Chapter 43

103 3 0
                                    


Zhico~

Ang saya niya. Ang ganda niya talaga pag nakangiti. Ayos na rin ang sinabi sakin ni Skyler. Lalo na't nakikita kong masaya silang dalawa sa isa't isa. Sino ba ako para hadlangan ang pagmamahalan nilang dalawa?

I'm not that bad.



"Zhico." napatingala ako sa tumawag sakin. It's Zia. My ex girlfriend but we're cool now. Ayos kaming dalawa.


"I think I should go." wika ni Skyler. Tinignan niya ako para magpaalam. I smiled to her saka na nagpaalam.


"What is it, Zia?" I asked her. Yung tingin niya iba. Parang may gustong sabihin pero parang may pumipigil sa kanya.


"H-He's here."

He's here? Who's he?


"Your father." kumunot ang noo ko sa sinabi niya saka nangisi. Ano naman kung nandito si Dad?


"Why are you stuttering? Si Dad lang naman pala ang pumunta eh." sabi ko saka tumayo mula sa pagkakaupo.


"Galing ba siya sa hospital?" I asked. Well, parehong doctor ang dad and mom ko. Kaya gusto nila maging doctor din ako someday.


Sila yung kumupkop sakin. Yup, they are not my biological parents. However, I know my biological father. And I hate him.


"No. It's not your Dad." napatahimik ako. Don't tell me... "It's.... him. Your father." saka niya inilihis ang tingin niya.

Zia is my friend. At alam ko, pinadala siya ni Dad dito para bantayan ako. Because he knows that I'll interfere in this pathetic war.


"Son."



Halos mawalan na ako ng dugo sa narinig ko. Nandito siya. Anong ginagawa niya dito sa Cypher? Wala pa rim pinagbago ang itsura niya. Nakakatakot pa rin.

Buti hindi niya suot ang pinakamamahal niyang maskara? Tss.


"We need to talk." saka siya pumasok sa dorm namin. Tinignan ko si Zia saka pinagsabihan na wala muna siyang papapasukin sa dorm.


Ano bang ginagawa niya dito ng ganitong oras? He flew from Ohr to Cypher? What the heck?


Sigurado akong seryoso ang pag uusapan naming dalawa.



"Son. Did you found them already?"


Ayan na naman siya sa tanong niya. Of course not!

"No. Dahil tinatago mo sila sa akin!" sigaw ko sakanya. Matagal ko ng hinahanap ang kapatid at ang tunay na Mama ko. Pero kahit anong gawin kong paghahanap ay malabo.

Siguro nga tama si Azirel. They're dead. Years ago...

To be honest, matagal ko ng kilala si Azirel. Secretary siya ng biological father ko noon. Well, nagt'trabaho sa isang organisasyon ang father ko dahil gusto niyang gumanti sa pagkawala ng mga magulang niya. Gusto niyang magsimula ng gulo ulit. Siya ang pasimuno sa war na ito.

And I won't let that happen. Lalo na ngayong sinabi niya sakin na nasa paligid lang ang kapatid ko. I can't hurt my sister. Hindi ko siya nakita dahil baby pa lamang kami ay hiniwalay na ako ng father ko sa mama ko.

At recently ko lang din nalaman na anak ni Azirel si Skyler. I talked to Skeet. At matagal na rin alam ni Skeet na si Azirel ang mama ni Skyler. Hindi niya sinabi dahil ayaw niyang masaktan ang babaeng mahal niya.

And something is mysterious about Skeet. May alam siya about sa akin at ayaw niya iyong sabihin sa akin.


Humalakhak bigla ang tatay ko. Nakakainis.


"Stupid, jerk!" sabay halakhak na naman.


"Goodness, Zhico. Anak ba talaga kita? Ganyan ka ba kabobo para hindi makilala ang kapatid at nanay mo?" naiyukom ko ang palad ko. Oo ganito ako kabobo dahil tinatago mo sila sa akin.

Dammit! Ang useless ko!


"Bakit hindi mo pa sabihin sa akin? I'm dying to know them. Please.. Please father, I'll do anything sabihin mo lang sa akin kung sino sila."

I'm willing to do anything just to know who is my sister and my mother. I'm willing to give up anything just for them!


"You'll do anything?" tanong niya. Nag isip siya bigla. Alam kong may binabalak nanaman siya.


"Y-Yes." sagot ko.


"Okay then." saka siya tumayo. Napatingin ako sakanya. Please...

"Your sister..." napatingin ako. "Tutol siya sa paparating na gulo. And I know her, she'll sacrifice herself just to save that pathetic boy!" kumabog ng mabilis ang puso ko.


Bakit parang pamilyar?



"I need you, son. Gawin mo ang lahat para pigilan ang kapatid mo na sirain ang plano ko." napalunok ako. Ayokong malaman. Parang ayoko nalang malaman kung sino iyon.



"Who... is she?"




Nginisian niya ako bigla.





"I need you to keep Skyler away so that she can not ruin my plans."

Sht. Fuck everything! Tumulo ang luha mula sa mata ko. Why..... Why does it have to be her? No... He's just lying!

"And also your mother. I talked to Azirel already pero masyadong matigas ang ulo ng babaeng yon dahil sa Skyler na yan!"

Patuloy pa rin sa pag agos ang luha ko. How? Why? Why her?! And her... Azirel? She's my mother? And Skyler... Why?

Bakit ang mahal ko pa? 



————————————————

Thankyou sa mga patuloy na nagbabasa kahit ang bagal ko mag update. Sobrang busy lang talaga sa school and family problem :>

&&

Epilogue is neaaaar!!!

Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon