Chapter 19

606 12 0
                                    

Skyler

Kakatapos ko lang maligo at manghang mangha ako dito sa University na 'to. Ang dorm namin, hindi lang basta dorm. Isa siyang bahay. Mukha tuloy kaming mag asawa ni Skeet na nakatira sa iisang bubong.

Skyler!!! Ano bang pinag iisip mo! Bumaba na ako at nagbaka sakaling makita si Skeet pero wala siya.

Lumibot agad siya? Miss niya siguro 'tong school na 'to. Well, dito kasi namatay ang pinakamamahal niya diba?

Kinuha ko ang susi at ni lock ang bahay. Maglilibot libot din muna ako siguro dito.

Naglalakad lang ako dito sa may parking lot ng school. Medyo walang tao kasi siguro class hours nila. Kami kasi exempted pa kami ni Skeet dahil kakadating lang. Bukas na bukas din ay mag aaral na kami.


"Hi miss."

Napatingin ako sa tumawag sakin. Isang maputing, medyo matangkad na lalaki ang nakita ko. Wew, may itsura ah.

"Snobber? Hi, ako nga pala si Kevin." pagpapakilala niya. Tinignan ko lang siya. Anong akala niya close kami?

"Uy teka lang, di mo pa ako pinapansin eh. Aalis ka agad? Too rude." wika niya. Napataas ang kilay ko sakanya at napa buntong hininga.

Ang fc naman ng lalaking 'to. Ganito ba talaga ang mga students dito?

"Skyler Choi." maikling sabi ko. Nanahimik siya at tumawa. Problema neto? Abnormal yata.


"Pft— may ka ugali ka. Yung kaibigan ko ang sungit din. Gusto mo pakilala kita?" natatawang sabi niya. Wow ireto ba naman ako?


"Not interested." wika ko at nilampasan siya.



"Osige, tutal feeling ko ma m'meet mo din siya diyan. Goodluck, Miss."


Napatigil ako sa sinabi niya. Goodluck? For what? Tss, nonsense.

Interesado akong pumunta sa Music Building. Ewan, gusto ko lang puntahan. Gusto ko lang.

Papasok na sana ako ng bigla may makabungguan ako. Shet— ang sakit ng ilong ko!

"Tsk. Fcking blind." wika niya. Nag init bigla ang pakiramdam ko. Ano daw? Teka nga! Ang kapal ng mukha niya ah?



"What did you say? You're rude! You're the one who bumped me!" sigaw ko sakanya. Tinignan niya ako. Shet, nakakatakot ang mga mata niya. Para bang kakainin niya ako.





"Shut your fcking mouth."



Aba? Talagang iniinis ako nito ha? Nakakapikon. Sobrang nakakapikon.


"Excuse me Mister, don't you have manners?" wika ko sakanya.




"Manners? Manners your face, idiot." at iniwan ako. Tangina? Ganito ba talaga ang mga lalaki dito? Una, may Fc pangalawa may masungit. Teka— ito ba yung sinasabi ni... Sino kase yon? Kelvin? Ah Kevin. Tsk, I don't care.


Nagsimula na akong maglakad pero nakasalubong ko si Kevin kasama nga yung masungit. Tama ako, siya nga ang tinutukoy niya.


"Uy Skyler! Eto nga pala yung tinutukoy ko sayo." wika ni Kevin sabay turo kay— tsk ewan koba sino yan nakasandal pa sa kotse.


"So?" wika ko at nagsimulang maglakad.



"Anong so? Magkakasundo kayo nito! Kilala mo ba 'to? Isa na 'tong privilege kasi nakilala mo ang pinaka famous sa school na 'to." pagpapaliwanag ni Kevin. Pinaka famous? Tsk, nonsense.


"I don't care." wika ko at nagsimulang lumakad palayo.


"Edi bahala ka. Nga pala Zi— Uy! Nasaan na yon?" tanong ni Kevin at tila hinahanap yata yung masungit na unggoy.

Pake ko don?

"Zhico!!! Hintayin moko!"










Zhico? Pft— what a fcking name?

**

ZHICO SANCHEZ

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

ZHICO SANCHEZ

ZHICO SANCHEZ

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

KEVIN ALONZO

Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon