Chapter 27

2.8K 128 15
                                    

Nagising na lang kami dahil sa malakas na katok sa pinto, at bago pa ako makabangon ay marahas na iyong bumukas at pumasok ang galit na galit na si Sam.

May hawak syang baril at itinutok iyon kay Adam.

“Dad…” Nahintakutang sabi ko.

“Lintik ka Hendrix sinusubukan mo talaga ako!.”

Tinatamad na bumangon si Adam at naupo paharap kay Sam.

“Sam narinig mo na ba ang kasabihang magbiro ka na lang sa lasing wag lang sa bagong gising at sa lalaking bitin.”

“ At sino ang nagsabing nagbibiro ako. Papatayin talaga kita.”

“Sige patayin mo ako kung gusto mong mawalan ng ama ang magiging apo mo.”

Natigil sa gitna ang aking paghinga dahil sa sinabi ni Adam. Nakuha nya pa talagang magloko.

“Anong sinabi mo.?”

Ngumiti si Adam at hinawakan ang dulo ng baril na hawak ni Sam, at sa isang iglap ay natangalan nya iyon ng Magazine.

Tiningnan nya ang loob niyon at napangiti sya.

“Di ba tinuruan kita ng tamang paggamit ng baril ang sabi ko sayo wag mong itotok sa noo ng kalaban ang baril mo ng walang bala.”

Biglang inundayan ng suntok ni Sam si Adam pero mabilis iyung nasalag ng huli.

“Sam ha sumusobra ka na minsan na akong nagpabogbog sayo wag mong isipin na mauulit pa yun… Wag mo akong piliting itanan ko tong anak mo at sinasabi ko sayo kahit ubusin mo pa yang kayamanan mo hinding hindi mo kami makikita. Kilala mo ako Sam alam mo kung ano ang kaya kong gawin.”

Tila natigilan si Sam sa sinabi ni Adam.

“Wag kang magalala hanggat hindi ka nagiging bayolente, magpapakabait ako susuyuin kita hanggang sa pumayag ka na maging boyfriend ako ng anak mo.”

“Shit hanggang ngayon kinikilabotan pa rin ako sa mga sinasabi mo.”

“Don’t worry darating din ang panahon na matatangap mo rin ako… dad…”

“Fuck ang sagwa… bumaba na nga kayo nakahanda na ang almusal.”

Anyari ang bilis naman magbago ng isip ni Sam nakuha ba sya sa pananakot ni Adam.

Alam kong hindi pa rin talaga matangap ni Sam si Adam para sa akin pero masaya na ako kahit papano dahil hindi na masyadong bayolente ang reaksiyon nya.

“Nasaan na si Lia.?” Tanong ni Adam kay Sam habang kumakain kami ng almusal.

Tumingin sa akin si Sam tapos kay Adam.

“Nasa bahay mo.”

“Nagkaayos na kayo.?”

Kinabahan ako sa tanong na yun ni Adam. Halos hindi ako humihinga habang hinihintay ang sagot ni Sam.

“Hindi ganun kasimple yun.”

“So anong balak mo sa kanya.”

“May sarili syang buhay… bahala sya kung anong gusto nyang gawin sa buhay nya.”

Kapwa natahimik ang dalawa, pagangat ko ng tingin pareho silang nakatingin sa akin.

Muli kong ibinalik sa pagkain ang aking atensiyon wala kong balak makisali sa usapan nila tungkol sa aking ina.

“Kaylan ka babalik ng Riyadh.?” Tanong ni Sam.

“kadarating ko lang, paalisin mo na agad ako.” Pagrereklamo ni Sam.

“Marami kang trabaho doon.”

“Babalik ako after a week.”

“Isang linggong bakasyon para sa isang buwang trabaho ano ka may ari ng kompanya.?” Tumaas ng kunti ang boses ni Sam.

“Oi isang buwang walang pahinga ang trabaho ko dun. Mahaba na ang apat na oras na tulog sa akin trabaho na naman, halos sa loob na nga ng opisina ako nakatira.”

“Idagdag mo sa apat na oras na tulog mo ang apat na oras na pakikipagusap mo sa anak ko sa skype, at ng magkaroon ka ng sapat na pahinga.”

Muntik na akong mabilaokan sa sinabi ni Sam. Agad naman akong inabotan ng tubig ni Adam at hinagod sa likod.

“Ako ngay wag nyong pinaglolokong dalawa… alam ko kung anong pinagagawa nyo. Akala ko ba dati kang intelligence Analyst ng FBI bakit yung mga kilos mo sablay.”

“That’s what we called strategy.” At nakakalokong ngumiti si Adam.

“Speaking of that former Job of mine tinawagan ako ng FBI at pinababalik nila ako with a higher position criminal intelligence analyst and a higher compensation. Ano kaya kung bumalik na lang ako sa kanila, mas maganda pa ang trabaho ko dun, bukod sa magagamit ko na ang pinagaralan ko wala pa akong boss na mapang abuso.”

“Hendrix baka nakakalimutan mo na ang mapang abusong boss mo na to ay tatay ng babaing sinasabi mong mahal na mahal mo… kung gusto mong bumalik sa trabaho mo your free to go pero sinasabi ko sayo ihinding hundi ako papayag na maging asawa ka ng anak ko.” At tumayo na ito.

“Sumunod kayo sa opisina at may stockholder meeting andito ka na din lang umattend ka na at mag bigay ng report mo.” Sabi nya kay Adam at humakbang na sya.

Pero bago sya makalabas ay humarap sya sa aming muli.

“In 30 minutes dapat naandun na kayo. No making out, pinalagyan ko na uli ng CCTV ang kwarto mo Samantha.”

“Okay Sam wala namang problema sa amin kung gusto mong mapanood kaming mag live show ng anak mo.”

“fuck you Hendrix don’t you dare.” At tuluyan na syang lumabas.

Naginit ng husto ang mukha ko sa mga narinig ko.

Tumawa naman ng malakas si Adam para asarin pa lalo si Sam.

Meeting.

Pagpasok pa lang namin ni Adam na magkasama at magkahawak kamay ay nakatingin na sa amin lahat ng tao sa loob ng conference room. Tapos tumingin sila kay Sam na nasa laptop sa harap nya ang atensiyon.

Umupo kami sa upuang malapit sa kanya sa tabi nya ako at sa kabila ko si Adam na hawak hawak pa rin ang kamay ko.

“This is a board meeting not a dinner date so you can let go of my daughters hand Mr. Hendrix.” Malakas na sabi ni Sam dahilan para matawa lahat ng tao doon.

“Mr. CEO sir gusto ko lang ipaalam sa lahat ng naririto at lalo na sayo na hinding hindi ko bibitiwan ang kamay na to kahit tumutol man ang buong mundo.” Nakangiting sabi ni Adam sabay halik sa likod ng kamay ko.

Nagpalakpakan ang mga member ng board.

Ako naman halos malusaw sa sobrang kilig at kahihiyan, pilit kong inaagaw ang kamay ko mula sa kanya pero lalo nya lang hinigpitan ang pagkakahawak doon.

“Hanggang ngayon kinikilabotan pa rin ako sa mga pinagsasabi mo Hendrix.”

Nagtawanan uli ang mga tao.

“Gentleman and ladies lets start the meeting bago pa ako makasapak dito… so now to begin with lets have the report from Mr. Hendrix on the Riyadh Branch.”

Sam & AdamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon