Chapter 37

296 9 1
                                    

Ang mga susunod na chapters at mga nilalaman nito ay puro crimes.  Feeling detective si author joke! Need lang para sa flow ng story. So yun, enjoy! Nag research naman na ako tungkol sa mga crimes (^.^) May idea naman ako kahit papano (^~^)

******

Isang putok. Isang putok na nakapagpahinto sa aming lahat. Nagkatinginan kami ni Kevin at sabay na napatakbo patungo sa pinagmulan ng putok.

Nakarating kami dito sa Skull Building. Nakakita kami ng mga kumpol ng mga estudyante. Lumapit kami ni Kevin papunta sa pinagkumpulan ng mga students.

Napatakip nalang ako ng bibig nang makita ang isang lalaking estudyanteng naliligo sa sarili niyang dugo. May tama ito sa kanyang noo.

"What is this mess?" bulong ni Kevin. Napatingin naman kami sa tumatakbong lalaki.

Na kalaunan ay nakilala ko. Si Zhico. Nagmamadali siyang lumapit sa biktima saka hinawakan ang pulso nito. Teka, isa ba siyang nurse? Or may kaalaman siya dito?

"Bata pa lamang si Zhico ay may kakayahan na siya sa mga ganyan." napatingin naman ako sa sinabi ni Kevin. "Bata pa lamang kami ni Zhico, parang may lahi siya ni detective conan. Pinag aral kasi siya at sinanay ng mga magulang niya sa kursong psychology."

Hindi na kataka taka. Kaya pala minsan ay nababasa niya ang nasa utak ko. Pero bakit? Bakit parang hindi halata sakanya.

"Kaso loko din 'tong Zhico na 'to eh. Sinuway niya ang magulang niya. Ayaw niyang sumunod sa kagustuhan ng magulang niya na mag aral siya ng psychology. Kaya eto, tinapon siya dito sa Cypher para matuto sa pakikidigma. Sa huli, nag aral pa rin si Zhico sa kursong gusto ng kanyang magulang." napatango naman ako sa kwento ni Kevin.

Ganon pala ang nangyare. Tignan mo nga naman. Ang akala kong bad boy na si Zhico, may alam din pala sa ganito.

Natuon ang atensiyon namin nang dumating ang mga pulis. Hindi karaniwang uniporme ng pulis ang kanilang suot. Parang iba eh. Di ko mapaliwanag.

"He's dead." salubong ni Zhico sa mga pulis. Teka, pulis nga ba 'tong mga 'to?

"Kevin, bakit ganon? Pulis ba sila?" tanong ko. Natawa naman si Kevin sa tanong ko. Aba, anong nakakatawa?

"Skyler, walang pulis pulis pagdating sa skwelahan na ito. Tandaan mo, isa itong organisyon. Nakatago ang skwelahang ito sa isang organisyon kaya walang kahit sinong pwedeng makaalam sa mga nangyayari dito sa Unibersidad na ito." kaya pala. Kaya pala iba ang pakiramdam ko. "Sila ang mga head. Head ng school. Hindi ko alam bakit nandito sila. Pero isa lang ang sinisiguro ko. Paparating na ang pinaghahandaan nating digmaan."

Hindi ako nakahinga. Hindi din ako nakagalaw. Heto na. Isa sa mga senyales na paparating na nga ang war. Pero bakit? Bakit ako babalik sa Ohr? Hindi ba't may misyon ako dito?

"They left something. This one." nakabalik lang ako sa realidad nang marinig ko ang boses ni Zhico.

May hawak siyang isang papel. Kinuha ito ng isa sa mga Head saka binasa. Nagulat ako nang punitin niya ito saka inihagis. Sakto naman na napunta ito sa pwesto namin ni Kevin.

Dahan dahan ko itong pinulot saka binasa.

“Hello my dear. Do you like my gift? A suicide one. Interesting, right? Want some more? See you very soon!”
            
              - Z

Who's Z?

"Skyler?" nabitawan ko ang papel na hawak ko nang tawagin ako ni Zhico.

"Z-Zhico..."

Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon