Nandito kami sa canteen ngayon. Magkakasama kaming apat. Me, Skeet, Kevin and Zhico.
Katabi ko muna si Zhico ngayon at naintindihan yun ni Skeet. Dahil alam niya kung paano ako nangulila noong panahong hinahanap ko ang kuya ko.
"Eat more, princess." saka niya hinawi ang buhok ko.
Napaubo naman si Kevin. "Bro! Hindi pa rin ako makapaniwala. Grabe, dati para kayong mag jowa tapos ngayon magkapatid kayo? Crazy!"
Natawa naman kami. "Lahat ng ginawa ni Zhico dati sakin ay part yun bilang kuya. Kahit sabihin nating hindi niya alam pero ang nararamdaman niya para sakin bilang kapatid ay iba." paliwanag ko.
"Still, muntik pa kayong magsuntukan ni Skeet non dahil kay Skyler."
"I don't want to see her get hurt." paliwanag ni Zhico.
"Instinct bilang kapatid." sagot naman ni Skeet. Tumango tango naman si Kevin.
"Zhico, alis tayo mamaya? Bonding tayo." yaya ko sakanya. Syempre, kailangan naming mag bonding bilang magkapatid no. I want to spend more time with him, bilang kuya.
"Hey, you should call me kuya." reklamo niya saka sumimangot. Natawa naman ako.
"Baduy! Nakakapangilabot!" react ni Kevin. Natawa naman kami dun.
"Okay, kuya." I smiled.
"Will that be okay, Skeet?" tanong ni Zhic— kuya kay Skeet.
"Of course. Ayokong putulin ang kaligayahan ni Skyler." wika ni Skeet.
"Bro, ingat. Kuya na nya yan kaya magpa good shot ka!" saka tumawa si Kevin sa sinabi niya kay Skeet. Walang hiya talaga ang isang 'to.
"Shut up, bro." wika nalang ni Kuya. I think kailangan ko ng masanay na tawagin siyang kuya from now on.
"Saya sana no kung walang war?" biglang sabi ni Kevin saka sinubo ang kinakain niya. Napatahimik kaming tatlo. Si kuya namutla. Err di pa talaga ako sanay na tawagin siyang kuya.
"About that... I'll try to stop it." napatingin kami sakanya.
"How kuya? Nakakausap mo ba ang father natin?" nakita ko ang pag ngiwi ni Kevin sa sinabi kong kuya pero binalewala ko yun.
"Yes."
"Gusto ko siyang makausap." saad ko.
"No." agad na sabi ni Zhico or kuya or whatever! "He's harmful, princess. Kahit anak niya tayo ay wala siyang pakielam."
Bigla akong natakot. He's harmful? Ha, of course he is. Iniwan niya nga kami at pinaghiwalay ni Zhico eh. At siya pa ang may pakana ng gulong ito.
"Pero gusto kong itigil na niya ang gulong ito. Maraming masasaktan. Dahil lang ba gusto niyang gumanti sa mga nanakit sa lolo at lola natin kaya siya nagtayo ng panibagong gulo?" sigaw ko. I hate him. So much. Gusto ko siyang suntukin at bugbugin.
"I'll try to talk to him. But please princess, I want you to stay out of this war. Ayokong mapahamak ka."
"How about Skeet? He will get hurt! At hinding hindi ako papayag na masaktan siya dahil kapag nasaktan siya ay nasaktan na rin ako. Please kuya, do something." I saw pain in his eyes. Para bang nagseselos siya na ayaw kong masaktan si Skeet pero siya okay lang.
BINABASA MO ANG
Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;
ActionOhr Academy Is a school where adventures begin!