Skyler~
"Nandito lang ako."
Hinigpitan ko lalo ang pagyakap niya sa akin. Hindi ko na alam saan ako lulugar. Sobrang sakit na.
"Iuuwi na muna kita." napatingin ako kay Zhico na ngayon ay itinatayo ako pero pinigilan ko siya. "Tara na."
"Zhico please, hayaan mo akong kausapin sila!" sigaw ko. Gusto kong kausapin sina Rose kung totoo ba ang sinabi sakin ng magaling kong kapatid.
"Sasamahan kita."
"Ayoko. Kaya ko silang harapin mag isa kung saktan man nila ako!"
"Pero ako hindi ko kayang makita kang nasasaktan! Please Skyler, pabayaan mo ko." wika ni Zhico saka niya ako niyakap ulit.
Ano bang nagawa ko sa taong 'to at pinapahalagahan niya ako. Sana Zhico... sana ikaw nalang ang mahal ko.
"Tara na. Gagabayan kita."
Tumango ako saka pinunasan ang luha ko. Kailangan ko silang harapin.
*ting
Napatingin ako sa phone ko at nakita na nag message sakin ang magaling kong kapatid.
Hi sister! Gusto mo bang malaman kung saan nagtatago ang mga magagaling mong kaibigan? Sa hospital kung saan nagpapagaling si Skeet. Oh yan ha, sinabi ko na kaya pasalamatan mo naman ako.
Napahigpit ang hawak ko sa phone ko saka sinabi kay Zhico na nasa hospital sila. Agad agad naman kaming nagtungo ni Zhico doon.
Ano kayang gagawin ko? Mumurahin ko ba sila? Parang hindi ko kaya. Kaibigan ko sila kahit papano.
Napansin kong hinawakan ni Zhico ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya.
"Zhico, natatakot ako." wika ko. Nginitian niya ako kaya napangiti ako kahit papano.
"Basta pakiramdaman mo lang kung anong nasa puso mo. Kung anong nararamdaman mo. Naniniwala naman ako na hindi mo sila masasaktan eh. Kaibigan mo parin naman sila. Tsaka nandito ako lagi para sayo."
Tumango ako saka sumandal ulit sa balikat niya. Sobrang bait ni Zhico. Hindi ko na siguro alam ang gagawin ko kung wala siya. Sana talaga, siya nalang ang mahal ko at hindi si Skeet.
Nakarating din kami kaagad sa hospital kung saan nagpapagaling si Skeet. Papasok pa lang kami rinig ko na ang mga boses nila.
"Pumunta lang naman kami dito upang magpaalam." huh? sa boses na 'yon halatang si Rose iyon.
Pero bakit sila nagpapaalam?
"Iniwasan na namin si Skyler, bro. Siguro naman pwede na kaming umalis." this time si Yeol naman ang nagsalita
"Kahit ayokong tapusin 'tong samahan natin pero kailangan." dagdag naman ni Mina.
"Sira na boss." sagot ni Haeron.
"Sa oras na 'to, alam kong nalaman na ni Skyler ang lahat." iyak naman ni Caine. Oo alam ko na ang lahat. Lahat ng ginawa niyo. Lahat. Lahat ng sakit.
"And we're leaving you, Skeet. Nagawa na namin lahat kaya sana naman isipin mo na kami. Tapusin na natin 'to." huling sambit ni Seb.
Napahawak ako sa dibdib ko. Tinatapos na nila ang grupo nila? Bakit? Dahil ba sakin? Ha, so ako pa pala ang sumira.
"If you want to leave, then leave. I don't need you." mas nanigas ako sa narinig ko. Napaka walang kwenta.
"That's it, Skeet. Bahala ka na sa buhay mo. Laklakin mo sana iyang pride mo para malaman ni Skyler na hindi kami ang may kasalanan ng lahat ng 'to." wika naman ni Rose.
"Napaka tanga namin na iniligtas ka namin. Goodbye, Skeet." napaiyak nalang ako.
Hindi ko na napigilan kaya pumasok na ako. Gusto ko silang harapin. Kung tatapusin nila ito, dapat kasama ako.
"Jerks!" sagot ko saka umiyak. Nagulat naman sila sa biglaang dating ko.
"Skyler?"
"Narinig mo ba ang lahat?" tanong naman ni Yeol. Ngumisi ako.
"Alin ba dun? Yung ginamit niyo ako upang gawing sandata para sa war o ang pagsira ko sa grupong 'to?" tanong ko na ikinayuko nila.
Nakuha pa talaga nilang yumuko sa harapan ko. Gusto ko silang saktan pero hindi ko magawa.
"Patawarin mo kami, Skyler."
"Bessy... Sorry."
Napalingon ako kay Rose. Sorry? Mababawi ba ng sorry ang lahat ng nangyare sa buhay ko?!
"Pinagkatiwalaan kita... Pinagkatiwalaan ko kayo!"
Nakakag*go talaga ang tiwala na yan. Isa naman akong uto uto na naniwala sakanila.
"Tinuring ko kayong mga tunay na kaibigan pero sinira niyo lahat!"
"Tumigil ka na Skyler. Wala kang alam sa nangyayari." sagot ni Seb. Wala akong alam sa nangyayari?
"Paano ko malalaman kung itinatago niyo sakin?! Ni minsan ba itinuring niyo akong kaibigan? Hindi, diba?" pinunasan ko ang luhang dumaloy sa mukha ko.
"Minahal ka namin higit pa sa kaibigan, Skyler. Kapatid ang turing namin sayo. Sana intindihin mo nalang kami."
Putchang pag iintindi yan! Hinarap ko sila at ngumiti ng mapait.
"Kung ganon... bakit hindi niyo sabihin sakin ang lahat?" tanong ko. Lumihis na naman ang tingin nila. Ayos talaga. "Gaano ba kahirap sagutin ang tanong ko ha? Bakit ba hindi niyo masagot?!"
"DAHIL HINDI MO NA KAILANGAN MALAMAN PA!" sigaw ni Rose na nakapagpahinto sakin. Hindi ko kailangan malaman?
"Umalis kana Skyler. Get out." napatingin ako sa nagsalita. Aba, nagsalita pala ang isang 'to.
"Bakit Skeet? Ikaw ba ang dahilan kaya ayaw nilang sabihin sakin ang totoo?"
"Ano pa bang katotohanan ang gusto mo Skyler? I already told you everything!" nilapitan ko siya sa sinabi niya. Hindi ako naniniwalang sinabi na niya sakin ang lahat.
"Gulong gulo na ako Skeet! Hindi ko na alam saan ako lulugar! Hindi mo alam ang nararamdaman ko! Hindi niyo alam ang lahat!"
"Tatanungin kita sa huling pagkakataon... Nagmamakaawa ako, gusto kong malaman ang katotohanan. Ang katotohanan kung bakit nagkita ulit kami ng kapatid ko, kung bakit nagtago ang totoong nanay ko, at kung bakit ginamit niyo ako?!"
"Wala samin ang katotohanan na hinahanap mo. Kung matalino ka dapat alam mo na ang sagot diyan sa mga tanong mo."
Napatahimik naman ako sa sinabi niya. Mahina ako... Napaka hina ko. Ako ba talaga ang mali?
"Wag kang umasta na may tutulong sayo. Alam mo bakit ka nasasaktan at nahihirapan ng ganyan? Dahil masyadong matigas ang puso mo! Masyado kang umaasa sa iba upang sila ang gumalaw para sayo. Walang pinagbago. You're still the stupid girl, i knew."
Hindi ko alam pero sa puntong iyon ay kusa nang gumalaw ang kamay ko para sampalin siya. Tagos sa puso ang sinabi niya.
"Nagsisisi ako. Nagsisisi ako dahil minahal kita! Nagsisisi ako na nakilala kita! Kung ako stupid, paano ka pa? Isa kang walang kwenta, iresponsable, at makasariling tao."
"Simula ngayon, ito na ang huling pagkikita nating lahat. At simula ngayon, kakalimutan ko na kayo. Kakalimutan ko ang lahat ng 'to na para bang isang masamang panaginip lang."
Hinarap ko sila isa isa at tinignan. Magsisinungaling ako kung hindi ko sasabihin na mamimiss ko ang mga 'to. Pumatak na naman ang luha ko.
"Tapos na ang grupong 'to. I resign."
BINABASA MO ANG
Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;
ActionOhr Academy Is a school where adventures begin!