Chapter 23

500 13 0
                                    

Skyler

After 1 week

Parang kailan lang nung pinakilig at pinasaya ako ni Skeet. Halos isang linggo na pala niya akong iniiwasan.

Tama kayo ng nabasa, oo iniiwasan niya ako. Ewan ko ba, paggising ko nalang napaka cold ng treatment niya sakin. Nung una binalewala ko, pero napansin ko na nung pati sa school hindi na niya ako kasama.

Sinong kasama ko? Wala, I'm a loner. Pero si Kevin hindi pa din ako tinitigilan kulitin. Minsan nga hinahatid pa niya ako sa dorm. Minsan nakakapag open na din ako sakanya pero hindi naman masyadong open talaga. Parang friends lang kami.


"Oh ano? Lunch na, di ka na naman ba kakain?" bungad sakin ni Kevin. Oh diba? Sabi ko sainyo makulit yan.


Hindi yata kumpleto araw niya pag di niya ako kinausap. Alam niya din yung tungkol samin ni Skeet, pati yung pagkagusto ko kay Skeet.

"Wala akong gana. Ikaw nalang." wika ko at yumuko sa upuan ko.



"Tsk, wala naman si Skeet don. Tara na kaya? Hinihintay na din ako ni Zhico don." wika niya kaya tumayo na ako para wala na din siyang masabi.


Si Zhico? Oo nakakasama namin pero mailap siya minsan. Kagaya ngayon, ngayon lang din ulit sya sasabay kumain.

"Yoo!" bati ni Kevin kay Zhico na nasa table na.

Tinignan lang ako ni Zhico tsaka tumayo na para mag order ng pagkain. Nagpa order nalang din ako kay Kevin.

Wala pang ilang minuto ay nandito na din sila.

"Nga pala Skyler, wala daw mga profs bukas?" tanong ni Kevin habang kumakain.


"Malay ko." maikling sabi ko.




"May meeting daw." maikling sabi din ni Zhico kaya nagkatinginan kami tsaka inirapan ang isa't isa.

Napatingin ako sa may bandang kaliwa ko. Sht, dapat pala di nako tumingin.


It's Skeet, with his new girl.


"E-Excuse me." wika ko kaya tumayo na ako at dali daling lumabas ng Cafeteria.

Pang ilang beses na ba 'to? Hindi ko alam eh. Ang tanga ko na ba? Oh mali lang ako kasi hindi ako umaamin? Pero kahit na, nagbigay siya ng motibo diba?

Iyak lang ako ng iyak dito hanggang sa napaupo nalang ako sa favorite place ko. Sa ilalim ng puno.


"I'm so stupid! Why am I waiting for you? If I know that you'll only hurt me. It... hurts!" iyak ko at tinakpan ko na ang mukha ko. Sobrang sakit na.

Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng bumalik sa dati kong school. Gusto ko ng bumalik sa dati- sa panahon na hindi ko pa siya kilala.

"Crybaby."


Napaangat ang ulo ko sa nagsalita.
Tama siya, isa akong crybaby. Palaging umiiyak. Hindi naman ako ganito dati diba?

"You're right, Zhico. I'm a crybaby." wika ko kahit di ko siya tinitignan.




"Pang ilang babae naba niya yan? Ts, pangatlo?" ngisi ni Zhico.




Hindi ko siya sinagot.






"Tss, you're so stupid." wika pa niya.



"I know."



"You're so coward." dagdag pa niya.




"I know."


"Napakatanga m-"




"Oo alam ko! Alam ko Zhico. Pwede ba? Wag mo ng ipamukha sakin?!" sigaw ko sakanya. Mukhang hindi naman siya nagulat.

Umupo siya at tumabi sakin.



"Oh, panyo." abot niya ng panyo. Tinignan ko lang ito. Wag mong sabihin na nagiging mabait ka?


"Kunin mo na, before I change my mind." wika niya pero tinitigan ko pa rin.



Wala rin namang use yan. Iiyak at iiyak pa din ako. Diba?

"Tssk." nagulat nalang ako ng pinunasan ni Zhico ang luha ko.

Pinupunasan niya? Si Zhico ba 'to?

"Alam mo? Hindi masamang maging tanga pero wag naman yung sobra." panimula niya. Tinitignan ko lang ang mata niya.


Ang mga mata niyang noon na di ko matitigan. It's like him. His eyes are cold, just like his heart.



"If you love him that much, then you should know how to love yourself too."




Myself? Minahal ko ba ang sarili ko?


"You're too busy loving other person and yet you don't know that you're losing yourself." dagdag pa niya. Tumulo na naman ang luha ko. Tama siya. Tama si Zhico.


"I lost myself." wika ko nalang. Napayuko nalang ako at umiyak.




"What will I do?" iyak ko. Naguguluhan na ako. Napaka tanga ko.



"Let him go." napatingin ako kay Zhico sa sinabi niya. Ano daw?

L-Let him go?

"You know I can't d-"



"You can, you can do it." wika niya.


Hindi, hindi ko kaya. Hindi ko magagawa. Hindi ko gagawin.


"No, I can't let him go and that's because I love him. I love him so much."



"That's because you love him? You'll do everything? You already lost yourself. Ano pang gusto mong mawala sayo? Hinahabol mo ang taong kahit kailan hindi ka minahal? You're a person. You're not an animal. Hindi ka aso para maghabol. If you love him that much, let him go."

Tama siya, hindi naman ako aso para maghabol. Pero kasi- baka habang tumatakbo palayo si Skeet malay mo tumigil siya diba?


"Wag mong habulin yung taong malayo na ang tinakbo."



"Pero paano pag tumigil siya? Pag huminto siya?" tanong ko.




"Kapag ba huminto siya ibig sabihin ay hinihintay ka niya? No, he's not waiting for you. You're just assuming." tagos na naman sa puso ang sinabi niya.


Lahat nalang sinabi niya ay tama. Baka ako naman ang mali? Baka ako.



"You're right. I need to let him go."



"Wag mong gawin tanga ang sarili mo. Kung alam mo rin naman na wala na, tumigil kana, Skyler."


T-Teka, alam niya ang pangalan ko? Matutuwa ba ako dahil binanggit niya ang pangalan ko o iiyak dahil sa sinabi niya?


"Put yourself back together, kung ayaw mong matulad sakin." saka na siya tumayo at iniwan ako.


Ano daw? Kung ayaw kong matulad sakanya? Hindi ko siya maintindihan. Pero mukhang tama naman lahat ng sinabi niya.

This time, I will love myself. I will move on. Its time for me to move on. I will let you go, Skeet.

Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon