Chapter 28

2.8K 135 11
                                    

Ngumiti sa mga tao si Adam at hinalikan nyang muli ang kamay ko bago sya tumayo.

Pumunta sya sa unahan.

“Can I borrow your laptop Mr.CEO sir…. And projector please.” Sabi nya sa staff na nagaassist sa meeting.

“Alam ko na pong mangyayari to kaya pinaghandaan ko na to. Kapag galit si Boss sa akin ako lagi ang pinauuna nya mag report.”

May ibinigay syang USB sa staff at itinuro kung saang file.

At nagsimula na syang mag report kung gaano sya ka playful bago magsimula ang meeting ganun naman sya kaseryoso habang nagrereport every details are will explained. Lahat ng tanong ay nasasagot nya kahit yung mga tanong ni Sam na offending na ay sinasagot nya ng mahinahon.

Pagbalik nya sa upuan ay hinalikan nya ako sa toktok ng aking ulo bago sya naupo uli sa tabi ko.

Naginit na naman ang mukha ko. Kaylan pa ba sya naging fan ng PDA.

“Mr. Hendrix what do you think of putting up a branch in Africa you think you can handle it.?”

“Not a problem Boss as long as Samantha will go with me.” Naka ngising sabi ni Adam.

Natapos ang meeting regular office works si Adam naka bantay lang sa  akin ayaw nya namang magtrabaho kasi nga nakabasyon daw sya sabi nya.

Nakaupo sya sa couch sa opisina ko hinubad nya ang kanyang coat at tinggal ang necktie at binuksan ang dalawang unahang butones ng kanyang long sleeve. Nakataas ang kanyang paa sa center table at nakasandal sa sandalan ng upuan habang  may ginagawa sya sa cellphone nya na hindi ko alam kung ano baga trabaho pa din napaka seryoso nya kasi.

“Babe stop staring alam ko gwapo ako at sayong sayo lang ako.”

Natawa ako sa sinabi nya.

“Ang kapal mo… umuwi ka na nga muna hindi ako makapag concentrate dahil sayo.”

“Yan talaga ang gusto kong mangyari ang madistract ka para itigil mo yang ginagawa mo  ako ang pagtuunan mo ng atensiyon mo.”

“Gusto mo ba talagang  lalong uminit ang dugo sayo ni Sam… Pansin ko lang ha pinapatulan mo na talaga sya ngayon.”

“Ayaw nya kasi sa Santong dasalan eh di daanin sa Santong  Paspasan ano gusto mo gawan na natin sya ng apo para hindi na sya makakontra pa.”

Binato ko sya ng kendie na nasa table ko.

“Wag ka nga… kung ano anong pumapasok dyan sa kukuti mo.”

“I’m not kidding Babes… o kung ayaw mo naman pakasal na tayo ngayon ng hindi nya alam para wala na talaga syang magawa.”

“Hmm.. I like that…. Pero mag propose ka muna at gusto ko ng bongang engagement ring, dapat diamond studed sya at may malakang gemstone sa gitna.” Naka ngiting sabi ko. Sabay tingin sa ring finger ko.

“Size 6 lang naman ang daliri ko at…”

Hindi ko na natapos ang sinasabi ko dahil may inilapag syang jewelry box sa ibabaw ng papers na pinipirmahan ko.

Tiffany & Co.!

“Hala…!” Sabi ko sabay takip sa bibig ko dahil sa sobrang gulat.

Naglakad sya papunta sa side ko, iniikot nya ang upuan ko paharap sa kanya bago sya lumuhod gamit ang isang tuhod. Kinuha nya ang box at binuksan iyon.

“Shit!” hindi ko mapigilang mapamura ng makita ko ang singsing na nasa loob niyun.

Yun yung singsing na ipinasearch nya sa akin sa internet kasi daw yung boyfriend ng ate nya gusto ng mag propose at nagpapatulong sa kanya maghanap ng singsing yun daw yung singsing na isinugest nya, itinanong nya sa akin kung maganda daw ba yun at kung magugustohan ng ate nya.

Pagkakita ko pa lang sa singsing ay nain love na agad ako dun pero napamura ako pagkakita sa presyo.

Tinanong ko pa nga sya kung ano ba trabaho ng boyfriend ng ate nya. Sabi nya office employee daw sa isang malaking kompanya.

Nagbiro pa nga ako na yung napili nyang singsing ay hindi pang office employee ang price kundi pang president ng isang malaking kompanya… Sabi ko pa nga na kung mag popropose sya sa akin at yun ang singsing na dala nya hindi pa sya nagtatanong ay mag yeyes na agad ako.

“So  now Miss Samantha Collins will you marry me.” Tanong nya sa akin.

Bigla akong napaluha. Pakiramdam ko nanaginip lang ako.

Itinakip ko ang aking dalawang palad sa aking mukha, napaiyak na kasi ako.

“Babe ano… sabi mo kapag nagpropose ako na ito ang singsing na dala ko hindi pa ako nagtatanong mag yeyes ka na bakit ngayon hindi ka nagsasalita pinakakaba mo ako… Samantha Babe answer me please.. will you marry me..?”

“eh ikaw naman kasi nag jojoke lang naman ako ang mahal mahal ng singsing na yan mahigit 8 million ang price nyan… mag yyes naman ako kahit yung gold rose lang sa bangketa ang ibibigay mo sa akin.”

“So it’s a yes.?” Kinakabahang tanong nya.

“Syempre ano ka ba… yes na yes…” umiiyak na sabi ko.

Bigla nya akong niyakap at siniil ng halik pagkatapos kinuha nya ang singsing at isinuot iyun sa daliri ko, at hinalikan nya pagkatapos.

Muli nya akong hinalikan na agad ko namang tinugunan at niyakap nya ako ng napakahigpit .

Nakita kong napalakpakan ang mga empleyado sa labas.

Tumingin siya sa CCTV na nakakabit sa loob ng opisina ko iniiangat nya ang jamay ko na may nakasuot na singsing at itinapat iyon sa camera.

“Boss…. Officially… Daddy Sam.” Naka ngiting sabi nya sa camera, sabay peace sign.

Paglabas namin ng opisina ay nagpalakpakan ang lahat at binati kami ng Congratulation.

Kinutsaba nya pala lahat ng security staff at mga department head na panoorin ng live ang proposal nya habang nasa meeting kami ay napa setup na sya ng camera sa loob ng opisina ko. At pati yung EA ni dad ay kinutsaba nya rin para mapanood din ni Sam ang proposal.

Kaya naman bago pa kami sugurin ni Sam ay inunahan na namin sya kami na ang sumugod sa opisina nya.

Matagal na nagsukatan ng tingin ang magkaibigan.

“Sam … kung kinakailangan kong lumuhod sa harap mo para lang ipagkatiwala mo sya sa akin gagawin ko.”
Noon ko lang nakitang ganun kaseryoso ang mukha at tono ng pananalita ni Adam.

Hibdi nagsalita si Sam seryoso lang syang nakatingin sa amin ni Adam.

Binitiwan ni Sam ang kamay ko at lumapit sya kay Sam.

At lumuhod nga sya sa harap ni dad.

Sam & AdamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon