Chapter 36

255 8 0
                                    

Skyler~

MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO


*kriiiiiingggg

09********7 Calling....

Declined.

Nakakasawa. Ilang beses pa ba siyang tatawag at manggugulo? Sino ba ang tinutukoy ko? Sino pa ba kundi ang totoong nanay ko.

Isang linggo na ang nakalipas simula ng ma discharged ako sa hospital. Since last week, Azirel kept calling me kahit diko naman sinasagot. She's even coming in our school pero nireport ko ito sa Director ng school na wag na siyang papasukin sa University.

After that incident, nagsimula na naman ang mga nangyayari sa loob ng Cypher. Katulad nalang ng mga messages. Nagpapadala ng patay na hayop at maging dugo. Hindi lang ang Cypher kundi may nagpapadala din ng mga mensahe sa Ohr. Zhico is always busy. Madalang na lang siyang umuwi sa dorm. Kung uuwi man siya ay sandali lang at palagi siyang walang tulog.

Kevin is also busy but nasisingit naman niya ang oras niya para sakin. Kevin is already feeling better kahit kakagaling niya lang sa hospital.

And about Skeet...... He didn't talk to me anymore. Iniiwasan niya ako. It's fine... I guess.

"Ugh, grabe!" napalingon ako sa kakadating na si Kevin. He looks tired.

"What happened?" tanong ko.


"Isipin mo, 12 am ng madaling araw natapos ang meeting namen?!" reklamo niya saka umupo sa sofa. Napaka busy nila dahil sa paparating na war. Maging si Zhico hindi na nakakauwi dito.


Napatingin naman sakin si Kevin at napangiti ng konti. Lumapit siya at ginulo ang buhok ko.


"Miss mo na no?" tanong niya. Kahit di niya sabihin. Alam kong si Zhico ang tinutukoy niya. Umiling ako at umirap.

"Alam ko naman na para sa school ang pinagkakabusyhan niya." totoo naman ang ibig kong sabihin.

Kahit may halong pagtatampo, minabuti ko nalang na ngumiti.

"Anong oras natapos klase mo kanina?" tanong pa niya habang nakahiga sa sofa.

"12pm or 12:30. Bakit?"

"Wala lang. Nakakapagtaka kasi, napaka aga ng labasan kanina." wika niya sabay pumikit na. Siguro pagod siya. Tumayo na ako saka umakyat sa taas.


Kwarto pa din niya ang gamit ko. Sa sofa nalang tuloy siya natutulog. Si Skeet? Sa dorm pa rin namin. Ilang beses kaming nagkakasalubong pero todo iwas naman siya sakin.


Napa buntong hininga nalang ako sabay higa sa kama. Nakakapagod.

**

"Naiirita nako sa babaeng yun!" inis na sabi ni Kevin saka ibinagsak ang kamay sa table.

Nasa cafeteria kami ngayon. Tapos na ang klase at maaga na naman ngayon.Buti nga nakasabay ko siya eh. Si Zhico? Ayun, busy pa din.

"Tignan mo! Tumitingin pa rin!" dagdag pa niya.

"Ulo mo tumitingin." pang iinis ko. Tinignan niya ako ng masama saka pinitik sa noo.

"What the- Ano ba Kevin!" sigaw ko sakanya. Hindi siya natakot at mas lalo pa siyang nainis.

"Kailan ka pa natutong sumagot ng ganyan ha?!"


"Ha? Haaaatdog!" sagot ko ulit. Sa pagkakataong ito, hindi lang pitik ang natanggap ko. Kundi....

Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon