Chapter 33

3K 140 4
                                    

“Sam… please senador ng America ang nagpapatawag sa akin, I have to be there or else Interpol ang  kukuha sa akin dito.” Pakiusap ni Talia kay Sam.

“No.!” Mariing sabi ni Dad.

Kanina pa nagpapalipat lipat ang tingin ko sa dalawa.

Nasa harap kami ngayon ng mesa para mag almusal.

Hindi ko na kailangang magtanong kung ano ba ang pinagtatalunan nila kasi obviously ayaw payagan ni dad na umalis si Lia. At  kung babasihan ang inaasal ni dad mukhang okay na sila.

Ganun yata talaga ang mga lalaki madaling maka get over sa galit, madaling magpatawad.

“Dad… excuse me lang ha.. pweding makisali sa usapan nyo.?”

Sabay na napatingin sa akin ang dalawa.

“Bakit hindi mo na lang kaya sya samahan sa America.?” Suggestion ko.

“Eh kung bakit kaya hindi na lang yung fiancé mo ang pauwiin mo sa America at syang humarap sa tatay nya, tutal sya naman ang dahilan kung bakit ipinapatawag ni Senator Hendrix ang mommy mo kasi nga hindi nagpapakita sa kanya ang magaling nyang anak. “ Sabi ni Dad.

Nagkibit balikat ako.

“No comment.” Sabi ko.

“Nasaan ba sya. Tawagan mo nga.” Utos ni dad sa akin.

“Ang gulo mo dad ha… pag nandito pinaalis mo kapag wala naman papupuntahin mo ano ba talaga kuya.?”

“Wag kang pilosopo Samantha.” Galit na sabi ni Dad.

“Samuel nasa harap tayo ng pagkain.” Saway ni Talia kay Dad.

Nanahimik naman si Dad pero halata mong nagtitimpi pa rin.

Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko si Sam ay kape lang ang  pinatulan si Lia ay kumakain din pero halata mong naiilang pa rin.

Kinuha ni dad ang kanyang cellphone sa bulsa ng kanyang suot na pantalon.

“Bawal gumamit ng phone sa harap ng pagkain… according to Sam.” Sabi ko na sa plato ko nakatingin.

“Shut up Samantha…  “ Sabi nya.

“Dad kanina ka pa ha. Ang init ng ulo mo Bitin ka ba… Lia binitin mo ba yan?”

Biglang naubo si Lia, mabuti na lang natakpan nya ang kanyang bibig ng kanyang kamay dahil kung hindi baka nagtalsikan ang kanin sa mukha ni Sam.

Agad na inabotan ito ni Dad ng tubig.

“ Call her mom… mommy mo sya…. Yang bibig mo ha .. nahahawa ka na kay Hendrix… “ Galit na sabi niya.

“Good morning everyone did I just hear my name.?” I Adam na kadarating lang at may dalang dalawang pumpon ng bulaklak.

Iniabot nya kay Lia ang isa sabay halik sa pisngi nito at sa akin naman ang isa sabay halik sa lips ko.

“Mabuti naman at dumating ka.” Sabi ni Sam.

“Bakit na miss mo ako.”

“Asshole… “

“No cursing Samuel.” Saway ni Lia dito.

Umupo si Adam sa tabi ko. Kinuha nya ang plato ko at kumain doon.

“Wala bang pagkain sa bahay mo.?” Si Sam.

“Marami kaso walang tagapagluto kasi kinidnapped mo  kagabi.”

“Hoy hindi mo sya katulong Executive Assistant sya ng daddy mo para sayo.”

“In short yaya ko.”

“Not anymore… Umuwi ka ng America at ikaw ang humarap sa  Daddy mo dahil hindi na ako papayag na umalis pa sya.”

Napalunok si Adam sa sinabi ni Sam. Tumingin sya sa akin, nagkibit balikat lang ako.

“Nagkabalikan na kayo.?”

Si Dad naman ang tumingin sa akin. Para bang nagaalangan sya. Tapos tumingin sya kay Lia.

Tumingin naman sa akin si Lia.

“No were not…” Sabi nya sabay iling at yuko.

Alam ko na inaalala nila ang magiging reaksiyon ko.

“Its okay with me… matatanda na naman kayo alam nyo na ang mga ginagawa nyo. Kung kami nga ni Adam nagawa nyong tanggapin kayo pa ba hindi ko matanggap after all kahit naman balibaliktarin natin ang mundo tama naman ang sinabi ni Adam kung hindi dahil sa inyo wala ako sa mundong ito.  “

Hindi maka paniwalang napatingin sa akin ang tatlo.

Si Adam ang unang naka react, niyakap nya ako mula sa side at hinalikan ako sa gilid ng aking ulo.

“I’m so proud of you baby.”

Paglingon ko nakita kong niyakap rin ni Sam si Lia.

Humarap ako kay Adam.

“Lets get ready… pupunta tayo sa America.. ipapakilala mo ako sa mommy at sa Daddy mo pati na rin sa ate mo.”

“What.?” Gulat na gulat na sabi ni Adam.

Naka empake na ako’t lahat pero si Adam panay pa rin ang pakikipag negotiate sa akin  kesyo tatawagan nya na lang daw ang daddy nya at tatawagan ang mommy nya  at wala naman pala talaga syang ate kasi ang itinuturing nyang ate ay si Lia.

“Babe… marami akong trabaho, kailangan ko pang bumalik ng Riyadh may mga trabaho akong naiwan doon.”

“Ako nga’y tapatin mo Adam Hendrix ayaw mo ba akong ipakilala sa parents mo.”

“Hindi naman sa ganun babe ayaw ko lang talagang makaharap ang daddy ko.. magaaway lang kami nun.”

“Anong sabi mo sa akin noon sa mommy ko.?”

“You and Lia is a different story… si Lia may sapat na dahilan kung bakit nya kayo iniwan, sa akin ano ba ang katanggap tangap na dahilan para itago nya ako,  at bakit nya pa ako isinunod sa pangalan nya kung ikakahiya nya rin pala ako.”

“That’s exactly the reason kung bakit tayo pupunta doon para itanong mo yan sa kanya, para isumbat mo sa kanya  ang lahat ng sama ng loob mo sa kanya, kung gusto mo tapusin mo na ang kaugnayan mo sa kanya, ibalik mo sa kanya yang apelyedo nya tapos bigwasan mo sya para tapos na talaga pagiging mag ama nyo.”

Hindi makapaniwala si Adam saa mga sinabi ko.

“Babes.?”

“What.? Naramdaman ko din yan minsan sa nanay ko, mabuti na lang hindi ko alam kung nasaan sya kung nagkataon wala na akong ina ngayon eh di wala sana akong buong pamilya.”

“Thanks  sa advice ha ang galing mo… kaya naman mahal na mahal kita…” Sarcastic na sabi nya sabay yakap sa akin at gulo ng buhok ko.

Bigla ko syang itinulak.

“Tara na nga baka ma late tayo sa flight natin.”

“Don’t worry US air force ang susundo sa atin.” Pagbibiro nya.

Sam & AdamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon