Chapter 42

159 3 1
                                    

"Pero akala ko ba kilala mo si kuya?" tanong ko kay Mom na kasalukuyang nasa dorm namin ni Skeet.


Umiling siya. Saka na naman siya naluha.

"Lumipad kami papuntang America kasama ang Papa mo. Pero.... nasilayan ko lang ang kuya mo ng hanggang 10 years old siya. Pagkatapos non.... Pina ampon siya ng Papa mo sa ibang pamilya."

What? Ginawa niya yun? Ginawa niya yun sa sarili niyang anak? I want to see him. I want to see the person who made this mess.


I want.... to kill him.



"I want to know his name. Just his name please."


Just your name kuya. And after that, ako mismo ang maghahanap sayo. Even if it takes years to find you. And  even if that GUY our so called father will tear us apart, I will fight.


"He's..... Ian." wika niya at inilihis ang tingin niya. Ian? Huminga ako ng malalim saka tumayo. Sumasakit ang ulo ko. 


"You should rest. I'll just see you tomorrow, ha?" wika ni Mom saka na ako niyakap at lumabas.  Pagkalabas ni Mom ay naiwan kaming dalawa ni Skeet.


I pouted and went to him. I hugged him. "Aww, my baby is tired." sambit niya saka niyakap ako pabalik.

"Baby?" I asked.

"Yes. Why?"

"I'm not a baby. I mean--- I'm not your baby!" wika ko saka nag cross arms. I'm not his baby, cause... "Cause I'm your wife." dagdag ko pa saka siya kinindatan.

"Aigoo. Magkakaroon din tayo ng baby, gusto mo ba? Do you want to go to bed, WIFEY?" at talagang in emphasize pa niya yung word na wifey ha. I smiled to him and cupped his cheeks.

"Yes, Hubby. Let's go to bed." Nanlaki ang mata niya saka ngumiti ng nakakasar. Uh? Baliw na ata 'to eh? May sinabi ba akong mali?

"What?" tanong ko.


"Sure ka? You sure that you want us to go to bed?" tanong niya. Kumunot ang noo ko saka dahan dahang tumango. 


He smiled again saka pa umiling iling. Luh, parang tanga 'to. 


"Sigurado kaba talaga? Bata pa naman tayo eh. Pero sige kung yan ang gust---" tinakpan ko ang bibig niya kaya napatigil siya.


"Teka teka... Anong pinagsasabi mo?"


"Diba nag aaya kana sa kama? Gagawa na tayo ng baby diba?" Nanlaki ang mata ko saka automatic na sinapak siya. Parang tanga! Baby daw? 


"Siraulo!" sigaw ko saka naglakad. 


"Hey, saan ka pupunta?" tanong niya. 


"Sa labas. At ikaw, gawa ka ng baby mag isa mo!" sigaw ko saka na binuksan ang pintuan sa labas nang biglang biuhat niya ako na ikinagulat ko.

"Ugh!! Ibaba mo nga ako! Manyak! Siraulo!"

"No, we'll go to bed wether you like it or not." Omg, ayoko pang magkaroon ng pamilya! Bata pa ako at marami pa akong pangarap sa buhay!

**

Nagising ako sa sikat ng araw. Ang sakit ng ulo ko. Napatingin ako sa suot ko. Aish, ano bang iniisip ko? Nahahawa na ako kay Skeet sa pagiging pervert niya.

Speaking of Skeet, wala siya sa tabi ko paggising ko. Dumeretso ako sa banyo para maghilamos at mag ayos. Pagbaba ko ay tahimik... Hmm, nasaan kaya siya? Then I saw the note on the table.

Nilapitan ko yon at binasa.

Hon, if you're reading this then you're awake. Eat breakfast before you go out. I cooked your favorite. The head called me this morning so you won't be able to see my handsome face. Kidding aside. Good morning hon.


Napangiti ako. This man, who told you to call me hon? Kagaya ng sinabi niya ay kinain ko ang niluto niya. Sa pagkakaalam ko ay cancelled ang classes sa ngayon sa Cypher dahil nga sa war. Sana hindi nalang matuloy ang war na 'to. Ang daming nadadamay na tao.

Napagdesisyunan kong lumabas muna sa dorm. Naglalakad lakad hanggang sa makasalubungan ko si Kevin. Nakasimangot.


"Oh? Napaka agang simangot naman niyan." pagbibiro ko. Mas lalo siyang sumimangot.


"Pano ba kasi, nakakairita yung ex ni Zhico." reklamo niya. Oh? Si Zia.


"Bakit naman?"

"Anong bakit? Ginawa ba naman akong taga luto. Ito namang si Zhico pinayagan tumira dito. Hindi ko nga alam paano nakapasok dito yan eh."

Nilapitan ko siya saka tinapik. Ang kulit talaga. "Tiisin mo nalang."


"Sus. Porket nagbalikan na kayo ni Skeet kakalimutan mo na ako." sinapak ko siya dahil sa sinabi niya. Ako? Kakalimutan ang lalaking 'to?

"Kung kinalimutan kita edi sana hindi na kita kinakausap ngayon!"

"Sus, ganon na din yun." Napaka matampuhin talaga ng lalaking 'to.

"Skyler." napalingon ako sa nagsalita. Si Zhico. Nag smile ako sakanya.

"Pwede ba tayong mag usap?"

"Sure." tinignan ko itong si Kevin. Sumimangot na naman ang mukha saka padabog na umalis sa lugar.

Naupo ako sa ilalim ng puno. At talaga nga namang eto yung Favorite Place namin ni Zhico.

"Zhico... Sorry." panimula ko. "Sorry. Pero mahal ko talaga siya."

I know masakit ang mga salitang bibitawan ko. Pero anong magagawa ko? I love Skeet. Oo, aminado ako hindi mahirap mahalin si Zhico pero...my heart only wants Skeet.

"Alam mo hindi ka mahirap mahalin. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko magawa. Kasi siguro si Skeet talaga. Never nawala yun. I'm sorry for hurting you."

He smiled at me. Mapait na ngiti.

"I know." those eyes. "Pero sinubukan ko lang naman eh. I tried. Who knows one day you'll tell me that you love me? Nag take ako ng risks. Tanggap ko na natalo ako. Tanggap ko na siya parin." He smiled.

Naluha ako. Bakit ba sakin nagkagusto 'to? Sobrang bait... Wala na akong mahihiling pa na kaibigan.

"Don't cry, silly. Baka isipin ni Skeet pinapaiyak kita." sinuntok ko siyang pabiro. "Aww, sigurado ka bang babae ka?!"

Natawa ako. "Sa tingin mo?!" Natawa na din siya sa wakas.

It felt good. Kahit papano okay na kami. Ang war nalang talaga ang panira.

Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon