ko, gumaan ng kunti ang pakiramsam ko ng makausap ko sila.

Hindi rin naman sila nagtanong ng tungkol kay Adam, mukhang alam na rin naman nila ang nangyari.

Pagpasok ko pa lang sa opisina ko ay sinalakay agad ako ng lungkot at muli na namang pumatak ang mga luha ko pagkakita ko sa connecting door papasok sa opisina ni Adam.

Binuksan ko ang pinto walang tao roon ngunit sinalubong ako ng pamilyar na amoy nya.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa labis na kirot na nararamdaman ko mula doon.

Naiimsgine ko pa na nakaupo sya roon wearing his eyeglasses looking so hot. Tapos ngingitian nya ako yung ngiting mapangakit sabay kibot ng kanyang labi para bigyan ako ng flying kiss without the hand gesture kasi nga may CCTV sa opisina nya at pweding makita yun ni Sam.

Bumalik ako sa mesa ko at sinubukan kong ibaling ang atensiyon ko sa nakatambak na trabaho sa harapan ko.

Lunch time ng kumatok ang EA ni Adam si Miss Dominguez.

“Maam Lunch nyo po  pinadala ni Sir Sam.”

“Thank you pakilagay na lang sa center table.” Sabi ko ng hindi ko man lang sya tinapunan ng tingin masyado akong busy sa pagbabasa ng documents na hawak ko.

“Maam ipinabibigay din po ni Sir Sam.” At inilapag nya ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa ko.

Kumabog ang dibdib ko. Unang pumasok sa isip ko  si Adam.

Noon na ako nag angat ng tingin para pasalamatan si Miss Dominguez.

“Thank you.” Naka ngiting sabi ko.

Ngumiti rin sya.

“At may gusto pong kumausap sa inyo.” Iniabot nya sa akin ang phone nya.

“Sino.?” Tanong ko habang kinukuha ko iyon.

“Kliyente..” at ngumiti sya ng makahulogan.

Inilagay ko sa aking tainga ang phone nya.

“Hello..” Sabi ko.

“Hi baby…”
Babangitin ko sana ang pangalan nya ng senyasan ako ng palihim ni Ms. Dominguez at inginoso nya ang kanto ng opisina ko na may nakakabit na CCTV. Pinaglagyan na din pala ang opisina ko.

“Hello Sir..” Sabi ko na lang.

“I miss you.”

Halos tumalon ang puso ko sa sinabi nya, gusto ko ring sabihin na I miss you too.

“Okay..” yun na lang ang sabi ko.

“I know that you miss me too baby… pero kunting tiis lang..”

“Yes.” Yun lang ang sagot ko.

“Babe may ibibigay na phone sayo si Ms. Dominguez yun ang gagamitin natin para magkausap tayo… wag na wag mong gagamitin ang cellphone mo kasi naka wiretap yan sa daddy mo… I know it kasi may tao ako sa loob ng security department na malapit sa daddy mo. Pinatanggal nya na rin ang CCTV sa loob ng kwarto mo so pwede tayong mag usap dun sa telepono kasi doon walang mga matang nakatingin sayo. And right now gusto kitang makausap at makita  ng walang mga matang nakatingin sayo so can you please look for a please kung saan pwede tayong mag video call.”

“Okay sir… ako na pong bahala.”

Narinig kong tumawa sya.

“Bilisan mo babes at miss na miss na kita.”

“Okay.”

Sam & AdamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon