Chapter 4

3.3K 118 3
                                    

Nginitian ko yung babae.

"I know." Nakangiting sabi ko sabay patong ng aking kanang kamay sa scanner.

Tumunog ang alarm ng Elevator then may mechanical voice na lumabas sa speaker.

"VIP"

Nagkatinginan ang mga nasa tapat ng elevator.

Apat lang kaming kilalang VIP ng lahat ng security system ng Collin. Si Sam, ako, si lolo at si lola.

Biglang nahawi ang tao sa tapat ng elevator.

Nahiya naman tuloy ako kasi lima kaming nasa tapat ng elevator yung dalawa yun ngang mga babae tapos ang dalawa pa mga lalaki naman na medyo may edad na mukhang mga may matataas silang posisyon sa Kompanya.

"No its okay, sabay sabay na po tayo."

SOP kasi sa kompanya na walang pweding sumabay sa loob ng elevator sa mga VIP maliban na lang kung pinahintulotan nila iyun.

Nginitian ko sila.

Yung dalawang babae mukhang tinakasan ng dugo ang buong katawan.

"Ms. Collin maam, sorry we didn't recognize you." Magalang na sabi ng isa sa may edad ng lalaki.

"Its okay sir, sana nga po hindi nyo na lang ako nakilala kasi ang awkward tuloy, that reminds me to tell the CEO na tangalin ang name ko sa VIP list ang awkward lang kasi talaga."

Hindi napigilan ng dalawang lalaki na matawa sa sinabi ko.

Simpleng nakitawa na rin ako sa kanila.

Nagpakilala sa akin ang dalawang lalaki mga branch manager sila ng kompanya at may meeting daw sila kay Sam at yung dalawang babae EA nila.

Magkakasabay kaming bumaba sa 18th floor.

Pinauna nila ako kaya wala akong nagawa.

Nasa dulong bahagi ang opisina ni Sam katabi nito ang conference room kung saan sila mag memeting ng mga kasabayan ko sa elevator.

Saktong palabas ng opisina nya si Sam kaya agad nya akong nakita.

At agad na sumalubong sa akin ang malapad ng ngiti na umabot sa kanyang mga mata.

"Baby your here."

"Yes.. I miss you Mr. Collin."

Mahigpit kaming nagyakap.

"Miss you too." sabi nya sabay halik sa aking noo.

Kinintalan ko naman sya ng halik sa lips.

Natawang nailing na lang sya.

"Really baby.?" Naka ngiting sabi nya.

"I told you.. hanggat wala pang humahalik sayo ng ganyan, i will keep on doing that Sammy boy." Sabi ko sabay kindat.

Nailing na lang sya.

"Keep on doing that at siguradong wala talaga akong makukuhang ibang babaing hahalik sa akin ng ganyan." sabi nya.

"Kadiri kayong dalawa masyado kayong PDA." Sabi ng isang boses mula sa likuran ni Sam.

Noon ko lang narealize nasa labas nga pala kami ng office nya at may mga kasama ako na nasa likuran ko at hindi lang yun napapaligiran din kami ng mga empleyadong hindi man ipinapahalata alam ko namang nakiki usyoso sa mga nangyayari.

"Inggit ka lang." sabi ko sabay yakap ng isang braso sa beywang ni Sam.

"Yah sure, kaya ako rin kiss mo ako ng ganun." Nakakalokong sabi ni Adam.

"Yuck.. incest yun kuya." Sabi ko.

"What.. sa akin incest tapos kay Sam hindi ano naman yun... at anong kuya kadiri wag mo nga akong ma kuya kuya dyan."

Nailing uli si Sam habang naka ngiti.

"Sige na baby tuloy ka na lang sa office ko at doon mo na ako hintayin, sandali lang naman tong meeting na to, sabay na tayong uuwi."

"Talagang sasabay ako sayo sa pag uwi, i'm to tired to drive."

Pagkapasok ko sa opisina ni Sam ay agad akong nahiga sa mahabang couch iniinat ko ang aking pagod na katawan. Salamin ang ding ding ng buong opisina ni Sam kaya alam kong kitang kita ako ng mga tao sa labas, but i'm to tired to care.

Makatulog nga muna.

Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock ko.

Kinapa ko iyun at kinuha.

Pagkatapos kong patayin ay tiningnan ko ang oras.

7:00AM.

Hala umaga na.

Tiningnan ko ang paligid.

Nasa loob ako ng aking silid.

Papano ako nakarating dito.? Ang alam ko sa couch sa office ni Sam ako nakatulog.

Bumababa ako para hanapin si Sam pero si Adam ang naabotan ko sa kusina habang ngkakape.

"Asan si Sam.?"

"Hanggang dito ba sa loob ng bahay nyo Sam pa rin ang tawag mo sa kanya.?"

Nagkibit balikat lang ako.

"Maagang lumipad papuntang states ang Daddy mo, may problema daw sa isa sa mga branch doon." Paginporma nya.

"Bakit hindi man lang sya nagpaalam sa akin.?" May himig ng pagtatampong sabi ko.

"Its an emergency, ayaw ka naman nyang gisingin kasi mukhang pagod na pagod ka, kahit nga nung binuhat kita hindi ka na nagising."

Napatingin ako bigla sa kanya, pinanlakihan ko sya ng mata.

"Seryoso.? Ikaw ang bumuhat sa akin.?"

Bigla syang natawa.

"Epic naman ng reaction mo daig ko pang may nakakahawang sakit na pwede kitang mahawa kapag hinawakan kita."

"Wag ka nga. Ikaw talaga bumuhat sa akin hindi si Sam.?"

"Kung ako bumuhat sayo, patay na sana ako ngayon o kaya naman bali bali na ang mga buto ko. Alam mo naman kung gaano ka possisive yung si Samuel pagdating sayo."

Nakahinga ako ng maluwag.

So confirm si Sam ang bumuhat sa akin, kaya pala hindi man lang ako nagising, sanay na kasi ako na binubuhat ni Sam sa tuwing nakakatulog ako sa mga alanganing lugar, tulad na lang ng sasakyan nya, kwarto nya, kadalasan sa sofa sa sala.

"Wala pala sya eh bakit nandito ka.?" Sabi ko habang magtitimpla ng kape.

"Kasi po nautusan lang naman ako ni Boss na sunduin ka... hindi ko nga alam kung ano ba talaga trabaho ko sa kompamya nyo, engineer/architect o utusan ni Sam at yaya mo."

"Hmmm... I think all of the above and since yaya/driver kita ngayon igawa mo ako ng breakfast day off ni yaya Lory at wala si sam kaya ikaw ng bahala." Nginitian ko sya sabay tapik sa balikat nya.

"What... no way..."

Sam & AdamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon