Skyler~
Hanggang ngayon ay umiikot pa rin sa isipan ko ang sinabi ng mga Head kanina. Ugh, anong oras na ba bakit gising na gising pa ko?
12:51 am?!
So kanina pa ako nagmumuni muni? Napatayo ako sa kama saka lumabas ng kwarto. Zhico is not around dahil kausap niya ang mga Head. Kevin is sleeping, I think?
Bumaba na ako saka lumabas ng dorm. Pupunta ako sa favorite place ko. Gusto ko munang magpahangin. Sobrang daming nangyayari.
Pagdating ko don ay may nakaupo sa pwestong gusto ko. And I know who is that….
It’s him….
Aalis ba ako or…..
“Please stay with me…” napahinto ako. Ang boses na ‘yon. Matagal ko na ring hindi naririnig.
Kagaya ng sinabi niya ay umupo ako. Halos magkatabi lang pero I assure na may space pa rin.
Inabot niya sakin ang isang can ng coffee. Oh, I thought its an alcohol.
I stared at him until I met his gaze. Those eyes… Mga matang gustong gusto kong nakikita. Kitang kita ko sa mata niya ang pagkalungkot.
What happened to us,Skeet?
Gustong gusto ko siyang tanungin. Pero hanggat makakaya ko ay pinipigilan ko.
“How are you?” he asked me at iniwas ang tingin niya sakin. Saka niya ininom ang iced coffee niya at tumingin sa kabilang side.
“Fine… I guess.” sagot ko.
“Kailan ka aalis?” napahinto ako…. He knew…
Ofcourse! Kahit sino dito sa University ay alam ‘yon. Siya pa kaya?
At saka diba sabay naman kami babalik sa Ohr?
Iniwas ko din ang tingin ko saka sinagot siya.
“I’m not going.” sagot ko. Napatingin siya sakin sakin at medyo nagulat sa sagot ko. Nakatingin lang siya sakin. Hindi ko mabasa ang nasa isip niya.
“You need to go, Skyler.” may halong pagbabanta ang sagot niya sakin.
Bakit ba lahat sila gusto akong paalisin dito? Dahil ba may ibang haharap sa digmaan? Dahil ba hindi sapat ang kakayahan ko upang sumabak?
Funny.
“Hindi ako aalis. Hindi ko iiwan ang lugar na ‘to!” sagot ko. Napatitig siya sakin sandali saka ngumiti ng mapait.
“Dahil ba kay Zhico? Kaya di mo kayang umalis dito?” iniyukom ko ang kamay ko. Ganon ba ang tingin niya sakin?
“Masaya ako para sainyo.” wika niya pa saka tumayo at naglakad. Tumayo na din ako bago pa man siya makaalis.
“Nagkakamali ka, Skeet. Hindi ako aalis dito hanggat hindi ako ang haharap sa digmaan. Hindi ko iiwan ang lugar na ‘to.” sagot ko. “Hinding hindi ako papayag na may pumalit sakin.”
Napahinto siya sa sinabi ko. Gusto kong lumaban Skeet. Ito ang kapalaran ko. Ito ang itinadhana sakin ng Mama ko. Ito ang dapat kong harapin.
“Don’t interfere. Save yourself and go.”
Naglakad na siya paalis kaya napaupo nalang ako. Bakit ba biglang nagbago ang tadhana?
Kailangan ko ng kasagutan. Kailangan kong malaman kung sinong papalit sakin sa digmaan. Ako mismo ang kakausap sakanya.
Naglakad na ako pabalik ng dorm. Nagulat ko nang nakita ko si Zhico na nakatayo sa pinto.
“Oh Zhico, buti nakauwi ka-----”
Hindi ko naituloy ang sinasabi ko nang yakapin ako bigla ni Zhico. Sobrang higpit.
“Don’t go…. Please.” rinig na rinig ko ang paghikbi niya. Ganito ba ako kahalaga sakanya para iyakan niya ako?
Buti pa siya….. Buti pa siya takot na mawala ako sakanya.
Sana talaga ikaw nalang, Zhico.
"Zhico... kailangan." sagot ko. Mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
"No. Ayoko."
"Zhico please..." wika ko. Bumitaw siya sa yakap kaya nakita ko ang mukha niya. Basang basa sa luha.
"Kakausapin ko ang mga head. Please, wag ka lang bumalik doon. Wag mo kong iiwan." napalihis ako ng tingin sa sinabi niya. Ayoko din namang lisanin ang lugar na 'to.
Ayokong bumalik sa Ohr kasama si Skeet. Dahil alam kong masasaktan lang ako.
"I love you Skyler. Don't leave me."
Unti unti ko siyang tinignan. Zhico, you don't deserve me. I'm sorry. Mahal ko pa siya....
**
SKEET~
"Kakausapin ko ang mga head. Please, wag ka lang bumalik doon. Wag mo kong iiwan."
Nakatago ako dito sa puno upang tignan sila. Mahal talaga ni Zhico si Skyler. Wala akong panama doon.
Kaya niyang gawin lahat para kay Skyler. Eh ako?
Ano bang ginawa ko kundi ang itulak siya palayo sa akin?
"I love you Skyler. Don't leave me." tinignan ko si Skyler sa sinabi ni Zhico.
Skyler..... I want you so fcking bad. But.... I need to do this. Kahit ako nalang ang masaktan sa war. Basta alam kong ligtas ka.
Zhico loves you so much.
Tinitigan ko siya ng matagal. Siguro mahal na din niya si Zhico. Unti unti akong tumalikod at naglakad paalis.
BINABASA MO ANG
Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;
AcciónOhr Academy Is a school where adventures begin!