Magkasabay kami ni Sam na bumababa pero magkahiwalay kami ng sasakyan.
Nagmaneho ako papunta sa pent house ni Adam.
Pagdating ko doon ay hindi na ako nag doorbell kasi alam ko na naman ang password ng pinto nya.
Wala akong nakita sa sala kaya dumeritso ako sa kwarto nya na bahagyang nakabukas.
“Adam ano ba bumangon ka na nga dyan at kumain.. kagabi ka pa hindi kumakain.”
Narinig kong boses ng isang babae mula sa loob.
Boses ni Talia ang mommy ko.
“I miss her so much mom.” Paungol na sabi ni Adam.
Sumilip ako sa awang ng pinto, nakita ko si Adam na naka dapa sa kama habang si Lia ay nakatayo sa gilid.
“Mom…? Eww..Hanggang ngayon kinikilabotan pa rin ako sayo… hindi ko pa rin masikmura na magiging asawa ka ng anak ko… ano bang nagustohan nya sayo hundi ka naman husband material.” Tila diring diring sabi ni mom na alam kong binibiro lang si Adam.
“Ikaw ano bang nagustohan mo kay Sam at hinahabol habol mo pa rin sya kahit ipinagtataboyan ka na nya.”? Balik tanong naman ni Adam.
“Mahal ko sila ng anak ko yun yun.”
“Yun din yun… mahal ako ni Samantha… ah.. miss na miss ko na talaga ang baby ko.”
“Kung hindi ka ba naman kasi gagot kalahati… sino bang may sabi sayo na makialam ka sa problema ko, ayan tuloy nadamay ka.”
“Gusto ko lang naman na magkausap kayo bago ka man lang umalis pabalik ng States it’s the least I can do for everything that you did for me.” Madamdaming sabi ni Adam na bumangon na at naupo sa kama paharap kay Lia.
“you’ve done enough Adam… Nagkausap na kami ni Sam narinig na nila ang paliwanag ko, okay na sa akin yun… maghihintay na lang ako pagdating ng panahon na mapatawad nila ako.”
Parang sinasakal ang Puso ko sa narinig ko.
“Kaylan ba ang flight mo.?”
“Bukas ng hapon.”
“Shit! That soon hindi ba pweding mag extend ka pa. Kahit after ng engagement party namin ni Samantha man lang.”
“Don’t worry..uuwi ako sa engagement party nyo, kahit sa malayo lang ako gusto ko pa ring masaksihan ang isa sa pinakamahalagang araw sa buhay ng anak ko.”
Doon na ako hindi nakatiis.
Kumatok ako at dererersong pumasok.
Kapwa sila nagulat pagkakita sa akin.
“Kung hindi mo kayang mag stay para sa amin ni dad kahit para kay Adam na lang gawin mo.” Parang wala lang na sabi ko. But deep inside gusto ko ng umiyak, dahil sa sobrang bigat ng kalooban ko.
“Baby.. “ Alanganin ang reaksiyon ni Adam hindi ko alam kung masaya ba sya na makita ako.
Si Talia naka tingin lang sa akin na para bang maiiyak na hindi ko mawari.
“Babe anong ginagawa mo rito.?” Sabi ni Adam na nagmamadaling bumababa ng kama nya at lumapit sa akin.
Agad naman akong napatakip ng ilong dahil sa amoy alak sya.
“Ang baho mo… maligo ka nga muna.”
“Sorry… I’ll make it quick.. wag kang aalis hintayin mo ako dito ka lang sa silid ko… Lia can you make me a cup of coffee please.”
“Ako na.” Sabi ko.
“No babe dito ka lang wag kang aalis.”
Nenerbiyos na ngumiti si Lia.
“Its okay ako na.” Sabi nya.
“Bigla kong binato ng unan si Adam.”
“Ginagawa mo bang alila ang nanay ko.” Pagalit na sabi ko dito.
Nagulat sila sa sinabi ko.
Si Adam ang unang nakabawi.
“No… hindi sa ganun… I mean never mind.. Lia wag ka ng magtimpla ng kape ko I’ll just do it myself.” At mabilis na syang pumasok sa banyo.
Naiwan kami ni Thalia kapwa nagpapakiramdaman.
Ako ang unang nagsalita.
“I’m doing this hindi dahil sayo ku di para kay Adam alam ko kung gaano ka kaimportante sa kanya.”
“I’m sorry kung nagaway kayo dahil sa akin.”
“Yes… at ayaw kong patuloy kaming magaway dahil sayo.. susubukan kong maging civil sayo, hindi dahil sa kung ano pa man kundi dahil kay Adam… “
“Thank you… masaya na ako doon…. “ May pumatak na luha mula sa kanyang mga mata.
Ako pilit kong pinigilan ang luha ko.
Humakbang ako palabas ng silid ni Adam at nagtungo sa kusina para ipagtimpla ito ng kape.
Bunuksan ko ang cupboard at may nakita ako doong Instant coffee. Kinuha ko iyon pati ang asukal at creamer.
“Adams wants his coffee to be brewed and black no sugar.” Sabi ni Talia na sumunod pala sa akin ng hindi ko namamalayan.
Itinuro nya sa akin ang coffee maker na nasa kitchen counter.
“Thanks..” mahinang bulong ko.”
Pasimpleng ngumiti sya at tumalikod.
“Ikaw anong gusto mo sa kape.?” Out of politeness na tanong ko sa kanya.
“With cream and low sugar.” Sagot nya na tila alanganin.
Pareho kami ng gusto sa kape.
“I’ll make one for you.”
May nakita akong emosyon sa kanyang mukha na hindi ko maipaliwanag kung ano. Hindi ko na lang iyon pinansin at ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko.
Minadali nga ni Adam ang kanyang paliligo saktong katatapos ko pa lang magtimpla ng kape ng bigla nya na lang akong yakapin mula sa likuran.
“I miss you.” Bulong nya habang hinahalikan ako sa ulo.
“Inomin mo na tong kape mo habang mainit pa.. at itong isa ibigay mo sa nanay ko.” Sabi ko.
Lalong humigpit ang yakap nya sa akin.
“Thank you babe… thank you.”
“For what.?”
“For making her happy.”
“Wala pa akong ginagawa.”
“This coffee is enough to make her happy babe… thank you.” At kinitalan nya ako ng halik sa labi .
Bago pa makalayo ng tuluyan ang labi nya sa akin ay ipinulopot ko ang aking braso sa kanyang leeg at ako naman ang humalik sa kanya, kumislot ang kanyang labi alam kong napangiti sya.
Ilang sandali rin kaming naghalikan bago kami naghiwalay. Pinagdikit nya ang aming mga noo.
“Lalamig ang kape.” Sabi nya ng naka ngiti.
“Oo nga.” Nakangiti ring sabi ko.
Tulad ng sinabi ko sinubukan kong maging civil kay Talia, hindi naman sya mahirap gawin lalo pat naandiyan naman si Adam na nagsisilbing neutralizer.
BINABASA MO ANG
Sam & Adam
RomanceTwo men one woman Sam & Adam dalawang lalaki na nagmamahal kay Samantha. Samantha ang babaing parehong mahal ang dalawang lalaki. Sino ang mas matimbang. Sino ang pipiliin nya. (Hi guyz, heto na naman po ako ang inyong lulubog lilitaw na writer. M...