*knock knock!
"Princess?"
Aish, ang kulit. Pang ilang katok na ba ni Zhico 'to? Nakakainis kasi eh. Napikon siya sa lokohan namin kanina tapos ngayon sinusuyo niya ako. Pinagluto ko siya ng favorite food niya kanina para magbati kami pero hindi niya kinain.
Bahala ka diyan kumatok.
"Sisipain ko 'to, isa!"
"Go!" sigaw ko. Bahala ka diyan! Bigla nalang nanahimik. Sa takot ko ay binuksan ko na ang pinto. Naabutan ko siyang nakatayo at kakatok pa sana.
"Ano?" irita kong tanong. "Bilisan mo Zhico."
"Wow, pag galit Zhico lang ang tawag." saka siya natawa. Oo, galit talaga ako. Minsan lang naman kasi kami mag bonding pero ganyan pa siya.
"Princess, I'm sorry. Nawala lang talaga ako sa mood." explain niya. Inirapan ko siya saka umupo sa kama ko.
"Nakakainis ka kasi kuya eh." reklamo ko. "Tapos hindi mo pa kinain yung niluto ko."
Pinaghirapan kong lutuin yun no. Kahit na labag sa kalooban ko. Joke! Para sakanya talaga yun.
"Kinain ko kaya. Check my plate later. You'll see." saka siya lumapit at inakbayan ako.
"Tampo kana niyan? I'm sorry, okay? Nakakainis pa rin kasi. Why do you need to talk to Mr. Alcantara? We can just run away and go to US. We don't need to face him." ramdam ko sa boses niya ang pag aalala at pagpipilit. I sighed. Gustong gusto ko rin lumipad papuntang US kasama ang mga mahal ko pero paano ang mga iiwan ko?
Paano ang mga mahal ko na iiwan ko?
"Kapag tumakas ako kuya, ang mga mahal ko sa buhay ang gagantihan nila. I don't want that. Hindi ako duwag. I will face them no matter what happen."
Bigla akong niyakap ni kuya sa sinabi ko. Naiiyak ako. Ayoko din ng ganito. Ayokong makitang nasasaktan ang mga kaibigan ko pero paano naman ang mga mahal ko?
"I'm just scared, princess. Paano kung mawala ka ulit sakin? Sa amin? Hindi ko kakayanin. Buong buhay ko hinanap kita. And I don't want to lose you again." ginulo ko ang buhok niya.
"Trust me. You won't lose me." ngumiti siya saka ginulo na rin ang buhok ko. Ang saya pala magkaroon ng kuya.
"Aww, naglalambingan ang magkamukha." napatingin kami sa pintuan. Sina Papa and Mom nakatingin sa amin.
"Want to sleep in our room?" suggest ni Papa. Kuminang ang mata ko.
"Of course!" sigaw ko. Natawa silang tatlo sa inasta ko. Para akong bata sa ginawa ko. Batang excited na tumabi sa Papa and Mom niya.
"Let's go."
This is going to be fun!
Pagkarating sa kwarto ay nagharutan at nagkulitan pa kami. Si Papa kasi gusto katabi ako pero umangal si kuya kasi gusto niya katabi niya ako. Sa huli, kaming dalawa ni Mom ang nagtabi. Si Papa, Zhico, Ako at Mom ang magkakatabi sa iisang malaking kama. Ang saya lang ng ganito.
Tumayo ako para mag cr pero ang totoo niyan ay tatawagan ko si Skeet. Miss na miss ko na siya. Kanina ko pa siya hindi nakakausap.
"Hon!"
[Still awake, hon? You having fun there?]
"Yup. Sana nandito ka. I want you to feel what I'm feeling right now."
BINABASA MO ANG
Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;
AksiOhr Academy Is a school where adventures begin!