Hanggang sa makauwi kami sa bahay ay hindi maka get over sina Dad at Adam sa bilang ng mga naging boyfriend ko.. eh anong magagawa ko sa ipinanganak akong maganda.
Hindi pumayag si Sam na sa bahay matulog si Adam kaya napilitan syang umuwi, kinaumagagan maaga syang dumating sa bahay.
“Babe may pupuntahan tayo.” Sabi nya.
“May trabaho ako.”
“Ipinagpaalam na kita kay Sam, pumayag na sya.”
“Saan ba tayo pupunta.?”
“Hihingin ko ang kamay mo sa sa mommy mo.”
“What… Adam.. not a good joke...” seryosong sabi ko.
Isa sa mga ayaw na ayaw kong pag-usapan ay ang tungkol sa nanay ko. Kahit pa nga nagpaliwanag na sya ng kanyang dahilan kung bakit nya kami iniwan ni dad hindi ibig sabihin nun na okay na kami. I still hate her. Wala syang alam kung gaano kahirap para sa akin ang lumaking walang ina.
“Samantha baby please lets settle this once and for all… kahit gaano pa sya naging kasama sayo.. ina mo pa rin sya, kung hindi dahil sa kanya wala ka sa mundong ito.”
“Adam… Ayaw kong magaaway tayo dahil dito… The issue between me and my mom is a personal matter that I want to keep for myself and I want you to respect it.” Mariing sabi ko.
“Samantha that personal matter of yours is my concern also… you are my fiancée and soon you will be my wife. Lahat ng may kaugnayan sayo ay gusto kong maging parte ako. “
“The issue about my mom is a different thing. .. Mula ng magkaisip ako ay magisaa ko ng hinarap ang hirap at sakit na mabuhay ng walang ina, and I survive.. and I want to keep it that way.”
“Samantha… gaano ba kahirap para sayo ang magpatawad at umunawa sa babaing nagbigay buhay sayo?.”
“Adam wala kang alam kaya wag mong kwestiyonin kung papano ko itatrato ang nanay ko, hindi mo alam kung papano lumaki ng walang ina. “ Hindi ko na napigilang mapaluha.
Tumayo ako at humakbang pabalik sa kwarto ko.
“Samantha were are you going.?”
“Magbibihis.. marami akong trabahong kailangang tapusin.”
“Samantha.. for once, can you be reasonable.”
Hindi ko na sya pinansin, dumeretso ako sa silid ko at nagbihis. Akaka ko susundan nya ako, pero hindi, inaasahan kong hihintayin nya ako at ihahatid sa opisina pero wala na syan pagbaba ko. Umalis na daw sabi ng mga katulong.
Talagang balak nyang palakihin ang isyu namun ng mommy ako.
Yah right, kaibigan nya nga pala ang nanay ko natural kakampihan nya yun.
Pero ako yung Fiancé nya.
Pumasok ako sa opisina na ng wala sa sarili ngunit pinilit ko pa ring magtrabaho.
Buong maghapong hindi nya ako tinawagan o kahit itenxt man lang, masama pa rin ang loob ko sa kanya kaya ayaw kong ako ang maunang tumawag o kahit magtxt.
Hanggang sa maguwian ay wakang Adam na nagparamdam.
Nagdadabog na pumunta ako sa opisina ni Sam, pabagsak akong naupo sa couch at idinandal ko ang aking ulo sa sandalan at mariing pumikit.
“Problema mo.” Tanong niya.
“Tumawag ba sayo si Adam?.”
“Oo kanina itinatanong kung dumating ka na daw ba.?”
BINABASA MO ANG
Sam & Adam
RomanceTwo men one woman Sam & Adam dalawang lalaki na nagmamahal kay Samantha. Samantha ang babaing parehong mahal ang dalawang lalaki. Sino ang mas matimbang. Sino ang pipiliin nya. (Hi guyz, heto na naman po ako ang inyong lulubog lilitaw na writer. M...