Chapter 22

2.7K 123 12
                                    

Alam kong may mga tao si dad na nakasunod sa akin at mukhang magagaling sila mag disguise kasi kahit ako ay hindi ko mahulaan kung sino sila. Good thing kasi hindi ko maramdaman ang kanilang presensiya kaya hindi ako masyadong naiilang.

Kumakain na kami ng inorder naming pizza at ice tea ng may lumapit sa aming magandang babae na medyo matanda lang yata sa amin ng ilang taon.

“Hi .” Nakangiting sabi nito sa amin.

“Pweding maki share ng table. “ Sabi nya.

“Yah sure.” Sagot ko. Punuan din kasi ang mga table palibhasa weekend.

Naupo sya sa tabi ko  at nginitian nya ako.

Hindi ko alam kung bakit subalit tila nanikip ang dibdib ko pagkakita ko sa ngting iyun. Its full of warm and affection.

“I’m Talia.” Pagpapakilala nya sa sarili nya.

“I’m Samantha and this is my friend Nicole.”

Iniabot ko ang kamay ko sa kanya, tila nagulat sya sa ginawa ko kaya hindi nya agad inabot ang kamay ko pero ng abotin nya naman ay napahigpit ng ginawa nyang pagpisil doon.

“You’re so beautiful…” Tila naluluhang sabi nya.

“Po?” Nagugulohang tanong ko.

Ngumiti lang sya at tumingin sa paligid.

Nakita kong may papalapit sa aming mga lalaki at babae.

Bigla syang tumayo.

“Mauna na ako sa inyo.” Tila takot na sabi nya.

“Nice meeting you Samantha Collin.” At umalis na sya.

“Wait..” tinawag ko pa sya para tanungin sana kung bakit nya alam ang apelyedo ko eh wala naman akong sinabi sa kanya. Pero mabilis na syang naglakad palayo at sinundan pa sya ng ilan sa ma lalaki at babaing palapit sa amin.

Nagkibit balikat na lamang ako at bumalik sa pagkain at pakikipagusap kay Nicole na abalang abal sa pakikipagtxt sa kung sino.

“Sino ba ka txt mo.?” Tanong ko sa kanya.

“Wala .” Sagot nya sabay ngiti na parang kinikilig.

Lalaki yun for sure.

Hindi pa kami tapos kumain ng makatanggap ako ng tawag mula kay Sam.

Nagulat pa ako ng makita ang pangalan nya sa screen ng CP ko. Mula ng magalit sya sa amin ni Adam ay hindi na ako nakakatanggap ng tawag o kahit text man lang mula sa kanya.

Baka emergency. Agad ko iyong sinagot.

“Hello.” Sabi ko.

“Samantha where are you.?” Walang sere seremonyang tanong nya.

“Sa mall… food court.” Sabi ko.

Agad nyang pinutol ang tawag, wala pang limang minuto ay nasa harap ko na sya na hinihingal pa halata mong mula sya mabilis na pag takbo.

“What’s wrong.?” Nagaalalang tanong ko sa kanya. Napatayo na rin ako sa harap nya kasi kinabahan ako ng husto. Is something wrong?

Bigla nya akong niyakap ng mahigpit.

“Samantha. You scared the hell out of me” Halos pabulong na sabi nya.

“Bakit.. may problema ba.?”

“Lets go home.” Sabi nya.

Hinawakan nya ako sa kamay ay hinila.

“Wait kasama ko si Nicole.”

“Sige lang… uuwi na rin naman ako.” Sabi nya.

“Okay. Bye.” Sabi ko.

At  hinila na ako si Sam palabas ng Mall. Nakasunod sa amin yung mga lalaki at babae kanina sa food court. Ngayon alam ko na sila ang mga bodyguard ko.

Dumeretso na kami sa parking area kung saan naroroon ang sasakyan nya at hindi na ako nagreklamo sumakay na ako sa sasakyan nya.

Deretso kami sa bahay. Hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay ay wala syang sinabi at hindi rin ako nagtanong ng kahit ano.

“Sabay tayong mag didiner.” Yun lang ang sinabi nya bago sya nagpatiunang umakyat sa hagdan papunta sa kwarto nya.

Dinner…

Kalnsing ng kubyertos ang maririnig mo sa harao ng hapag.

Nagpadala sya ng dalawang lata ng beer sa Family area. Ibig saabihin may paguusapan kami.

Nakaupo sya sa pangisahang sofa sa mahaba naman ako. Binuksan nya ang beer para sa akin at uminom muna sya ng beer nya bago tumingin sa akin.

“Hindi ako hihingi ng sorry sayo dahil sa ginawa ko sa inyo ni Hendrix.” Panimula nya.

“I know.” Sagot ko sabay inom din ng beer.

“I’m a father Samantha and what I did is the most logical things to do for my daughter.”

“It that’s what you want to believe so be it.” Casual na sabi ko.

“Galit ka sa akin alam ko.”

“Hindi ako galit masama lang ang loob ko… ni hindi mo kami binigyan ng pagkakataong magpaliwanag.”

“Walang katanggap tangap na paliwanag sa ginawa ni Hendrix. He betrayed me.”

“Hindi lang sya kundi ako rin naman, sinira ko ang pagtitiwala mo… pero hindi naman yata tama na pahirapan mo kami ng ganito… Wala naman kaming kasalanan ah… hindi naman namin ginusto na magmahal sa maling tao at sa maling pagkakataon kung talagang mali nga bang matatawag ang pagmamahalang meron kami… Pero ako kahit saang angulo ko tingnan wala akong makitang mali. Lalaki sya babae ako… dalaga ako binata sya… mahal nya ako mahal ko sya…”

“His to old for you.” Mahinang sabi nya.

“By seven years… are you kidding me… meron nga dyan 10… 15… 20 years ang agawat ng edad sa isat isa pero masaya sila at walang problema… kami seven year’s lang…”

“His my best friend Samantha… the only best friend I have.”

“And what’s wrong with that… ayaw mo noon best friend mo ang lalaking nagmamahal sa akin ibig sabihin kilalang kilala mo na sya.”

“Yun na nga eh… kilalang kilala ko na sya I know how he treat women… he’s a player he’s a fuck and go kind of man Samantha,  kaya papano ko ipagkakatiwala sa kanya ang nagiisang anak ko na halos iningatan ko ng twenty three years. “

It hits me hard. Ganun ba talaga si Adam. Naalala ko yung sinabi ng isa sa mga kaibigan ni Adam .” kahit naman ako hindi ko gugustohing maging girlfriend ka ng anak ko.”

“Bakit hindi ba pweding magbago ang isang tao.?”

“Siguro nga pwede… but I want to see it with my own eyes first.”

Ng gabing iyun ay hindi muna ako nakipagusap kay Adam. Pinatay ko ang laptop ko at ang cellphone ko.

Sam & AdamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon