Chapter 19

2.6K 113 8
                                    

Ng makita kong duguan na ang mukha nya ay saka lang ako nakaipon ng lakas para awatin si Dad.

“Tama na… tama na… dad.. please tama.” Umiiyak na pagmamakaawa ko sa aking ama.

“Fuck you Hendrix I trusted you.. ipinagkatiwala ko sayo pati ang anak ko, pano mo nagawa sa akin to.”

“I’m sorry Sam pero wala akong pinagsisihan sa ginawa ko… mahal ko si Samantha God knows how I tried to fight this feeling I have for her pero hindi ko kaya.. alam ko na naramdamman mo na rin to at ikaw mismo ang makapagpapatunay kung gaano kahirap labanan ang pagmamahal… I love her Sam… I love her so much.”

Nakita ko ang pagpatak ng mga luha mula sa mata ni Adam it makes me cry harder.

“Asshole… pupunta ka ng Riyadh bukas at hindi ka babalik ng Pilipinas hanggat hindi ko sinasabi.”

Hawak nya ang kwelyo ng polo ni Adam habang sinasabi nya iyon

“Please don’t do this Sam… nakikiusap ako sayo wag ganito.”

“Ikaw ang pupunta ng Riyadh o Si Samantha ang ipadadala ko doon… mamili ka.” There’s finality in his words.

Marahas nyang binitiwan si Adam na agad ko namang dinaluhan. Halos nanginig ang aking mga kamay ng haplosin ko ang mukha nya na may mga pasa. Panay ang agos ng aking luha na pilit nya namang pinupunasan.

“Stop it baby please don’t cry please.”

Lalo akong napahagolgol at mahigpit kaming nagyakap.

“Ten minutes Samantha kailangan naka labas ka na ng silid na to kung hindi kakaladkarin kita palabas dito.”

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi at ginagawa ni Sam ibang iba sya sa Samuel na nakilala ko hindi sya ang Samuel na daddy ko.

Pagkalabas ni Sam  ay agad kong tinulungan si Adam na makatayo mula sa pagkakalugmik sa sahig.

Ng makatayo na sya ay hinawakan nya ako sa magkabalang pisngi.

“sige na sumunod ka na sa daddy mo.”

“No hindi kita iiwan dito.”

“Okay lang ako wag mo akong alalahanin… lumabas ka na alam kong hindi nagbibiro ang daddy mo, ayaw kong mapahiya ka sa mga empleyado nyo, kaya sige na please, okay lang na ako ang masaktan, na ako mapahiya wag lang ikaw… pag ikaw ang sinaktan nya hindi ko alam kung ano ang kaya kong gawin, ayaw kong tuluyang mawala ang respeto ko sa kanya hindi bilang kaibigan at boss kundi bilang ama mo.”

“Pero papano ka.?”

“I have my own men… l’ll call them.”

“Aalis ka ba.? Iiwan mo ba ako…? Magkikita pa ba tayo.?”

Pinaglapat nya ang aming mga labi. Yun lang ang pwede nyang gawin dahil sa may pasa ang gilid ng kanyang labi.

“I just need a few hours to figure out what to do, for now gawin mo na lang muna ang pinagagawa nya sayo… just remember that I love you. Okay.?”

Sunod sunod ang ginawa kong pag tango.

“I love you too.”

Kahit masakit sa loob ko ay iniwan ko si Adam sa loob ng conference hall. Dumeretso ako sa elevator pababa sa underground parking kung nasaan ang sasakyan ko.

Hindi ko kayang makaharap si Sam… Natatakot at nagagalit ako sa kanya.

Pagbukas ng elevator sa underground ay may mga nakaabang ng bodyguard sa akin.

May driver na rin na nakabantay sa may sasakyan ko.

Pagdating sa bahay ay dumiretso ako sa aking silid at doon ako umiyak ng umiyak. Ng humupa ng kunti ang emosyon ko ay sumilip ako sa bintana,bakasakaling makatakas ako para mapuntahan ko si Adam.

Pero nanlumo ako ng makita ko ang hindi mabilang na gwardiya na nakapaligid sa buong bahay at maging sa labas ng kwarto ko.

Hindi ko matawagan si Adam dahil kinuha ni Sam ang cellphone ko.

Nagsimula na naman akong umiyak.

Magiikawalo ng gabi ng kumatok ang isa sa mga katulong namin sa bahay.

May dala syang tray ng lagkain.

“Ilabas mo na yan hindi ako kakain.” Wakang emosyong sabi ko sa kanya.

“Maam kumain daw po kayo sabi ni Sir…”

Tiningnan ko sya ng matalim.

“Ayaw ko sabing kumain.”

Pasimple nyang iginalaw ang kaitiman ng kanyang mga mata patungo sa isang dereksiyon sinundan ko iyun gamit din lang ang mata ko, at may nakita akong CCTV camera maliit lang sya kaya hindi ko agad napansin.

“ Direkta sa cellphone ni Sir Sam ang monitor nyan.” Pabulong na sabi nya na hindi binubuka ang kanyang bibig. Kung papano nyang ginawa yun ay hibdi ko alam.

“ Hi definition din po ang audio nyan, kumain kayo at yang soap ibuhos mo sa kababo sa banyo.” Hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin.

“Kumain daw po kayo sabi ni Sir Sam dahil kung hindi tutuluyan nya daw si Sir Adam.” Sabi nya sa malakas na boses.

“Iiwan ko na lang po ito dito babalikan ko na lang mamaya.”Sabi pa nya.

Matagal ng nakaalis ang katulong pero hindi ko ginalaw ang pagkain na dinala nya kung derekta sa Cellphone ni Sam ang monitor ng CCTV na nasa kwarto ko malamang alam nya na hindi ko ginagalaw ang pagkain. 

Kahit pa sinasabi ng isip ko na hindi nya naman magagawa ang tuluyan si Adam ay nakaramdam pa rin ako ng takot kahit papano.

Then naalala ko ang sinabi ng katulong tungkol sa soup.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at binuksan ko ang takip ng pagkain nakita ko ang tasa ng soup squash soup iyon, malapot at kulay dilaw.

Iniangat ko ang mangkok at inamoy amoy iyun. Mukha naman syang masarap pero bakit ipinapatapon nya sa banyo.

Pinagmasdam kong mabuti ang soup hanggang sa may napansin akong kakaiba.

Sam & AdamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon