Chapter 49

85 2 0
                                    

11:00 pm

Isang desisyong binuo ko. Ngunit hindi lang ako ang kikilos. Alam kong tama ang naging desisyon ko. Hindi ko kayang ibigay nalang ng basta basta si Mom sa kanya.


Pero hindi ko rin naman papabayaan ang mga kaibigan ko.

I'll do anything for them.

I'll fight for them.

Kahit kapalit pa ang buhay ko.


"Ready, hon?" napatingin ako kay Skeet. Nangingilid ang luha ko.


Paano kung mawala ako mamaya? Paano siya?


"Y-Yes." sagot ko.

Napagdesisyunan naming makipagkita sa Ohr. Kasama ang pamilya ko at sina Skeet, ililigtas namin sina Rose.

Walang kapalit ang gagawin ko. Hinding hindi ko ibibigay si Mom sakanya. Kailangan ko lang paikutin ang ulo ni Mr. Alcantara para mapaniwala namin siya.


Kaya ba namin, iyon? Kaya ko bang gawin lahat ng 'to? Alam kong susugal ako sa laban na ito. Pero walang mangyayari kung hindi ako kikilos.


"Let's go downstairs. They are waiting for us." tatayo na sana siya pero hinila ko siya pabalik. Niyakap ko siya bigla.


Hindi ko kayang mahiwalay sa lalaking 'to kung sakaling may mangyari man sa akin mamaya. Hindi ko kaya.


"I'm scared." saka ko binaon ang mukha ko para hindi niya makita na umiiyak ako. Takot na takot ako.


"Don't be. Nandito kami. Sama sama tayong lalaban." saka niya ako hinarap sa kanya.


"Natatakot ako. Natatakot ako na baka maiwan kita. Na baka mawala ako. Paano ka? Paano ako?"


He kissed me. Pumikit ako. God, please. Let me be with this man until my last breathe. Until forever.


"You'll be safe. Lalaban tayong lahat, diba? This is just a phase. Pagkatapos ng lahat ng 'to babalik na sa normal ang lahat. And I promise you. After this..." pinutol niya ang sasabihin niya saka siya may kinuha sa bulsa niya.



"After this war, you're going to be my wife." tumulo ang luha ko sa pinakita niya.

Isang singsing.


Niyakap ko siya agad. Tapusin niyo na 'to! Gusto ko ng ikasal kasama ng lalaking 'to.


"This is my promise to you, hon. Will you be my wife? Will you spend the rest of your life with me?" tumango ako. Tumango ako ng ilang beses.


"Yes. Yes. I will marry you. I will end this war and marry you after." saka siya hinalikan ulit. Isinuot niya ang singsing sa kamay ko.

It's beautiful.


I'm ready. Sa pangako ni Skeet, lalaban ako. Lalaban ako para sa kinabukasan naming dalawa.

**

This place, kung saan ko sila nakilala.lahat. Kung saan nagsimulang magulo ang buhay ko.

I don't like this place before. Para akong nakakulong. Parang may nakatago.

Hanggang sa nakilala ko sila. Ang buong pagkatao ko, nagbago. Sila ang itinuring kong pamilya. At ito ang itinuring kong tahanan.


And now, I'm finally back here.

Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon