Chapter 20

517 11 1
                                    

Skyler

Pagbukas ko palang ng pinto ng dorm ay sinalubong ako ng matatas na kilay ni Skeet. Gg na hay.

"Saan ka galing?" bungad niya sakin.


"Diyan lang." maikling sambit ko. Naglakad ako at akmang aakyat na. Pero tumayo siya at hinarangan ako.



"Diyan lang? Bakit ka ba pumupunta sa Music Building? Alam mo bang delikado don? Tapos kung sino sino pa ang kinakausap mo!" sermon niya sakin. Nakatingin lang ako sakanya. Ako ba binabawalan niya? Tss.


"Matanda na ako Skeet, kaya ko na ang sarili ko." wika ko sakanya.


"Kaya? Eh papano kung may ginawa sayo ang Zhico na yun ah?! May magagawa ka pa ba?" sigaw niya. Teka... Did he mentioned Zhico?


"Kilala mo si Zhico?" tanong ko.

Napatigil siya bigla at inalis ang pagkakahawak sa kamay ko.



"Go to your room." wika niya.

Teka iniiba niya ang pinag uusapan.




"Answer me first, ano bang meron kay Zhico?" tanong ko.



"Just go to your room!"


Tinignan ko lang si Skeet at umakyat na. Fine! He won't tell me anything diba? Nagmumukha akong tanga lagi pagdating sakanya. Tangina? Bakit ba siya ganito?


Pagpasok ko sa kwarto ay sinara ko agad ang pinto at humiga sa kama. Binalot ko ang mukha ko ng kumot. Shet, umiiyak na naman ako. For the nth time Skeet Byun you're the only reason why I always cry!

Bakit kasi pumayag pa ako? May magagawa ba ako dito?

**

Nagising ako sa alarm ng phone ko. It's my first day at this school. Naligo na ako at nagbihis.

Pagbaba ko, wala akong nadatnan na Skeet. Okay, pinaninindigan niya talaga ang pagiging masikreto.

Hindi na ako nag breakfast at naglakad na papunta sa labas. Wala akong hawak na schedule kaya bahala na kung saan ako unang pupunta.

Nagulat ako ng biglang may humawak ng kamay ko.


"I'm sorry."



Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko. Sht Skeet nakikiliti ako. You're making me crazy damn!


"O-Okay lang." wika ko.



"From now on, sige hindi na kita iiwan. Just promise me, don't go near Zhico and Kevin. Arraso?" wika niya. Napabuntong hininga na lang ako at napatango.


"Ano ba kasing meron kay Zhico?" wika ko.



"I'll tell you later." wika niya at hinawakan ang kamay ko. Eto na naman, pinapakilig ba niya ako? O pinapa fall lang. Kasi inaamin ko, nahuhulog nako. Nahulog nako sayo Skeet. Kaya please, saluhin moko.

**

First Subject namin sa Gun Building. Types of Gun naman ang inaaral namin dito. Well, magkaklase kami ni Skeet dito. At gaya nga ng sinabi niya, di niya ako iniwan. Kung nasaan ako, nandun din siya.



"There’s tons of types of guns…it really depends how specific you want to get. For us, we consider the three main ones — pistol, rifle, & shotgun.  We’ll walk through the main characteristics of each and start to break down sub-categories." pag uumpisa ng aming prof sa aming lesson.



Medyo kinakabahan na excited din ako. Si Skeet naman seryoso ang mukha na nakikinig sa discussion.



"We will be using 'pistol' and 'handgun' to mean the same thing.  When you start combining federal and general state law, a handgun has the following characteristics:


•Fired from one hand
•No support from the shoulder
•Barrel length of under 16 inches."

Oh... So ganun pala. Nag discuss pa siya at nakikinig lang kame. Medyo na b'bored ako. Ganito lang pala dito eh.



"The girl at the back. Yes you, the new girl. If you are chosen to fight with other people, what weapon will you use?"


Napahinto ako sandali at napaisip. Anong weapon ang gagamitin ko? Ewan ko, pero syempre baril ang dapat kong isagot dito diba?


Tumayo na ako at sinagot ang tanong niya.



"Obviously, Gun. Why? Because gun is the best killing weapon. And one thing should learn about guns, if you're gonna shoot somebody... Don't hesitate. Because hesitation Means FEAR... And fear leads to death." wika ko. Nakatingin lang sakin ang mga kaklasi ko at pumalakpak bigla.


"Good answer, Ms. Choi." wow? kanina hindi niya alam ang pangalan ko ah. Tinignan ako ni Skeet at nginisian.

"Nice answer huh." wika niya at tinanguan ko lang ito.

**

Nasa Cafeteria ako mag isa. Yeah, mag isa. Hindi ko alam kung nilamon naba sa restroom si Skeet dahil hindi pa siya nakakabalik. Gosh, makaalis na nga lang dito. Bahala siya.

Nagsimula na akong maglakad at isinuot ang bag ko. Napahinto ako sandali ng may tatlong babaeng humarang sa dadaanan ko.

Like, what's wrong with them?

"Hi there girl!" bati sakin ng isa. Mukhang leader yata nila. Eww, anong klasing make up ba ang ginawa nito?

Tinignan ko lang sila at inirapan kaya nagsimula na akong maglakad pero hinawakan ako ng kasama nila at hinarap pabalik. Like wth?

"Don't touch me." ma'awtoridad na sabi ko.

"Why? Kase you have germs in your katawan?" maarteng sabi ng leader nila. Eww, so ano 'to conyo?

"No. I was just being careful baka kasi may mahawakan akong germs." wika ko at inirapan sila.

"Hey! Are you saying that we have a germs?" wika ng isa.

"Excuse me bitch, mas madumi ka kesa samin." wika din ng isa.

What the— ako ba talaga trip ng mga 'to? Sorry Skeet, pero mukhang mapapa away ako agad agad.

"You're just new here right girl? So know your limits!" sigaw nung leader nila at dinuro ako. Wow ah? You want fight? Then I'll give you.




"Don't you dare mess with me bitches. Yes, I'm just new here and I don't care who you are. Mind you own business." matigas na sabi ko sakanila. Bigla nalang silang tumawa. Anong nakakatawa sa sinabi ko?




"So scary girl! Sige lang, magmatigas ka girl."



"You think you are matapang? Well girl I am here to say to you that we are the bitches here and stay away from us!" wika na naman leader nila. Abnormal ba 'to?



"Me? Lalapit sa mga katulad niyo?" wika ko at nandidiring tinuro sila. "Eww no, ano ako parang lumalapit sa mga germs? Eww no thanks ,I'll prefer putting alcohol in my hands than following you girls." pang aasar ko sakanila.

Iniwan ko silang nakatunganga don. Like, why will I talk to nonsense people? Waste of time.

So... dahil hindi ko memorize ang university na 'to ay napadpad ako sa isang lugar na medyo walang tao. Nice place. No people, no noise.

Nilapag ko ang bag ko sa ilalim ng puno at umupo. Wow, it feels nice.


"Ah~ peace of mind." mahinhin na sabi ko.

Nang biglang may bumagsak na libro sa tabi ko.

Inangat ko ang ulo ko upang makita kung sino yon. Sht—









"Zhico?"

Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon