Nagulat ako ng husto sa ginawa nya, mas nakakagulat yun kaysa sa proposal. Ang Dakilang Si Adam Hendrix naka luhod sa harap ni Samuel Collin.
“Saksi ang lahat ng nakakapanood nito ngayon nangangako ako sayo na mamahalin ko si Samantha ng higit pa sa buhay ko na gagawin ko ang lahat para paligayahin sya, kung gaano ang pagmamahal na ibinigay mo sa kanya sisikapin kong tapatan yun kung hindi ko man kayang higitan. Please Sam I humbly asking for your Blessings” Nakayukong sabi ni Adam na alam kong lumuluha.
Naihilamos ni Sam ang kanyang dalawang palad sa kanyang mukha at nagtagal iyun sa kanyang mga mata at ng tangalin nya ang kanyang kamay ay nakita kong basa ang kanyang mata at pisngi he’s crying also.
“Hindi mo alam kung gaano kahirap to para sa akin Adam… of all people bakit ikaw pa… ang dami namang iba dyan kahit tambay sa kanto okey lang, pero ikaw.? Fuck I Know you Adam saksi ako kung papano mo pinaiiyak ang mga babae na naghahabol sayo… shit hindi ko kayang makitang nangyayari yun sa anak, kasi makakapatay talaga ako."
Naluha na rin ako noon ko lang kasi nakita kung gaano kabigat ang dinadala nya masiguro lang ang kaligayahan ko.
“Sam please give me a chance to probe myself to you and to Samantha. I love her so much, hurting her means hurting myself also. Ako mismo ang maglalagay ng bala sa sarili kong ulo kapag ginawa ko ang kinatatakotan mo.”
Matagal na hindi nagsalita ang dalawa nagsukatan lang sila ng
“Okay fine” sabi nya kasabay ng pagbuga ng marahas na hangin mula sa kanyang bibig.
“Panalo na kayo…Sigurdohin mo lang na tutupad ka sa pangako mo.. ayaw kong makapatay ng Kaibigan.”
Biglang tumayo si Adam at sinugod ng yakap si Sam.
“Thank you tol… I mean Dad… thank you.”
Naiiling na tinapik ni Sam ang likod ni Adam.
Ng maghiwalay sila ay ibinukas ni Sam ang kanyang braso para sa akin.
Patakbo akong yumakap sa kanya.
“Thank you Daddy.” Sabi ko habang umiiyak.
“Samantha… from now on hindi na kita tatawaging baby balato ko na yun kay Hendrix.”
“Thanks Dad… from now on hindi rin kita tatawaging Sam kasi may kailangan kita ngayon as a dad not as best friend kasi andiyan na si Adam.”
“Ang daming kinuha sa akin ng Adam mo na yan… kinuha nya na sa akin ang baby ko pati ba naman best friend ko.”
“Don’ t worry gagawan ka na lang namin ng bagong baby.” Nakangiting sabi ni Adam.
“Oh please I’m to young to ba a grand father.”
“Sorry man but I think I’m old enough to be a Dad… ayaw ko naman na senior citizen na ako ay may pinagaaral pa ako sa college.”
Nagpadeliver ng lunch mula sa isang fast food chain para sa buong empleyado ng CGC si Sam.
Fast food lang kasi ang pumayag na mag deliver ng ASAP ng maramihan at ibat ibang store at branch pa ang inorderan para lang ma accommodate ang lahat ng empleyado ng CGC, lahat kasi ng emomeyado sa kahat ng branch ng CGC sa Pilipinas ay nilibre nya ng lunch ipa panood nya ba naman kasi ng live sa buong CGC community ang proposal nya sa akin at kay Sam. Salamat na lang at uso na ang online payment.
Ang selebrasyon sa opisina ay ipinagpatuloy sa bar, ipinasara muna ang buong bar para sa mga costumer para i-accommodate ang mga kaibigan nina Adam at Sam.
Bumabaha ang alak at pagkain lahat charge kay Adam.
“Babe hindi ka kaya mamulubi nito… engagement ring pa lang worth a fortune na tapos na libre ka pa ng buong kompanya at ngayon naman buong barangay yata ang naririto.” Sabi ko sa kanya.
Magkatabi kaming nakaupo sa stool sa bar counter doon kami pumwesto para madali kaming makita ng mga taong naghahanap sa amin para I-congratulate kami.
“Wa kang magalala anak mas mayaman pa yan kaysa sa atin. Kahit mag pa party yan ng buong linggo hindi yan mamumulubi.” Sabi ni Dad na nasa loob ng bar area at syang nagseserve ng alak sa amin. Okasyon daw kasi ito ni Adam kaya sya ang magsisilbihin sa amin.
Nakakatuwa lang eh kaninang umaga lang ay halos magpatayan sila tapos ngayon balik sa normal na, parang hindi man lang sila naging magkaaway sa loob ng isang buwan.
Ganun ba talaga ang mga lalaki madaling maka move on.
“Hey hindi totoo yan gusto mo mag labasan pa tayo ng statement of Asset and liabilities.” Pagrereklamo ni Adam.
“Mas madami Asset mo.” Sabi mi Sam.
“marami naman akong liabilities.”
“Alin yung mga babae mo.”
“Osst… wa ka nga baka maniwala si Samntha sayo.” Saway ni Adam kay Sam.
“ALam ni Samantha ang tungkol dun… di ba nga yun ang pangunahing dahilan kung bakit ayaw na ayaw ko sayo para sa kanya.”
“Ano bang sinabi nya sayo.?” Tanong sa akin ni Adam.
“Babaero ka raw isa ka raw dakilang fuck and go kind of man.”
Biglang binato ni Adam ng binilog na tissue si Sam.
“Sobra ka naman. Fuck and go talaga.?”
“Wag mo akong hamunin na mag kwento Hendrix at baka maagang matapos ang kaligayahan mo, magtagal lang ng 12 hours ang engagement mo.”
Nagpalipat lipat ang tingin ko sa dalawa.
“Its all in the past baby I’m a change man now.” Defensive na sabi ni Adam.
“Okay were even” Nakangiting sabi ko.
“What.?” Magkasbay na sabi ng dalawa.
“Hala maka what naman kayo… ang ibig kong sabihin okay lang na marami kang naging babae marami din naman akong naging boyfriend.”
Biglang lumapit sa akin si Sam.
“Samantha.!”
“Dad… hello sa America po ako tumira hindi sa kumbento. “
“Pero may mga gwardiya ka papanong nagyari yun.”
“Yun ang exciting dun dad… kung papano ko nagagawa yun… thanx to you naging makulay ang teenage years ko.”
“Samantha!.” Magkasabay uling sabi ng dalawa.
“”Ano…” Inosenting sagot ko.
“ilan ang nagung boyfriend mo.?” Si Adam.
“Hmm… ten… ah no eleven.. I think twelve.”
“Fuck!” si Adam.
“Shit!” Si Dad
“Ipa-firing squad ko ang mga gagong bodyguard mo!” Sabi ni Adam
“Sumama ka na rin… ang sabi mo pinakamagagaling sila kasi mga navy seal.. kung alam ko lang hindi ko na sana ioinagkatiwala sayo ang security team nya.”
“Guys walang kasalanan yung security magaling lang talaga ako at marami akong accomplish.”
“Accomplish..? Sino.?” Si dad.
“Alexandra Collin… Geoffrey Collin..”
“Sina Mom at Dad” Hindi na pinatapos ni Dad ang sinasabi ko.
“yes Pati yung butler ko, yaya ko, sino pa ba.”
“Shut up Samantha.” Sabi ni Dad.
Hindi ko mapigilang matawa sa hitsura ng dalawa daig pa ang natalo sa pustahan.
BINABASA MO ANG
Sam & Adam
RomanceTwo men one woman Sam & Adam dalawang lalaki na nagmamahal kay Samantha. Samantha ang babaing parehong mahal ang dalawang lalaki. Sino ang mas matimbang. Sino ang pipiliin nya. (Hi guyz, heto na naman po ako ang inyong lulubog lilitaw na writer. M...