Chapter 34

475 14 1
                                    

Skyler~

Ilang araw na simula ng magtapat sakin si Zhico. Hindi siya katulad ng ibang lalaki.

Si Zhico yung tipo ng lalaki na lagi kang inaalala. Pero hindi siya clingy, sakto lang. Tapos paggising mo may nakahandang masasarap na pagkain sa mesa.

Feeling ko tuloy, sobrang special ko. Nakatayo lang ako ngayon sa may hagdan at pinapanood si Zhico na nagluluto. Ang cool niya.


"Inlove kana sa best friend ko 'no?" nagulat naman ako nang biglang bumulong mula sa likuran ko si Kevin.

Aish, heto na naman siya. Nang aasar na naman.

Dumeretso siya sa pagbaba at nilapitan si Zhico. "Ano bro? Buo ka pa ba ha? Kala ko kasi lusaw ka na eh."

Tumingin siya sa banda ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Pahamak talaga 'to kahit kailan.

So dahil ibubuking din naman ako ni Kevin, napagdesisyonan ko nang bumaba. Napatingin naman agad sa akin si Zhico. Gosh, yung mga tingin na yan. Nakakapanlambot.

"Good morning. Nakatulog ka ba ng maayos?" wika niya sabay ngumiti sakin. Ayan na naman yung totoong ngiti niya.


"Ah oo." sagot ko.


"Ganda talaga ng prinsesa ko." namula ako bigla sa sinabi niya. Simula nang umamin sakin si Zhico. Nagsisimula na din siyang maging sweet at corny. Hahaha.

"Naninibago talaga ako sayo! Hahahahaha." sambit ko saka tumawa. Sumabay na din siya sa pagtawa sakin.

"Kahit ako eh. But it's okay. Kaya lang naman ako nagiging ganito dahil nagiging honest ako sa feelings ko. Kaya masanay ka na." wika niya sabay ngumisi pa. Ang cute niya!

‘Gosh, landi mo!’ sumingit na naman ang konsensiya ko. Talagang sumisingit kana ngayon ha.

"Pero totoo naman. Maganda talaga ako. Kaya maswerte ka kasi napaka ganda ng prinsesa mo!" biro ko kaya tumawa siya at pinisil ang pisngi ko.

"Of course I am. Sobrang swerte ko dahil pinayagan mo kong makapasok diyan sa puso mo." wika niya sabay turo pa sa dibdib ko. Aww, magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihin na kinikilig ako.

Umarte naman ako na nahihiya at kinikilig. "Ikaw naman, mahal na prinsipe!" biro ko pa sabay hampas ng pabiro sa balikat niya.

Natawa kaming dalawa sa mga pinagsasabi namin. Atleast, kahit papano ay sumaya ako.

"Baka gusto niyo munang tumigil sa kalandian niyo dahil malapit nang masunog yung niluluto mo." napatigil kami sa kakatawa nang biglang sumingit si Kevin.

Gosh, buti nalang napansin niya na malapit nang maluto yung bacon.

"Landi landi niyo eh 'no? May tao pa kaya dito, hello?" umirap pa siya saka na umupo upang kumain.

Sinundan ko naman siya saka inirapan. "Tsk, bitter mo." sagot ko. Sinimangutan niya ako saka nalang kumuha ng bacon na at egg na inilapag ni Zhico.

"Busted ba bro?" singit ni Zhico sa usapan saka umupo.

Aba, may nililigawan pala 'tong best friend ko eh. Kaya lang, mukhang na busted. Hahaha.

"Di eh, bro. May boyfriend na pala yung nireto sakin." dismayadong sabi niya saka na lang kumain.

Kawawa naman pala si Kevin. Seryoso naman si Kevin sa pag ibig. To be honest, gwapo siya at mistiso. Tapos ang ganda ng kilay niya. Gwapo siya pero na b' busted siya sa mga babae.

Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon