Skyler
Nasa labas na ako ng dorm namin dahil hinatid nga ako ni Zhico. Medyo okay naman ang braso ko. Mahapdi lang.
Pagbukas ko ng pinto sinalubong ako ng yakap ni Skeet. Shet, my heart.
"Are you okay?" nag aalalang tanong niya. Hindi ko siya sinagot bagkus seryoso lang ang tingin ko sakanya.
Bored ba siya? Kaya ba pinag t'tripan niya ako? Wow, pampalipas oras lang ako. Itinulak ko siya palayo kaya akmang aakyat na ako pero pinigilan niya ako.
"I... missed you." sambit niya. Miss me? Ewan ko Skeet, pagod nako.
"I'm sorry." dagdag pa niya.
"Let me go." matigas na sabi ko. Kailangan ko din naman magpahinga. Hindi ako robot. Lalong hindi robot ang puso ko, Skeet.
"Are you happy without me?" tanong niya. Ayan na naman siya.
"Tama na Skeet. I'm tired. I'm already tired of this sht! Kaya please... Enough." wika ko at umakyat na sa kwarto ko.
Humiga ako agad sa kama ko. Ang sakit sakit. Umiiyak na naman ako. Bakit ba palagi nalang akong umiiyak?
Last na 'to, last na.
I dialed Kevin's number dahil nakasave naman dito. Ewan ko, but I need someone to talk to.
[Hello?]
"Is this Kevin?"
[It's Zhico, who's this?]
"It's me... Skyler. Can we meet? Please.."
Nag end call na agad si Zhico. Buti hawak niya yung phone ni Kevin. Kailangan ko talaga ng kausap.
Nasa favorite place ako at hihintayin sana si Zhico pero nauna na pala siya dito. Hinintay niya ba ako?
"Hinintay mo ba ako?" tanong ko agad sakanya. Tinignan niya ako saglit atsaka humiga.
"No, kanina pa ako dito nung tumawag ka."
Oh? Kaya pala. Pero teka, nasaan si Kevin? Buti hawak niya yung phone ni Kevin?
"Buti hawak mo yung phone ni Kevin." napatingin siya sakin at kumunot ang noo. Huh?
"What Kevin's phone? It's my phone, it's my number."
Whaaaat? Eh bakit sinave ni Kevin yon? Aish, yung lalaking yon talaga!
Umupo ako at tinabihan si Zhico. Shet, ang lakas ng hangin.
"Iniiwasan ko siya." panimula ko kahit hindi ko tinitignan si Zhico.
"Tss, proud ka pa."
"Kase yun yung tama. Kung kakausapin ko man siya or kung maghihingi ako ng closure, gusto ko sa tamang oras.. sa tamang panahon." tama naman diba? Hindi naman kasi minamadali ang love. Kusa yan dumarating.
"It's good that you already learned. Pero wag mo naman siyang talikuran bilang kaibigan."
Yes, gagawin ko yon.
"Nga pala, bat nandito kapa?" tanong ko.
"Wala lang? Nagpapahangin lang."
Nagpapahangin? Buti pa siya nakakapag isip isip. Samantalang ako, gulong gulo.
Tumayo siya bigla na ikinataka ko. Bakit siya tumayo? Ahh, baka aalis na.
"Skyler... May ipagtatapat ako." napatingin ako sa sinabi niya. Ano daw? Ipagtatapat? Sa akin?
"Huh? Anong ibig mong sabih-" bago ko pa man matapos ang sasabihin ko hinila na ako ni Zhico papatayo at inilapit ang ulo niya sa ulo ko.
Omg, hahalikan ba niya ako? Hindi pwede!!
"A-Anong ginagawa mo?!" sigaw ko. Ngumisi lang siya sakin at tinitigan ako.
"Mahal kita, Skyler."
What's wrong with this guy? Naka singhot ba 'to. Teka teka, parang may mali eh. Ano bang problema niya talaga.
"Now tell me, mahal mo din ba ak-" nagulat nalang ako ng hindi na natapos ni Zhico ang sasabihin niya dahil may sumuntok sakanya.
"S-Skeet?"
Anong ginagawa niya dito? Tsaka teka, bakit niya sinuntok si Zhico.
"What's wrong with you?!" sigaw ko sakanya. Naniniliksik ang mata niya. Nagagalit ba siya o naiinis. Pero bakit?
"So you're having fun here while I'm crying there?! You should've told me earlier Skyler! I thought you're different. But I'm wrong. Pare pareho lang kayo."
Anong sinasabi niya? Anong pinaparating niya. Ako ba sinasabihan niya ng malandi? Tsaka bakit siya yung nasasaktan. Hindi ba dapat ako? Ako dapat.
"Ano bang pinagsasabi-"
"I love you! I love you so much Skyler! And it really hurts to see that you're with someone... And I really hate myself for being me!! I hate it!" unti unting nag sink in sakin ang mga sinabi niya.
Sana noong una pa niya sinabi 'to. Sa panahong gustong gusto kong marinig ang mga salitang 'to. Bakit ngayon? Bakig ngayon lang?
"I'm so sorry." ang tanging nasabi ko. Tumulo na ang mga luhang pinipigilan ko kanina pa.
"Sorry? Sorry is all you can say? Fxk Skyler! You hurt me so much! Your sorry cannot fix everything! And I'm done."
Ano daw? I'm done? Bakit siya pa ang may ganang magsalita ng ganito?
"What are you even talking about Skeet? Why are you acting like you're the only one who's suffering?! Can't you see? Simula sa una mahal kita Skeet, pero anong ginawa mo? Pinaramdam mo sakin na pinaasa mo lang ako! Naghabol ako pero wala eh, hindi mo talaga ako gusto. And I don't understand you why are you being like this right now?! Why?! Explain it to me why?!"
"BECAUSE I LOVE YOU!" napatulala nalang ako nang marinig kong sumigaw si Skeet kasabay ng pagtulo ng luha niya. "And I'm so stupid to let you walk away from me.."
Napayuko nalang ako sa mga sinabi niya. Sobrang sakit na ng mga sinabi niya. Sobra na akong nasasaktan.
"You know what Skyler? Simula palang alam ko nang hindi mo ko kayang mahalin. Simula nang makilala mo si Zhico, I already knew that Zhico is more than me. He's on top of me. And I can't even defeat him. Siguro kasi mas mayaman si Zhico? Cause he's more handsome? Tss, your sister is right... you're such a gold digger!"
Napaupo ako sa binitawan niyang salita. Kung noon masakit ang mga sinabi ni Kiesha sakin, ngayon mas dumoble pa. Nanghina na ang tuhod ko. Tanging pagkirot sa puso ko ang nararamdaman ko. Ang sakit sakit.
Nakita kong tumakbo si Zhico papunta kay Skeet at sinuntok ito. Napatakbo naman ako papunta doon.
"I already warned you. I already gave you a chance. I already gave her to you and you just threw her?!" sigaw ni Zhico. Tumayo si Skeet at pinunasan ang dugong umagos sa bibig niya.
"You stole her heart. You didn't gave her to me. You stole her. And I hate you for that!" sigaw ni Skeet pabalik.
"What a slow, tss. From now on, you can never go near Skyler anymore." babala ni Zhico. Hinihintay ko ang sagot niya. Na ipaglalaban niya ako. Umaasa ako.
"Fine, she's all yours. Isaksak mo sa baga mo!" and with that he finally left me. Napaupo nalang ako at napaiyak.
I hate him! I hate him so much!! Naramdaman ko ang yakap ni Zhico. He's a jerk. Dapat nung una palang sinundan ko na si Zhico. I should've let him go.
BINABASA MO ANG
Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;
ActionOhr Academy Is a school where adventures begin!