Skyler
Bumalik nako sa dorm upang makapag isip isip. Wala akong kinakausap maliban sa isang tao.
Si Zhico, siya ang kaisa isang taong pinagkakatiwalaan ko ngayon. Alam niya ang pinagdadaanan ko kaya ginagabayan niya ako ngayon.
"I'm sorry ngayon lang ako." wika niya at umupo. Oo, nakatira ako sa dorm niya. Hindi naman kame awkward or ano. Komportable ako sakanya.
"Okay lang. Ano nga palang sinabi tungkol sa meeting?" tanong ko.
"False alarm lang yata ang nangyaring yun. Mukhang walang balak mag umpisa ng war ang gobyerno." napatigil ako sa sinabi niya.
"Kung ganon... ibig sabihin ba ay magtatagal pa ako dito?" tanong ko.
Pinasok ako dito upang i train dahil ako ang itinakda sa war. Kung hindi pa ito mag uumpisa, siguradong mananatili ako dito.
"Siguro. Ayaw mo ba akong kasama?" tanong niya bigla.
"Baliw kaba! Ikaw na nga lang ang natitirang tao sa buhay ko, iiwan pa kita?" tanong ko. Napangiti siya sa sinabi ko.
"Skyler, may kailangan akong sabihin sayo."
"Ano yun?"
"Kailangan nating mahanap ang totoong mommy mo. Kailangan natin siya para sa war." natigilan ako bigla sa sinabi niya.
"A-Ano?"
"Kailangan natin siyang mahanap sa lalong madaling panahon." wika niya.
Ngunit bakit? Mas lalong gumulo amg utak ko ngayon. Maraming tanong ang pumasok sa isipan ko.
"Anong kinalaman niya sa gulong ito?" tanong ko.
Oo, alam kong may connection siya dito ngunit bakit namin siya kailangan?
"Hindi pa ako handa, Zhico. Ayoko pa siyang makita." wika ko at nilihis ang tingin ko.
Hinarap niya ako ulit sakanya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"Please Skyler, walang mangyayare kung hindi tayo kikilos."
"Bakit ba kasi ako ang napili para diyan! Ako ang nagdurusa, hindi sila!" iyak ko at tumayo saka dumeretso sa kwarto.
Humiga ako agad sa kama at doon ko na ibinuhos ang sakit na nararamdaman ko. Bakit ako pa ang napili?
Hindi ko naman hiniling ang ganitong buhay. Lahat ng tao minahal ko, pero anong ibinalik nila sakin? Pinamukha nilang isa akong laruan! Isa akong kagamitan na solusyon sa problema nila!
Tao ako... nasasaktan at napapagod.
Biglang bumukas ang pinto at naramdaman ko nalang ang biglang pagyakap ni Zhico mula sa likod ko.
"Skyler, please. Ayokong nagkakaganito ka. Para saiyo din naman ito. Please makinig ka sakin." pagmamakaawa niya. Humarap ako sakanya.
"Pero Zhico, nahihirapan na ako. Hindi ko na kayang lumaban mag isa." iyak ko.
"Sino bang nagsabing lalaban kang mag isa? Skyler tandaan mo, kasama mo ko sa lahat ng pagsubok sa buhay mo. Kasama mokong gagabay sayo. Tandaan mo yan."
"Hindi man maganda ang simula nating pagkilala, ngayon sinisigurado kong nandito lang ako lagi para sayo. Kaya please, wag kang matakot. Gagabayan kita." pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang yon ay niyakap ko siya bigla.
BINABASA MO ANG
Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;
ActionOhr Academy Is a school where adventures begin!