Chapter 18

559 15 1
                                    

Alcantara— bakit ba usong uso ang apelyido na yon? Na aapektuhan tuloy ako.


"B-Boss nandito ka pala." uutal utal na sabi ni Yeol. Nainis na siguro to kasi pinag uusapan namin siya.




"Don't worry. I moved on." wika niya. Napangiti ako sa narinig ko. "Skyler, pack your things up."




Tumango ako tsaka dumeretso na sa kwarto. Ang saya ko shet, move on na pala si Skeet. Wow Skyler ha, ang saya mo. Inlove teh?


**

"Mag iingat kayo Boss!" paalam nila saming dalawa ni Skeet. Nginitian namin sila saka na nagsimulang lumakad.



Eto na... Magsisimula na ang mga mission sa buhay ko. I can do it.

.

Nasa private plane kami ngayon ni Skeet. Naka earphone siya at natutulog. Samantalang ako, kumakain! HAHAHA. Lately, nagiging masaya nako. Nahawa ako kay Yeol sa pagiging Happy Virus niya.


Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga ako saglit. Itutulog ko nalang muna siguro to.

**

"Wag kang magkakalat doon ah." paalala sakin ni Skeet. Inirapan ko siya. Anong akala sakin nito? Low class.



"You don't need to remind me, duh." wika ko sakanya. Napairap naman siya sa sinabi ko. Hehe effective.


"We're here." wika ng school guide samin.




Pagpasok namin sa University ay napaka tahimik. Parang Ohr Acad lang pala. Pero— ang mga building dito ay napaka luma. Nakakatakot.


"This is the Gun Building, obviously naman ay puro Guns ang nasa loob nito. Sa building na to matututo kayo kung paano bumaril and how to handle guns and other types of guns." paliwanag samin ng school guide. Wow ha, ganda ng name ng building.



Naglakad kami papunta sa kabilang building.



"This is the Martial Building. Gaya ng nauna, ganoon din dito. Martial arts ang aaralin nyo."


Naglakad naman kami papunta sa pangalawang huling building.



"This is the Music Room. We can't discuss what's inside this room. Even us, staffs are not allowed to enter this Building. Only you students are allowed."


Na curious ako sa sinabi ng school guide. Wow, may tinatago pala ang University na to.



"And this..." napahinto ako. Wow... napakalaki ng building na to.




"The Skull Building." wika ni Skeet. Napalingon ako sakanya. Oo nga pala nanggaling na siya dito.



"You're right. This is The Skull Building. This is your mission rooms. Dito ma t'test ang tapang niyo. Dito namin malalaman kung hanggang saan ang kaya niyo. Pwede din.... Dito kayo matapos. Matapos ang lahat."



Kinilabutan ako sa sinabi ng school guide. So this is Cypher's University huh? Well, impressive.


"And this... Is your key in your dorm." wika samin ng School guide at hinagis samin ang susi. Nasalo ko agad ito.


Teka nga lang—

"Bakit isa lang?" tanong ko.



"Isa lang naman talaga yan. Magsasama kayo sa iisang dorm."





"ANO?!" sigaw ko. Napatakip ng tenga si Skeet at ang school guide.



"Teka why? I am a girl and he is a boy. Do this school knows the word Privacy?" reklamo ko. Natawa naman ang school guide.



"I'm sorry Ms. Choi, but there is two rooms in your dorm. Don't worry." nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya. Buti naman. Akala ko kasi...



Iniwan na kami ng school guide at kami nalang ni Skeet ang naiwan.




"You have a playful mind Skyler. Hindi ko naman gagawin sayo yon, maliban nga lang kung gusto mo." wika ni Skeet at kinuha ang susi sa kamay ko at nagsimulang maglakad.





Teka ano daw? Hindi ko siya gets. Teka ang init dito ah! Bakit parang uminit bigla. Ang init ng pisngi ko. Nag b'blush ba ako? No way!

Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon