Chapter 31

480 13 1
                                    

Natigilan silang lahat sa sinabi ni Kevin. Napayuko nalang ako at di na umimik.

"Ano bang pinagsasabi mo?!" inis na sabi ni Yeol kay Kevin.

"May Skeet si Skyler, duh!" dagdag pa ni Rose.

Lumapit naman si Kevin sa kanila at ngumisi.

"Yung boss niyo ba na pinaiyak at binalewala ang kaibigan ko?" wika niya at bigla akong hinila.

"Mas mabuti kung ikwento mo sakanila kung gaano kasakit ang ginawa sayo ng BOSS nila!" wika ni Kevin at nag walk out.

Nakatayo lang ako dito at di pa umiimik. Ano bang sasabihin ko? Na tama ang sinabi ni Kevin?

"Skyler, sabihin mong hindi naman totoo ang mga sinabi nung lalaking 'yon." wika ni Haeron.

Tinignan ko sila at dahan dahang umiling.

"Tama siya." wika ko.

"ANO?!" sigaw nilang lahat.

"Mas mabuti siguro kung ik'kwento mo samin 'to." saad naman ni Mina. Umupo ako kaya umupo na din sila.

"I fell inlove with Skeet." panimula ko na nakapag panlaki ulit ng mga mata nila. "At first, okay naman kahit masungit siya kasi sanay naman na ako sa attitude niya. But, things changed. Ramdam kong mahal niya ako pero hindi niya nagawang umamin sakin. Hinayaan ko siya pero hinabol ko din siya sa huli pero pinagtulakan niya ako. Si Zhico at Kevin lang ang naging kasama ko sa mga buwan na 'to. Hindi ko din sila masisisi kung may galit sila kay Skeet dahil kahit ako, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko."

"Nang malaman ko ang katotohanan tungkol sa aking ina ay gumuho ang mundo ko. Believe me or not si Zhico and Kevin lang ang kinakausap ko this past few days. Ayoko munang makilala ang nanay ko. Masakit para sakin ang ginawa niya. Ginawa niyang laro ang buhay ko."

Nananahimik sila at tila parang may gustong sabihin. Niyakap ako ni Rose kaya lahat sila niyakap na ako. Hindi ko na din napigilan na hindi maiyak. Mahal ko ang mga kaibigan ko.

"We'll get through this, bessy. Kaya natin 'to." bulong niya sakin kaya mas kumapit pa ang yakap ko sakanila.

"Mahal ka namin Skyler, tandaan mo yan." wika naman ni Caine kaya nginitian ko siya.

"Sana wag mo kaming kasuklaman." napatingin naman ako sa sinabi ni Mina.

Anong 'wag kasuklaman'?

"Sorry Skyler, pero tandaan mo... Mahal ka namin kahit hindi halata." wika ni Yeol saka umakbay kay Rose.

"Be a good girl always ha. Wag ka ng amazona please lang." sambit ni Seb saka pinisil ang pisngi ko.

Bakit parang nagpapaalam sila? May tinatago ba sila sakin?

"Wag kang umiyak. Naiiyak din kame." singit naman ni Haeron kaya hindi ko na napigilan na umiyak.

"Bakit parang nagpapaalam kayo?" tanong ko saka lumuha. Ginulo naman ni Yeol ang buhok ko saka ngumiti.

"Sagutin niyo ko!" sigaw ko sakanila. Ngumiti lang sila saka na tumayo. Hindi ko na napigilan na ibuhos lahat ng sakit. Bakit pati sila, iiwan ako?

"Mahal ka namin." sabay sabay nilang sabi saka naluha. Lumabas sila ng walang imik. Napaupo nalang ako sa sakit. Bakit pati sila? Bakit? Bakit?!

**

Ilang oras akong nagkulong dito sa kwarto. Bakit ganun? Lahat nalang nawawala sakin. Lahat nalang iniiwan ako. Ano bang mali sakin?

Pinunasan ko na naman ang luhang dumaloy sa mukha ko. Peste, bakit ba kasi ako naging mahina?

Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon