Pagbaba ko may nakahain ng almusal sa mesa Sinangag with mix vegetables, hotdog, ham, bacon at itlog may fresh fruit juice pa.
Naginit ang mukha ko, hindi ko akalain na seseryosohin nya ang sinabi ko.
Iyon ang unang beses na may nagluto para sa akin na lalaki maliban syempre kay Sam.
I know how to cook my own food, Sam tought me how.
"Oh bakit napatulala ka na dyan, kumain ka na po my princess." Sabi mi Adam na nangaasar.
"Nagluto ka talaga.?"
"Ako ba Ms.Samantha inaasar mo.?"
"No... of course not... its just that...i'm just kidding when i told you to cook for me."
Sumama ang mukha nya.
Marahas nya tinangal ang apron na suot, noon ko lang napansin na ang gwapo nya pala sa ayos nya.
Naka baby pink longsleeve sya with tie tapos naka apron at may hawak na pot holder.
So hot...mas bagay syang model.
Pagka alis ng apron ay kinuha nya ang kanyang coat na naka sampay sa sandalan ng upuan.
"Hihintayin na lang kita sa sasakyan."
Hala galit ba sya.?
Bakit.?
Ano bang ginawa ko.?
Tinawag ko ang isa sa mga katulong at ipinalagay ko sa lalagyan ang mga niluto ni Adam.
Sa opisina na lang ako kakain may sumpong ang mama baka iwanan ako, naiwan ko pa naman sa CGC ang sasakyan ko, kahit naman madaming sasakyan si Adam na nasa garahe hindi ko naman ugali na magpapalit palit ng sasakyan, feeling ko kasi pagmamayabang yun.
Sa sasakyan wala pa ring kibo si Adam.
"Problema mo.?"
Tanong ko sa kanya ng hindi na ako makatiis.
Hindi sya kumibo nakatutok lang sya sa pagmamaneho.
"Hey Adam."
Di nya pa rin ako pinansin.
"Hoy Adan... problema mo."
Doon sya napalingon sa akin.
"Anong sabi mo.?"
"Sabi ko anong problema mo.?"
"Hindi yung tawag mo sa akin ano nga yun.?"
"Adan... di ba ang tagalog ng Adam eh adan."
"Wag mo akong tatawagin ng ganyan, yan ang tawag sa akin ni mommy pag galit."
Napataas ang kilay ko.
"Now I know."
"Don't you dare Samamtha."
"Okey hindi na... pero sabihin mo muna sa akin kung ano ang ipinagpuputok ng butsi mo."
"Your acting like a spoiled brat." Sabi nya.
"Kaylan.?"
"Kanina... nag effeort pa naman ako para ipagluto ka, i even call your dad, para lang itanong kung ano ang paborito mong almusal tapos pinagtitripan mo lang pala ako."
Para syamg batang nagmamaktol pero pinigilan ko ang matawa.
"Hey.. hindi kita pinagtitripan, Okey.. hindi lang kasi ako makapaniwala na ipinagluto mo talaga ako its the first time na may nagluto para sa akin na lalaki aside from Adam."
Nakita kong napangiti sya.
Pero bigla ring bumalik sa dati ang mukha nya.
"First time pala pero hindi mo naman kinain."
Ako naman ang napangiti.
Itinaas ko ang paper bag na hawak ko.
"Ipina balot ko sya para sabay tayong kumain, Alam kong hindi ka pa rin nag almusal kaya sasabayan mo ako."
"Papano mo naman nalaman na hindi pa ako kumain."
"Ewan.. basta alam ko lang."
Sa opisina nya namin napagkasunduang kumain.
Eksaktong mag iika walo ng umaga ng dumating kami kaya naman marami ang nakaabang sa elevator.
Pasimple akong siniko ni Adam.
"What.?" Pabulong na tanong ko sa kanya.
Inginuso nya ang scanner.
Napakunot ako ng noo, hindi ko maintindihan ang ibig nyang sabihin.
"Scan mo na ang kamay mo para mauna na tayong makaakyat."
Pabulong na sabi nya sa tapat ng aking tainga.
Noon ko na gets ang ibig nyang sabihin.
"No..." sabi ko sabay iling.
Naalala ko kasi ang nangyari kahapon.
"Bakit naman.?"
"Lets wait for our turn, hindi ka ba nahihiya ang daming nauna sa atin."
Dahil sa medyo napalakas ang boses ko kaya napatingin sa amin ang mga nasa unahan namin.
"Good mornimg sir." sabay sabay na bati ng mga ito.
"Morning." naka ngiting balik bati sa kanila ni Adam.
Nakita ko kung papano magpa cute sa kanya yung mga kababaihan. Parang si Sam lang ah.
Nakakainis lang.
Wait... naiinis ako ngayon.
Anong nangyari.? Dati naman tuwang tuwa ako na kung minsan ay kinikilig pa nga sa tuwaing may magpapa cute kay Sam, pero bakit dito kay Adam naiinis ako.Lalo akong nainis ng makipag ngitian sya at makipagusap pa sa mga babaeng empleyada ng CGC.
"Kaylan ba tayo uli magbabar ha Sir Adam.?" Tanong ng babaing ang pula ng tuka.
"This weekend pag free ako."
Sabay na kinilig ang mga babae.
"Promise yan.?" Sabi naman ng isang babae.
"Sure I'll call you." Pakikipag landian naman ni Adam.
Saktong bumukas ang pinto ng elevator
"Mauna na kayo sir" Sabi ng isa pang babae.
"Sabay na kayo sa amin." Sabi ni Adam sa mga ito.
"Okay." Nakangiting sabi ng mga babae.
Bigla kong inilapat ang kamay ko sa scanner.
"VIP" Sabi ng speaker na nasa taas ng elevator.
Natigilan ang mga ito at magkakasabay na napatingin sa akin.
Ngumiti ako ng peke at naglakad papasok sa elevator.
Akmang susunod sa akin si Adam.
"No.. Sa kanila ka sumabay." Mataray na sabi ko sabay taas ng kilay.
"What.?"
Pinindot ko ang close botton pero bago pa mag sara ang pinto ay ihinarang nya ang braso nya dahilan para magbukas uli iyun.
Mabilis syang pumasok at pinindot ang close botton.
"Hindi ko sya kinibo hanggang sa makarating kami sa opisina nya, naiinis kasi talaga ako.
"Problema mo.?" Tanong nya sa akin, habang inihahanda ang pagkain namin.
"Wala...kain na tayo at mahuhuli na ako sa trabaho ko."
Alangan namang aminin ko na naiinis ako sa pakikipaglandian nya sa mga babae kanina.
Pakialam ko naman sa kanya.
BINABASA MO ANG
Sam & Adam
Roman d'amourTwo men one woman Sam & Adam dalawang lalaki na nagmamahal kay Samantha. Samantha ang babaing parehong mahal ang dalawang lalaki. Sino ang mas matimbang. Sino ang pipiliin nya. (Hi guyz, heto na naman po ako ang inyong lulubog lilitaw na writer. M...