Chapter 39

214 8 0
                                    


Skyler~

Ito na ang huling araw ko sa Cypher. Nakaayos na ang mga gamit ko sa maleta. Sobrang bigat sa kalooban ko na lisanin ang lugar na 'to.


Ano pa bang babalikan ko sa Ohr? Kaibigan? Baka nga wala sila dun eh. Hindi ko 'to kaya. Gustong gusto ko mag stay dito.


"Nasasaktan ako habang tinitignan kita." napalingon ako sa nagsalita. Si Kevin. Naglalakad papunta sa pwesto ko.


Nasa rooftop kasi ako. Tinitignan ang buong view ng Cypher.


"Mamimiss kita, Kevin." wika ko saka siya nginitian.


Nagulat ako nang yakapin niya ako bigla. Niyakap ko din siya pabalik. Siya ang pinaka kaibigan ko sa eskwelahang ito. Panigurado ay mamimiss ko 'to.


"Bakit kasi kailangan mo pang umalis?" tanong niya. Bumitaw na kami sa yakap at nginitian siya.


"Pagkatapos ng war... babalikan ko kayo. Mag t'transfer ako diyan." sagot ko sakanya. Hindi ko siya nakitaan ng kahit anong reaksyon.


"Uy! Ayaw mo ba?" tanong ko ulit.


"Sana may mabalikan ka pa." wika niya. Parang may kumirot sa puso ko. Oo nga pala. Sasabak sila sa war.


Bakit kasi ang Cypher ang makikisabak? Bakit di nalang ang Ohr? Sorry ha. Masakit talaga ang loob ko sa Ohr Academy.



"Osya. Nakaayos na ba ang mga gamit mo? Hinihintay ka ni Zhico sa dorm." napayuko ako. Si Zhico....


Ang lalaking iiwan ko.



Nasasaktan ako para sakanya. Hindi niya ako deserve. Hindi. Hindi talaga.


"Sunod ka nalang ah?" dagdag pa niya saka na siya umalis. Naiwan ako dito na nagpapahangin.


Ang hirap naman! Ano ba kasi 'tong lahat?


Napagpasyahan ko ng bumaba at umuwi sa dorm. Ang dorm nila na ginawa ko na ding bahay ko. Ang dami kong mamimiss sa lugar na 'to.


Pagpasok ko sa dorm ay dumeretso ako agad sa kwarto ko.


Time check: 11 am


12 pm ang flight ko pabalik doon. Halos ilang oras lang naman pabalik sa Ohr eh.


Nagulat ako nang biglang may yumakap sakin sa likod.


Siya 'to.... Alam kong siya 'to.


"Don't go. Please." naririnig ko na naman siyang umiiyak. Hinarap ko siya at pinunasan ang luha niya.

"Babalik ako Zhico. Pangako." sagot ko at pinilit na ngumiti.


"No. Skyler please...." lumuhod siya bigla. Napaiyak na ako. Ayokong nakikita siyang ganito.


"Zhico please. Tama na. Wag mo ng saktan ang sarili mo. You don't deserve me. Please.... Zhico."

Unti unti siyang humikbi.


I'm really sorry, Zhico.


"Promise me one thing, Skyler." napatingin ako sakanya at tumango. "Babalik ka at hayaan mo akong maghintay sayo."


"Zhico..."


"Shhh... Hayaan mo ko, Skyler." tumayo siya at hinalikan ang noo ko. Napapikit ako at tumagal iyon ng ilang segundo.


Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon