Chapter 14

2.9K 120 8
                                    

Nanatiling yakap yakap nya ako hanggang sa tuluyan akong naging mahinahon.

"I hate you." Bulong ko sa kanya bago nya ako tuluyang binitiwan.

"I know." At ngumiti sya.

Nakuha nya pa talagang ngumiti.

Sakto namang dumating inorder kong kape at breakfast.

"Ikaw ba nag order nito.?" Tanong nya sa akin pagkatapos sabihan ang crew na ilagay sa dining table ang mga pagkain.

"Ay hindi... yung mga babae mo." Sarcastic na sabi ko.

"Sino sa mga babae ko.? i only have 3 women in my life. Ang mommy ko, ang ate ko at ikaw."

Naginit ang mukha ko sa sinabi nya.

"Hmm I think yung pinaka special na babae sa buhay ko ang nag order nito."

Tumingin sya sa akin at ngumiti.

"Thank you baby." Sabi nya sabay pa cute.

Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.

Kinikilig ba ako.?

"Wag ka mag pa cute hindi pa tayo bati, galit pa ako sayo."

"Sorry na po. Sinubukan ko lang naman kung kaya ko."

Sabi nya sabat talikod papunta sa ref.

"Kaya ang ano.?" Tanong ko.

Kumaha sya ng tubig bago bumalik sa mesa.

"Kaya ang ano.?"

"Wala... Halika sabayan mo ako mag almusal."

"Almusal ka dyan... tanghalian na po... bilisan mong kumain at may skype meeting kayo ni Sam."

"Yes maam." Sabi nya ng nakangiti pa rin.

After nya kumain ay nagusap nga sila ni Sam through Video call.

Kinagalitan sya ni Sam at humingi naman sya ng paumanhin.

Pilit syang tinatanong ni Sam kung ano ba ang problema pero waka syang sinasabi kaya bago matapos ang usapan nila ay may sinabi si Sam.

"You know that i'm always here for you bro... pwede mong sabihin sa akin ang problema mo... malay mo makatulong ako."

Ngumiti si Adam.

"I'm sure as hell bro na hindi mo gugustohing malaman ang problema ko."

Yun lang at pinutol nya na ang tawag.

Tumingin sya sa akin, nakaupo ako sa couch habang sya ay nasa working table nya na nasa isang side ng sala.

Matagal na naghinangang ang aming mga mata. Ako ang unang sumuko.

Malakas syang napabuga ng hangin.

Tumayo sya.

"Gusto mong sumama sa site.?"

“Mauna ka na kukuha lang ako ng hotel room na tutuloyan ko. Gusto kasi ni Sam na tulungan kita dito hanggang sa matapos ang mga kailangan mong gawin.?"

"Sinusubukan talaga ng daddy mo ang katatagan ko."

"Anong ibig mong sabihin.?"

Hindi nya sinagot ang tanong ko.

"Ako na ang kukuha na room mo."

Kinuha nya ang phone nya at may tinawagang tao.

"Make the penthouse ready, my girl friend will use it."

Walang seresremonyang sabi nya sa kausap.

"Girlfriend.?" Ako.

"yes... Girlfriend."

"Since when.?"

"Ngayon lang..."

"How come.?"

"Bago ako pumikit kagabi sinabi ko sa sarili ko na kapag nagising ako na mukha mo ang una kong nakita akin ka na."

"Alam mo yata na papupuntahin ako ni Sam ngayon."

"Ang totoo, alam kong imposible na magigisnan ko ang mukha mo kaya nga yun ang kundisyon na ibinigay ko sa sarili ko kasi alam ko na imposible, pinangako ko kasi sa sarili ko na kapag hindi nangyari yun titigil na ako sa kabaliwan ko, kalilimutan na kita at magpapakalayo layo na ako ngunit nangyari ang iniisip kong imposible. Kaya from now on I’ll go against all odds just to have you Samantha."

Hindi ako nakakibo

Nakatingin lang ako sa kanya.

Unti unti syang lumapit sa akin. Palapit ng palapit hanggang sa magkatapat na ang mga mukha namin at lumapit pa sya hanggang sa halos naamoy ko na ang kanyang mabangong hininga.

Lalong naghuramintado ang puso ko, lalo na ng maglapat ang mga labi namin.

Saglit lang yun pero ramdam na ramdam ko.

"Be ready, pagbalik natin sa Maynila sasabihin ko na sa daddy mo ang totoong damdamin ko para sayo."

Kinabahan ako doon.

Humakbang sya palayo.

"Wait.!" biglang sabi ko.

Tumingin sya sa akin.

"Yes baby..."

"Parang mali yata, bakit kay daddy mo saaabihin ang totoong damdamin mo para sa akin... di ba dapat sa akin muna."

Tila nagulat sya sa sinabi ko.

eh bakit.? Tama naman di ba bago kay Sam sa akin muna.

"Bakit wag mong sabihing kailangan ko pa talagang sabihin sayo."

"Na ano.?" Hindi ko alam pero natuyo yata lahat ng brain cell sa utak ko.

"Samantha Collin...Are You making fun of me."

"No." Deretsong sagot ko.

"Really...?"

"Really Adam Hendrix. So spell it out."

"Samantha..."

"Adam..."

"Shit... kailangan ko pa talagang sabihin seryoso..."

"Ang alin.?"

"Na mahal kita."

Napamaang ako.

I didn’t see that coming.

Ang inaasahan kong sasabihin nya ay gusto nya ako.

Not that words.

"Anong sabi mo.?"

Umiling sya at muling humakbang palapit sa akin.

"Samantha Collins I love you. "

"Your kidding right.?"

"What.?"

"I love you talaga... agad agad..."

"Alam mo yan din ang sinabi ko sa sarili ko kasi kahit ako ayaw kong paniwalaan yun. Kaya nga simubuk ko ang sarili ko. For the past three weeks tiniis kong hindi ka makita o makausap man lang akala ko kaya ko... hindi pala, dahil bawat oras na lumilipas ay para akong unti-unting pinapatay." Nakita ko ang samut saring emosyon sa kanyang mga mata.

Hindi ako makapagsalita.

" Sinubukan kong kalimutan ka I did everything pinilit kong magpakasaya, nagpapakalasing ako, and yes I even tried bedding random women."

Kumirot bigla ang puso ko.

"But I failed. kasi naaamoy ko pa lang yung pabango ng ibang babae, nananakit na ang ilong ko kasi yung amiy mo ang hinahanap ko, at hahawakan ko pa lang yung ibang babae nakaharang na ang mukha mo sa utak ko. So I ended up sleeping in my bed all alone na walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ikaw."

Nag iba ang ritmo ng aking paghinga.

"So now Samantha, ikaw ngayon ang magsabi ano ba ang nararamdaman kong ito para sayo kung hindi ito pagmamahal ano to.?"

Sam & AdamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon