Naupo si Adam sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko.
“Baby… pakinggang mo muna sya please .”
Hindi ako kumibo.
“Samuel… Samantha alam kong mali ang ginawa ko at alam kong wala iyong kapatawaran… pero ng mga oras na yun yun lang ang naisip kong pinakatamang paraan. Fifteen years old lang ako tapos nabuntis na ng kanyang 16 years old na boyfriend. What did you expect from an immature 15 years old… unang pumasok sa isip ko ang takot sa pweding gawin sa akin ng tatay ko… Kung ang nanay ko nga na wala namang ginagawang pagkakamali ay binubogbog nya ako pa kaya na nabuntis sa murang edad… Ng yayain ako ng dad mo na mag tanan akala ko yun na ang paraan para makatakas ako sa pamilya ko. Noong una oo masaya ako sino ba ang hindi magiging masaya kung yung magulang ng boyfriend ko ay itinuring akong tunay na anak, inalagaan minahal tulad ng pagmamahal nila sa anak nila… Habang nagbubuntis ako ibingay nila lahat ng pangangailangan ko at higit pa, ng makapanganak ako suportado nila ako, pati pagaalaga sayo inako nila, nagbuhay prinsesa ako taliwas sa buhay na meron ang mga kapatid ko at ang mama ko.”
Hindi ko na rin napigilan ang pag patak ng luha ko. Mahigpit ang hawak ni Adam sa kamay ko. Si Sam naka kuyom pa rin ang kamao at nakatingin lang kay Talia.
“For two years nagbulag bulagan ako sa paghihirap na nararanasan ng pamilya ko… nagpasasa ako sa karangyaan sa piling ng daddy mo at ng pamilya nya. Ngunit isang pangyayari ang nagpabago ng lahat napatay sa bogbog ng papa ko ang mama ko, nakulong si papa naiwan ang mga kapatid ko walang kamaganak na gustong kumupkop ako ang panganay sa akin sila umaasa. Kailangan kong mamili ang mga kapatid ko o kayo ng Daddy mo.” Napahagolgol na sya.
“Ikaw may mapagmahal kang ama na magaalaga sayo. May lolo at lola ka na magbibigay ng mga pangangailangan mo ang mga kapatid ko wala, yung tanging mga kamaganak na meron kami hindi man lang magawang magabot ng tulong kaya walang akong mapagpipilian, iniwan ko kayo ng Daddy mo umalis ako na dala ko ang ATM ng dad mo” Pagtatapos nya sa kanyang kwento.
“Bakit hindi ka nagsabi sa akin … Alam mong gagawin ko ang lahat para sayo.” Noon lang nagsalita si Sam.
“At anong sasabihin ko sayo ha, amponin mo ang mga kapatid ko kasi pinatay ng tatay ko ang nanay ko… “
“Yes… Kahit ano pwede mong sabihin sa akin at makikinig ako.”
“Your just 18 years old college student then na umaasa lang sa magulang mo na pati yung pangangailangan ng anak at girlfriend mo sa kanila mo iniaasa, pati pagaaral ko sila ang sumusoporta at kahit yung pagaalaga sa anak natin sila ang gumagawa dahil poreho tayong walang muwang sa mundo…... sobrang kapal na naman nun ng mukha ko kung pati pagbunay sa pamilya ko iaasa ko pa sa kanila…….. Pero walang oras sa buhay ko na hindi ko kaya naisip, walang gabi na hindi ako umiyak kasi namimiss ko kayo. Pero kailangan kong magpakatatag, kailangan kong magtrabaho para sa mga kapatid ko. At nung nakaahon na ako sinubukalan kong bumalik pero wala na kayo, nasa Amerika na kayo. Kaya nagsumikap ako, inubos ko lahat ng panahon ko sa pagaaral at sa pag tatrabaho gusto kong makaipon para masundan ko kayo sa Amerika at ng dumating nga ang oras na kaya ko ng humarap sa inyo galit na kayo sa akin lalo na ang daddy mo.”
Hindi nagsalita si Sam nakatingin lang sya sa kawalan.
“Patawarin nyo ako kung nagulo ko ang buhay nyo… wala akong balak na gulohin kayo , sapat na sa akin na makilala kita Samantha masaya na ako dun kahit hindi nyo ako mapatawad basta masabi ko lang na mahal na mahal ko kayo okay na ako dun.”
Humarap sa akin si Talia rather si Mom pala.
“I’m sorry baby kung wala ako sa tabi mo nung mga panahong kailangan mo ako, but believe me mahal na mahal kita… kayo ng daddy mo.”
Lumuluhang itinaas ko ang aking kamay… I don’t know what to say…
“Sorry wala akong maisip na sabihin… this is to much for me.” Tumayo ako at naglakad palabas ng unit.
Sumunod sa akin si Adam.
“Saan kayo pupunta.?” Tanong ni Sam.
“Magusap muna kayo… ayosin nyo yang problema nyo, ako na munang bahala kay Samantha.”
“Hendrix binabalaan kita… wag mong pakikialaman ang anak ko.”
“Wag kang magalala nakahanda naman akong pakasalan sya.”
“Dadaan ka muna sa dulo ng baril ko.”
“Okay no problem… Pinaghandaan ko na yan.”
Sa Bahay namin ni Sam kami dumiretso. Sa loob pa lang ng sasakyan ay hindi na namin napigilan ang aming mga sarili. Agad nagtagpo ang aming mga labi para sa isang mainit at puno ng pananabik na halik, na natapos sa isang mahigpit na yakap.
“I miss you so much.” Sabi nya.
“I miss you too… wait ano nga palang gingawa mo rito.? Di ba nasa Riyadh ka.”
“Pweding sa loob ko na ikwento sayo , Baka maabotan pa tayo ng daddy mo rito palayasin ako.”
Sa kwarto ko kami dumiretso tiyak na maghuhuramintado si Sam kapag naabotan nya kami roon pero wala na akong pakialam mahal ko si Adam at kung palayasin nya ito sisiguradohin kong kasama ako.
“Now tell me bakit ka naririto. “
“Gusto sana kitang sorpresahin pero baliktad yata ang nangyari ako ang nasorpresa sa eksenang naabotan ko.”
“Really… papano kang nakauwi hindi ba hindi ka pinababalik ng Pilipinas hanggat hindi nya sinasabi.”
“As if naman kaya nya akong pigilan. He might have the money but I have the connections… makakauwi ako kahit anong oras ko gustohin.”
“Hindi ka natatakot sa kanya.”
“Hindi takot ang tawag dun kundi respeto… inereespeto ko sya dahil ama mo sya. Naiintindihan ko kung hindi nya ako kayang tanggapin para sayo… pero hindi ibig sabihin nun na susuko na ako… Mahal na mahal kita Samantha at walang makapipigil sa akin kahit sino o kahit ano… sinunod ko ang kagustohan ng daddy mo hindi dahil sa kanya kundi dahil sayo… gusto kong bigyan ka ng sapat na panahon na makapag isip kung ano ba talaga ang gusto mo… gusto ko ring malaman kung hanggang saan mo ba ako kayang ipaglaban. Kasi ako sigurado ako na kya kitang ipaglaban hanggang kamatayan.”
Halos lumabas ang puso ko sa aking dibdib dahil sa lakas ng pagkabog niyon dahil sa sinabi nya.
Bigla ko syang niyakap ng mahigpit.
“Magkasama tayong lalaban para sa pagmamahalan natin.”
“ Salamat babe.”
Magkatabi kaming nakatulog ni Adam sa kama ko, at dahil sa pareho kaming pagod, sya mula sa byahe ako dahil sa dami ng mga nangari kaya kapwa namin hindi namalayan na nakatulog na pala kami.
BINABASA MO ANG
Sam & Adam
RomanceTwo men one woman Sam & Adam dalawang lalaki na nagmamahal kay Samantha. Samantha ang babaing parehong mahal ang dalawang lalaki. Sino ang mas matimbang. Sino ang pipiliin nya. (Hi guyz, heto na naman po ako ang inyong lulubog lilitaw na writer. M...