Skyler
Wala kaming pasok ngayon. Mabuti na rin siguro yon para naman makapagpahinga ako kahit konti. Naghilamos na ako at naligo. Hinanda ko na din ang sarili ko. Siguro maglilibot libot nalang muna ako sa labas.
Bumaba na ako para mag breakfast nang makasalubong ko si Skeet. Sht, nakakakaba.
Kumuha ako ng milk sa ref habang si Skeet naman nakatalikod. And there I saw something. A hickey on his back. Yeah, may ganon siya.
Hindi ko na namalayan na puno na pala ang baso ko. Sht, tulala na naman kasi ako. Bwisit na Hickey yan. Sino ba kasi ang naglagay sakanya ng ganon?! Eto na naman ako, nasasaktan.
"Tss." rinig kong sabi niya at kumuha ng pamunas.
"Ako na." malamig na sabi ko at pinunasan ang natapon na gatas. Hay, bakit ko ba nagustuhan ang lalaking 'to?
Pero tama si Zhico, I need to let him go.
"About last week, yung mga sinabi ko say—" naputol ang sinabi ni Skeet ng biglang bumukas ang pinto.
"Ops, sorry akala ko si Skyler ang nandito." wika ni Kevin. Sht, wrong timing ka naman eh. May sasabihin dapat si Skeet sakin eh. Bumalik si Skeet sa ginagawa niya.
"Ano bang kailangan mo?" tanong ko kay Kevin.
"Wala naman, any plans for this day?" wika niya at sumandal sa pinto.
"Wala din, bakit aalis ba?" tanong ko nalang dahil bored din ako.
"Yep, si Zhico. Nagaaya mag mall. Wanna come?"
"Uh, sure." wika ko at naghugas na ng kamay at sumama kay Kevin.
**
Nasa Mall lang kaming tatlo habang ako kumakain ng cotton candy, silang dalawa nasa Arcade naglalaro ng basketball.
Pinapanood ko lang sila kahit ang totoo niyan bored na bored na ako. Kesa naman umuwi ako sa dorm makakasama ko lang naman si Skeet. Sabagay, baka wala sa dorm yon. Baka kasama yung mga girls niya.
"Papano ba yan? Kailangan kong bumalik sa school." narinig kong sabi ni Kevin kay Zhico. Nag s'shoot pa din si Zhico.
"Ha? Bakit?" tanong ko.
"Maiwan na muna kayo ni Zhico or sasama kana?" tanong ni Kevin. Ayoko, ano nalang gagawin ko dun?
"Isama mo na yan // Maiiwan ako." nagkatinginan kami ni Zhico sa sagot naming dalawa. Ugh, alam kong ayaw niya akong kasama.
"Hinde, maiiwan ako." pamimilit ko.
"No, isama mo na yan."
"Ayoko sabi."
"Sumama ka na nga!"
"Ayok—"
"Hep! Mauuna na ako! Wag na kayong magtalo, wala na akong isasama sainyo." wika ni Kevin at dali daling umalis.
Tinignan ko si Zhico at inirapan lang niya ako. Kahit kailan talaga ang sungit.
"Hindi kita maintindihan, ang sabi mo i let go ko si Skeet. Bakit moko pinapasama umuwi sa dorm kung makikita ko lang naman siya?" naiinis na sabi ko sakanya. Shoot pa rin siya ng shoot.
"Tss, stupid. Tingin mo ba makaka move on ka sa ginagawa mo?" wika niya.
Huh? Oo naman bakit.
"Malamang." sagot ko sakanya.
"Mas lalo mo lang inilalapit ang loob mo sakanya."
"Lumalayo nga ako diba? Paanong inilalapit ko ang sarili ko non?"
Kaya nga hangga't kaya ko, lumalayo ako eh. Pagkatapos lang ng mission na 'to babalik na din ako sa Ohr.
"Tingin mo? Pagtapos ng stay niyo dito ayos ba kayo? Kailangan niyo ng closure." maikling sabi niya.
"Ayoko nga!"
Ayoko, tapos mahuhulog ulit ako? No, ayoko ng masaktan.
"Bakit? Dahil baka mahulog ka ulit sakanya? I don't get girls. Bakit ba ang bilis bilis niyo ma attach sa isang tao."
Parang tinamaan ako sa sinabi niya. Bakit nga ba?
"Sus, ayusin mo nga. Hindi mo naman ako tinutulungan eh." maktol ko.
"Sino bang nagsabing tutulungan kita?"
"Ikaw!" sigaw ko sakanya. Nakakainis, masyado siyang bipolar. Hindi ko siya maintindihan.
"You know what? Nagsasabi lang ako ng totoo dahil ang totoo niyan sarili mo lang din ang makakatulong sayo." wika niya at shinoot ang last ball na hawak niya.
"Oh ano tapos kana? Uuwi na tayo?" naiinis na tanong ko.
"No, kakain ako." sagot niya.
"Lilibre moko?"
"What? No way!" react niya.
"Ang kuripot mo naman!"
"Tigilan moko, may pera ka." wika niya at pumasok sa isang resto.
"Osige uuwi nalang ako!" wika ko at tumalikod. Hehe, alam ko naman na susuyuin ako niyan.
"Tss, fine." rinig kong sabi niya pero bilang Skyler nagpakipot pa ako.
"Isa, ayaw mo?"
Hehe konting suyo pa.
"Bahala ka sige."
One more Zhico, one more...
"Fine! Wag kang lalapit dito."
Kumaripas ako ng takbo pabalik sakanya.
"Hindi ka naman mabiro eh!" maktol ko at nilapitan siya. Okay na yan, libre naman eh.
**
Nandito kame sa favorite place ko. Yeah, nasa university na kame ni Zhico.
Umupo ako sa ilalim ng puno at tinabihan ako ni Zhico.
"Stars are so beautiful." panimula ko. Sobrang ganda ng mga bituin sa langit.
"Yeah, just like her eyes." napalingon ako sa sinabi niya.
"Uy, may hindi ka sinasabi sa akin." pangungulit ko sakanya.
"Dapat ko bang sabihin sayo?"
"Sungit mo naman! Sino ba kase yan? Lagi kang humuhugot ah." wika ko at siniko siya.
"Tsk, magtigil ka nga Skyler!" bulyaw niya. Uy naman pangalawang beses na 'to ah.
"Ehh sino muna yan?" pangungulit ko pa rin.
"My ex girlfriend, happy?" pilit niyang sagot. Nagseryoso ako bigla. Ano kaya nangyari sa kanila?
"Mind if I ask?" tanong ko.
"She left me. She broke up with me. She.. destroyed me."
Nakatingin lang ako sakanya habang nagsasalita siya. Siguro nga mapait ang dinanas niya. Siguro nasaktan 'to, ng sobra.
"She left me without a reason. Pagod na daw siya. I chased her. Lahat ginawa ko pero, too late. She's engaged with someone. She's happy with someone."
Tinapik ko ang balikat niya. Naiintindihan ko siya. Kaya siguro naging ganito siya.
"It's okay Zhico."
"That's why I'm warning you. Habang maaga pa ayusin mo na. Pero if he's the one who's pushing you away, don't force yourself. Let him go, leave him alone."
Siguro tama nga siya. May mga bagay na naayos, meron hindi. Siguro sa kaso namin ni Skeet, mukhang hindi na maayos.
BINABASA MO ANG
Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;
ActionOhr Academy Is a school where adventures begin!