Chapter 3

3.7K 132 2
                                    

///AN……
@EmelitaBarrientos . you’re an amazing person isa ka sa mga dahilan kung bakit  patuloy akong nagsusulat. Thank you so much ////

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

"Okay sir.. Miss Collin you can take your lunch break now."

"Naku maam..." Magrereklamo pa sana ako pero bigla na akong hinila ni Adam.

kaya naman Nasa amin ang mata ng lahat ng empleyado ng supermarket na madaanan namin.

"Girlfriend talaga... ang tanda mo na kaya para maging boyfriend ko."

"Kung matanda ako para sayo eh ano na lang si Sam."

"Mas gwapo sya kaysa sayo kaya okay lang."

"Gwapo..? Sino sya.. hello magsalamin ka na nga at mukhang malabo na yang mata mo."

"Sinasabi mo bang hindi ako maganda.?" Mataray na sabi ko sa kanya.

"Maganda ka kasi nagmana ka sa mommy mo." Tila wala sa sariling sabi nya.

Bigla kong hinatak ang kamay ko na hawak nya.

"Gusto mo ng mamatay.?" Seryosong tanong ko sa kanya.

Para namang bigla syang natauhan.

"Sorry for speaking bad words." Seryosong sabi nya.

Hindi ko na sya pinansin, nagpatiuna na akong naglakad papunta sa restaurant sa loob ng mall.

Tahimik namang sumunod sa akin si Adam.

Umupo kami sa upuang may nakalagay na reserve.

"Sorry." Muli ay sabi nya.

Pilit ko syang nginitian kahit ang totoo, nagbago ang mood ko mula ng marinig ko ang tungkol sa babaing umabandona sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay inihatid nya ako pabalik sa supermarket bago siya bumalik sa opisina nya.

Bago matapos ang shift ko ay may pumasok sa supermarket na delivery man may dala itong bouquet of flowers at chocolate.?

Para sa akin...

May secret admirer ba ako...?

"Kanino galing kuya.?"

"Mr. Adam Hendrix po."

Nagsalubong ang kilay ko.

Kinuha ko ang card na lasama ng bulaklak at binasa iyun.

《I'm Sorry》A.H.♡

Napangiti ako pagkabasa niyun, at yung puso ko nagiba ang tibok at naginit din ang mukha ko.

Its not the first time na may natanggap akong bulaklak but its the first time na nag react ako ng ganun.

What’s wrong with me.

Dumiretso ako sa locker room ng mga service crew para magbihis. Kailangan kong gawin yun kasi yun ang usapan namin ni Sam, sa loob lang ng Company premises ako empleyado, paglabas ko kailangan kong ibalik yung image ko bilang nagiisang heiress ng Collin groups of Company.

Pagod na pagod ako, sa buong buhay ko ngayon ko lang naranasan na maging ganito kapagod.

I climb mountains pero never pa akong nakaramdam ng ganitong pagod.

I wonder kung papano nakakasurvive sa trabahong iyun ang mga kasamahan ko.

Pagpasok ko sa locker room ay may naabutan akong mga kasamahan ko na mag a-out na rin. Masaya silang nagkukwentohan at nagtatawanan.

Pero bigla silang natahimik pagpasok ko.

They feel awkward around me alam ko yun.

Nginitian ko sila.

"Hi.. I'm Samantha bago lang ako dito."

Ngumiti rin yung tatlong babae na mga kaedaran ko lang yata.

"Ako si Nicole. “Sabi nung isa.

"Ako namana si Andrea."

"At ako naman si Josephine."

Lahat sila naka ngiti aa akin naka hinga ako ng maluwag.

"Pauwi ka na rin.?" Tanong sa akin nung Nicole.

"Yup..."

"Gusto mong sumabay na sa amin.? Saan ka ba.?" Si Nicole uli.

"Huh.." Napaisip ako bigla.

Ng makabawi ay ngumiti ako.

"Ah eh.. pupuntahan ko pa kasi si Adam." Sabi ko sabay tingin sa bulaklak na nasa upuan.

"Ah si sir Adam."Magkakasabay na sabi ng tatlo.

"Seryoso boyfriend mo talaga yun.?" Hindi makapaniwalang sabi ni andrea.

Ang bilis kumalat ng tsismis ah.

"Naku hindi. hmmm kaibigan sya ng daddy ko... tama kaibigan sya ni dad."

"Ang bonga mo kakilala mo si Sir Adam, alam mo bang pinagpapantasyahan sya ng lahat ng kababaihan dito, at tsaka yung CEO na kaibigan nya. Shit ang gagwapo kasi nila makalaglag panty at ang babait pa."

Napaubo ako sa sinabi ni Josephine.

At hindi ko mapigilang matawa sa hitsura ng tatlo kilig na kilig kasi sila.

Napailing na lang ako.

"Pero Sam.. nanliligaw ba sayo si Sir Adam."

Napaubo uli ako.

"Eww... ang tanda na kaya nun at best friend sya ng daddy ko kaya incest yun."

Nagkatawanan kami.

And from that time alam ko yun na ang umpisa ng pagkakaroon ko ng mga bagong kaibigan, na syang wala ako dahil iniwan ko lahat sa States.

Ang alibi ko na pupunta kay Adam ay half true naman pero hindi ako kay Adam pupunta kundi kay Sam.

I miss my man. Maghapon ko din syang hindi nakita o nakausap man lang. Mabuti pa noong wala pa ako sa kompanya 3times a day nya ako kung tawagan, by phone or via skype man, pero ngayon na magkalapit na kami hindi na, sabagay bawal namin kasi sa amin ang humawak ng phone at pag break time ko naman nawawala sa isip ko na tawagan sya kasi nalilibang ako sa panonood sa kilos ng mga tao sa paligid ko.

May tatlong elevator sa loob ng mall, ang isa para sa mga empleyado at costumer ng mall. ang isa para sa mga tenant ng hotel at ang pangatlo ay private elevator ng mga admin employee ng buong CGC.

Sa pangatlo ako tumapat.

Alam kong may security system ang elevator na yun, kailangang i scan sa scanner ang palad mo para ma recognize ka kung hindi ka kilala ng system sorry pero hindi magbubukas ang elevator para sayo.

Ganun ka strikto si Sam pagdating sa Security. Kaya nga isa ang CGS sa pinaka magaling na security system service provider hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa iba pang malalaking bansa sa mundo.

May mga nakaabang ng tao sa tapat ng Private elevator mukhang mga empleyado sila.

Tiningnan ako ng mga ito, napansin ko pang napataas ang kilay ng dalawang mukhang mataray na babae.

"Miss Sa kabila po ang elevator para sa costumer and guest, private elevator po ito." Magalang ngunit may pagkamataray pa ring sabi ng isang babae.

Gusto kong mapailing bakit ba hindi nawawala ang ganitong klase ng mga tao.

Sabagay sa suot ko ba naman na rip jeans at spaghetti strap crop top tapos yung buhok ko basta ko lang itinali ng hindi sinusuklay, wala pa akong makeup kasi tinanggal ko na dahil nangangati na ako, sino bang mag sasabing anak ako ng may ari ng CGC.

Sam & AdamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon