Chapter 46

100 2 0
                                    

"You're crazy kung sa tingin mo gagawin ko yun."

Napalunok ako. Skyler, speak! Kailangan mong iparamdam sakanya ang nararamdaman mo.


"Father. Please... Nakikiusap po ako sainyo. Don't hurt them. Ibaon nalang natin sa limot lahat ng nangyari. Hindi naman nila sinasadya kung ano nangyari noon. Walang kinalaman ang mga tao ngayon. Please, don't hurt them." naiyak na ako. Nakatingin lang siya sa akin. Hindi ko siya mabasa.


Hindi ko siya makitaan ng kahit anong emosyon.



"I'm dead inside. You don't know what I'm feeling! Hindi mo alam kung paano mawalan ng mahal sa buhay!" sigaw niya. I know.


"Hindi mo alam kung paano mabuhay ng walang may pakielam sayo! You don't know how much it hurts! I want them to suffer! I want them to feel the pain."


"So you want me to feel the pain? Ganoon po ba? Kasi I'm willing to ruin your plans just for the people I love! I will fight for them. Kung ganito sana ang ginawa mo noon, hindi ka sana nagsisisi ngayon." sagot ko sakanya. Halata sakanya ang gulat at galit sa sinabi ko.


Bigla niya akong sinakal. Nagulat naman ako doon saka sumugod si Zhico ngunit bigla nalang may humarang sakanya.



"Dont! Don't hurt her. Just hurt me instead!" sigaw ni Kuya. "I'm begging you, don't hurt my sister."


"I did everything to save them. Wag na wag kang magsasalita na parang alam mo ang lahat. I don't care if you're my daughter. If you want to join the war, then join. I don't care kung ano man ang mangyari sayo!" saka niya ako binitawan.


Namula ako saka huminga ng sunod sunod. Akala ko hindi na ako makakahinga. Ang sakit ng pagkakasakal niya sa akin.


Bigla nalang may nagbukas ng pinto at nagulat ako kung sino ang pumasok.


"You bastard!" sigaw ni Mom saka pinaghahampas si Zic. Hinawakan siya ng mga lalaking nakaitim saka inilayo sa tatay namin.


"How could you?! Papatayin mo ang anak mo?!" sigaw ni Mom.


"Wala akong pakielam!" sigaw din ni Zic.



"Wala kang pinagkaiba sa kanila." wika ko. Napatingin silang lahat sa akin lalo na ang tatay ko.


"Uulitin mo ang pagkakamali nila? Papatay ka ng mga inosenteng tao para lang matahimik ang kaluluwa mo? Pagkatapos ano? Pagkatapos ng ginawa mo anong plano mo? Wala diba? Wala! Walang patutunguhan ang mga plano mo! So stop this before I'll destroy your plan!"



"Tumahimik ka , hindi mo alam ang pakiramdam ng mawalan ng pamilya!" sigaw niya.



"Ano bang tawag mo samin? Hindi ba pamilya rin? Hindi ka ba magsisisi kung mamatay kami sa digmaang iyon? Hindi ba? Kasi kung hindi nakikiusap ako sayo ngayon, patayin mo ako sa harapan mo ngayon!"


"Skyler!" sigaw ni Mom.



"Princess, what are you saying?!" sigaw din ni Kuya.



"Wala akong pakielam sayo." malamig na sabi ni Zic.



"Pwes patunayan mo. Patayin mo ako ngayon." malamig ko ding sabi sakanya. Hinahamon kita.



"Ano bang pinagsasabi mo, Skyler!" galit na galit na sigaw ni Mom.


"Fxck it, just kill me also!" sigaw din ni Kuya.


"I'm willing to die also for my children." sagot ni Mom.


Nakatulala si Zic. Tila nagulat sa pangyayari.



Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon