Chapter 40

389 14 5
                                    

Sorry talaga kung sobrang bagal kong mag update. Babawi po ako promiseee hehe.

Again, sorry and thank you sa mga nagbabasa pa.

****

Skyler~

Hindi ako makapaniwala. Bakit niya ako iginapos ng ganito?


"Anong kailangan mo sakin?" tanong ko sakanya. Tumingin siya sa taas at saka nag isip.


"Hmm, sabihin nalang natin na napag utusan ako." sagot niya sakin. Napag utusan?


"At sino naman? Nasaan ako?!" sigaw ko sakanya. Kita ko sakanya ang pagkairita.


"Nasa Ohr ka na! Inutusan nila kaming Heresy na pigilan kang bumalik sa Cypher. Masyado ka kasing pabida eh yan tuloy pati si Skeet dinamay mo!" sigaw din niya sakin. Peste, nasa Ohr na ako.


Paano nila ako nai byahe ng ganun kabilis? Kailangan kong makausap si Skeet. Pero paano? Napaka dami kong gustong itanong sakanya. Bakit kailangan niyang isugal ang buhay niya para sa akin?


"Si.... Rose nasaan?" dahan dahan kong tanong. Tinignan niya ako saka tinaasan ng kilay.


"Aba malay ko. Nasa Cypher siguro." sagot niya.



Ano? Nasa Cypher sila? Kung ganon.... ibig sabihin ako lang mag isa dito?


"Bakit ba kasi kailangan pa kitang bantayan dito?" iritang tanong niya. Aba, bakit di siya umalis?

As if gusto ko siya makasama dito. Bigla na namang bumukas ang pinto at bumungad sakin ang di pamilyar na mukha. Hmm, formal ang suot niya ah.


"Dalhin siya kay Boss." wika niya. Tinignan ako ni Allysa saka sinenyasan ang mga lalaki na kunin ako.


"Teka! Saan niyo ako dadalhin?!" sigaw ko. Nagpupumiglas ako pero bigla nalang nila akong kinaladkad palabas ng silid.


Ano bang nangyayare? Litong lito na ako! Patuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa huminto kami sa isang malaking pinto.


Binuksan iyon ng isa sa mga lalaki. At laking gulat ko kung sino ang bumungad sa akin.

"Mom?"


Anong.....ginagawa niya dito?

Hindi... Imposibleng siya ang may pakana nito.


"Anak!" sigaw niya saka tumakbo papunta sa akin at niyakap ako. "Mabuti nalang at nasundan kita." Sinimulan niyang tanggalin ang mga nakatali sa katawan ko.


"Sinundan niyo po ako? Pero..."


"Kinausap ko na siya anak. Pinakiusapan ko na siya na pakawalan ka na niya at ibalik sa akin. Nangako ako na hindi na tayo manggugulo at makikisali." napakunot ang noo ako sa sinabi niya.

Sinong siya ang tinutukoy niya?


"Hindi ko naiintindiha—" bago ko pa matuloy ang sinasabi ko ay narinig ko ang pagsara ng pinto. Laking gulat ko ng may pumasok na naka maskarang lalaki. Sino ang lalaking 'to?


"Umalis na kayo at baka magbago pa ang isip ko." wika niya. Tumayo ang mga balahibo ko. Grabe, nakakatakot ang boses niya. Punong puno ng awtoridad.

"Oo, Zic. Aalis na kami. Salamat nga pala ulit." wika ni Mom saka ako kinaladkad palabas.


Pagkalabas na pagkalabas namin ay napuno ng mga katanungan ang isip ko. Sino si Zic?

Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon