Pumasok ako sa banyo para maghugas ng kamay at magayos ng sarili.
Kinailangan kong mag lipstick uli kasi nabura na lahat dahil sa paghahalikan namin.
Paglabas ko nakita kong nakabihis na sya.
Tiningnan ko lang sya na parang wala lang.
"Why did you do that.?" Tanong nya.
Nagkibit balikat ako.
"Para iparamdam sayo kung ano yung naramdaman ko..."
Alam kong hindi nya ako naiintindihan.
Tumunog ang CP ko. Si Sam tumatawag.
Bigla akong sinalakay ng kaba at konsensiya.
Nanginginig ang kamay na sinagot ko ang tawag.
"Sam."
"Where are you.?"
"Hmmm... na traffic lang." Pagsisinungaling ko.
"Dumeritso ka na sa board room magsisimula na ang meeting."
"Okey."
Ibinaba ko na ang tawag.
Cp naman ni Adam ang nag ring.
Tumingin sya sa akin bago iyun sinagot.
"Hello"
"Be there in 5minutes."
Yun lang at ibinaba nya na rin ang tawag.
Magkasabay uli kaming sumakay ng elevator this time pareho kaming walang kibo.
Bago bumukas ang elevator ay humakbang sya palapit sa akin at kinintalan ako ng halik sa labi.
"Did I tell you how much I miss you." Halos pabulong na sabi nya.
Pagbukas ng elevator ay nagpatiuna na syang naglakad, ako nagpaiwan para tawagan ang security.
Taas noo akong pumasok sa board room. puno ang malaking pabilog na mesa ibig sabihin lahat ng member ng board ay nandun maliban kay Lolo na nasa malaking screen sa isang side ng board room.
"Ladies and gentleman my daughter Samantha Collins."
Bahagya akong yumuko bilang pagbibigay galang.
"Take your seat baby." Sabi ni lolo na ka meeting namin via skype.
Geez.. baby talaga.
Pinigilan ko ang sarili kong mag maktol.
Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko ng makitang ang tanging bakanting upuan ay ang nasa pagitan ni Sam at ni Adam.
Buong ingat akong naupo doon. Ramdam ko ang tensiyon sa pagitan namin.
Nagsimula ang meeting.
Nalaman ko na si Lolo ang may pinaka malaking share which is 35% sumunod si dad na 25 si adam na 20 and the rest nahahati hati na sa lahat ng member ng board.
Si Sam ang nasa Administrative habang si Adam sa technical and the financial.
"Ibibigay ko na sa anak kong si Samantha ang Finance operation ng kompanya."
"Ako talaga.?" Biglang naibulalas ko.
Natawa ang mga member ng board sa reaction ko.
"Bakit may iba pa ba akong anak.?"
"Pero pwede bang iba na lang wag ako."
"That will not do Samantha, starting today you will work closely with Architect Hendrix kasi sya ang dating may hawak ng finance kaya sya magtuturo sayo."
BINABASA MO ANG
Sam & Adam
RomanceTwo men one woman Sam & Adam dalawang lalaki na nagmamahal kay Samantha. Samantha ang babaing parehong mahal ang dalawang lalaki. Sino ang mas matimbang. Sino ang pipiliin nya. (Hi guyz, heto na naman po ako ang inyong lulubog lilitaw na writer. M...