10:30 pa lang ay tumatawag na kay Adam si Sam.
"Take her home man." Narinig kong sabi nya. Ini loud speaker kasi nito ang cellphone nya.
"Okay Dad." Mapang asar na sabi ni Adam.
"Fuck you! Hendrix." Sigaw mula sa kabilang linya.
"Hey I’m listening here Mr. Collin." sabat ko sa usapan nila.
"Baby... go home now please, hindi ako mapalagay dito sa kaiisip sayo."
"Okay."
"Adam yung bilin ko ha."
"Yes Boss."
Sa isang exclusive subdivision ang bahay namin, doon ako inihatid ni Adam.
"Gusto mo munang bumaba para magkape." Yaya ko sa kanya.
"Hindi na. Mahigpit na bilin ni Boss na ihatid lang daw kita."
"Okay.. Thank you."
Pagkaalis ng sasakyan ni Adam ay dumeretso na ako sa silid ko at pabagsak na nahiga sa kama.
Ang tagal ding panahon na hindi ko nagamit ang silid na to.
Kaylan ba ng huli akong umuwi ng Pilipinas.
10 years ago.?
Ang dami ng nabago, pati bahay namin nabago na rin. But my old thing is still there.
Hindi ko maiwasang malungkot kapag naiisip kong kami lang ni Sam ang nakatira sa bahay na to. Unlike sa States na kasama ko sa bahay ang lolo at lola ko.
But its the reality na matagal ko ng tinaggap.
Maliban kina lolo at lola si Sam lang ang tangi kong pamilya.
Dahil sa pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, nagising na lang ako ng may humahaplos sa aking pisngi, pagdilat ko mukha nya ang nakita ko.
"Hey baby good morning."
"Good morning too."
"Bumangon ka na at first day mo ngayon sa trabaho, remember."
Muli akong nagtalukbong ng kumot.
Tinatamad pa akong bumangon.
"Hmm... pwede bang wag na muna akong pumasok ngayon."
"Hindi pwede.. ka ha hire mo lang liliban ka na kaagad."
"So what...Daddy ko naman ang may ari ng kompanya."
"Samantha." Pagbabanta nya.
"Okay.. sabi ko nga babangon na ako."
Pagkatapos mag almusal ay magkasabay na kaming pumasok sa trabaho ni Sam.
Pagkababa namin ng sasakyan ay agad akong yumakap sa braso nya tulad ng nakasanayan ko.
Pero dahan dahan nyang inalis ang pagkakakapit ko sa braso nya.
"Rule number 1 inside the company premises hindi tayo magkakilala, isa ka lang simpleng empleyado at boss mo ako. Understand."
Pinatulis ko ang aking nguso sabay bitaw sa kanya.
"Okay..." Sabi ko na may pagmamaktol.
"Good girl." Sabi nya sabay halik sa aking noo.
Tiningnan ko sya ng magkasalubong ang kilay.
"Akala ko ba hindi tayo magkakilala empleyado mo ako at boss kita... May empleyado na ba ngayon na hinahalikan ng kanyang boss.?"
Ngumiti sya.

BINABASA MO ANG
Sam & Adam
RomantikTwo men one woman Sam & Adam dalawang lalaki na nagmamahal kay Samantha. Samantha ang babaing parehong mahal ang dalawang lalaki. Sino ang mas matimbang. Sino ang pipiliin nya. (Hi guyz, heto na naman po ako ang inyong lulubog lilitaw na writer. M...