Tinapos ko ang tawag at ibinalik ko kay Ms Dominguez ang phone na pasimple nyang inilagay sa bag ko na nasa ibabaw ng mesa, sabay ngiti sa akin.“Maam gusto nyo pong sumabay sa akin kumain sa Pantry dadalhin ko doon yang pagkain mo.” She’s making a facial sign na agad ko namang nagets.
“Yah sure.” Naka ngiting sabi ko.
Tumayo ako at binitbit ko ang bag ko kung saab nya inilagay ang phone.
Pagkalabas namin ng opisina ko ay naglakad kami papunta sa isang bahagi ng opisina kung saan naroroon ang silid kung saan kumakain ang mga empleyado.
Pagdating namin doon ay wala ng mga tao palibhasa lagpas na ang lunch break past one na
Pumwesto kami sa pinaka sulok na mesa, mauupo na sana ako sa may malapit sa dingding pero pinigilan ako ni Eloisa yun na lang daw ang itawag ko sa kanya sabi ni miss Dominguez.
“Ako dyan dito ka.” At itinuro nya ang upuan sa kaharap.
“Walang audio ang CCTV dito kaya nga dito gustong tumambay ng mga tsismosa at tsismoso.”
Napangiti ako sa sinabi nya.
“At itong part na to na kinauupuan ko ay hindi kita sa CCTV.” Sabi nya habang inilalabas ang pagkaain namin.
Kinuha nya ang bag ko at inilagay sa upuan sa tabi nya.
“ Pero hindi lang CCTV ang kailangan mong pagingatan kundi pati ang mga mata ng daddy mo na naka pwesto sa kahit saan.” At iniikot nya ang kanyang tingin sa labas kung saan naroroon ang mga cubicle ng mga empleyado.
Tumango ako bilang tanda na naii tindihan ko ang sinasabi nya
Kinuha nya ang Cellphone nya na inilagay nya sa bag ko at inilabas iyun may mga pinindot sya doo n bago nya inilagay sa Stand na nasa harap nya at tinabihan iyun ng pitchel ng tubig para hindi makita sa labas.
“Magkukunwari akong ako ang kausap mo kaya umarte ka rin ng normal para wag tayong mahuli kasi ayaw kong mawakan ng trabaho.” Sabi pa nya.
Biglang lumabas sa screen ng CP nya ang mukha ni Adam na hindi yata nakapag ahit ng isang lingo.
“Hi baby…” Nakangiting sabi nito.
Napangiti rin ako ng alanganin hindi ko kasi maintindihan ang nararamdaman ko at nagbabadya na namang oumatak ang mga luha ko.
“Its okay pwede kang umiyak para isipin nila na naalala mo na naman si Sir Adam at namimiss mo sya ng husto..” Sabi ni Eloisa Hinawakan nya ang kamay ko para kunwari kino comfort nya ako.
“Baby you look like hell ”Sabi nya.
“Ikaw din naman… wala bang shave dyan sa Saudi.” Sabi ko na naluluha.
“Mukha ka na ring arabu… ang pangit mo.”
“Hey bilisan nyo na po magusap ha at may mga matang pasilip silip dito.” Sabi ni Eloisa.
“Thanks El… ang dami ko ng utang sayo.” Sabi ni Adam.
“Remind me to kill you for making me do things na hindi na naman kasama sa trabaho ko.”
“Don’t worry abay ka sa kasal namin at ninang ka ng magiging first baby namin.”
“Yun ay kung makakabalik ka pa ng Pilipinas…”
“I’ll make sure of it… promise yan babe… gagawin ko ang lahat para lang makuha ko ang approval ng daddy mo… kaya makuntento na muna tayo sa ganito… kahit pa miss na miss na kita yung mga halik mo yung making out natin..”
“Shit Adam no SPG please nandito ako nakikinig.” pagrereklamo ni Eloisa.
Nagunit ang mukha ko sa sinabi ni Adam oero natawa rin ako sa reaksiyon ni Eloisa.
“Sige magusap lang kayo… hayaan nyo lang akong magsalita rito para naman hindi mag mukhang tanga si Miss Samantha.”
“Miss you so much Babe..” Sa wakas nasabi ko rin kasabay ng pag patak ng luha ko.
“Oshh… dont cry please… Kumusta ka na.”?
“Trying to survive.”
“That’s good… keep on doing that…”
“Ikaw kumusta ka.?”
“Heto unti unting pinapatay ng daddy mo sa pamammagitan ng walang katapusang trabaho. Ngayon alam ko na kung papano magalit ang isang Samuel Collin.”
“Alam na natin.” Pag sang ayon ko sa kanya.
“Remind me not to piss him off pag okay na tayo sa kanya kasi baka sa suaunod ipatapon nya na ako sa Africa.”
Ang paguusap namin ni Adam ay nakapag pagaan sa kalooban ko kahit papano. At dahil yun kay Eloisa. We owe her a lot.
Halos hilahin ko ang oras para makauwi na ako. May usapan kasi kami ni Adam na mag vedio call sa kwarto ko kung saan walang CCTv at gwardiyang nakabantay.
Pagkadating ko nga ay yun agad ang ginawa namin, gamit ang laptop ko ay nagusap kami hanggang madaling araw.
Kinabukasan kahit pa puyat ay maaga pr in akong nagising para oumasok sa trabaho.
Unang bumungad sa akin ay ang Text ni Adam na 《Good morning my Juliet, I love you.♡》.
Agad ko naman iyung nireplyan ng 《I love you too Romeo my Romeo.》
Natawa ako sa bago naming endearment sa isat isa, sya ang nagpasimula nun oara daw kasi kaming si Romeo at Juliet.
Nattawa nga sya sa sarili nya kasi never pa daw syang nagkaroon ng seryosong relasyon sa isang babae ngayon lang tapos forbidden love pa.
Buing linggo na ganuon ang routine ng buhay ko magtatrabaho sa umaga tapos exvited na uuwi sa hapon oara makausap si Adam.
Buong linggo rin na hindi kami nagkita ni Sam hindi ko alam kung nagiiwasan ba kami pareho o sadyang magaling lang akong umiwas.Weekend napagpasyahan kong sumama sa kaibigan kong si Nicole na mag malling kami lang dalawa kasi sya lang ang day off yung dalawa may pasok.
Nag window shopping lang kami sa mall ng CGC wala naman kasi akong balak bikhin, wala ako sa mood mag shopping ngayon.
Ng maoagod ay napagpasyahan naming kumain sa food court .

BINABASA MO ANG
Sam & Adam
RomanceTwo men one woman Sam & Adam dalawang lalaki na nagmamahal kay Samantha. Samantha ang babaing parehong mahal ang dalawang lalaki. Sino ang mas matimbang. Sino ang pipiliin nya. (Hi guyz, heto na naman po ako ang inyong lulubog lilitaw na writer. M...