Rose~
Aish, umiyak na naman. Nasaan ba kasi si Yeol?! Nakakainis naman oh!
"Babe!!" sigaw ko. Binuhat ko muna si Enzo saka pinuntahan si Yeol. Bwisit, alam namang may lakad pa ako.
"Babe, ano ba!"
"Babe? Naligo lang ako saglit tinatawag mo na naman ako?" naiiritang tanong niya. Aba, may gana pang gumanyan, ha?
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Akin na nga si Enzo ." saka niya binuhat si Enzo. "Akala ko ba aalis ka?"
"Oo, kaya nga kita tinatawag eh." sabay irap at talikod. Inayos ko ang bag at ang damit na suot ko. Ngayon ang interview ko sa Solo Album ko.
Yes, tama ang nabasa niyo. I'm a singer now. Ang dating gangster, singer ngayon.
Well, pati din naman si Yeol. Doon napunta ang tadhana naming dalawa. Sa music industry.
"Daddy, Mommy away kayo?" napalingon ako kay Enzo.
"No, hindi kami away ni Mommy mo. Aalis kasi si Mommy kakanta siya sa TV." explain ni Yeol sakanya.
"Yes baby, kaya behave ka kay Daddy, ha? Anong gusto mong pasalubong mamaya?" tanong ko.
"Gusto Enzo ng cake!" masayang sambit niya.
"Okay, sure! Bili si Mommy ng cake para kay Enzo." saka ko siya kiniss sa cheeks. Kiniss na din ako ni Yeol saka na nagpaalam sakanila.
Yes, may anak na kami ni Yeol. He's Enzo. He's 3 years old. 4 years na kaming kasal ni Yeol at ang araw ngayon.... ay ang araw kung saan nangyari ang bangungot ng lahat.
It's already 5 years since that incident happened. Kahit ganon, may bakas pa rin ng takot at lungkot.
Pagkatapos ng lahat ng iyon ay nagkaroon na kami ng kanya kanyang buhay.
Ako at si Yeol ay nagsama na at katapos ng isang taon ay nagpakasal na kami at nagkaroon ng anak.
Pagkatapos ko ay sina Seb at Caine na may anak na din.
Sumunod sina Haeron at Mina na may anak na rin.
Ang saya lang... Pero sina Skeet, lumipad papuntang America.
Kasama si Skyler.
Kasama ang pamilya ni Skyler. Doon dinala ang Papa ni Skyler at si Skyler para magpaopera. At simula noon, wala na kaming balita sa kanila.
*ting!
Napatingin ako sa messenger ko. Nanlaki ang mata ko sa nagchat sa akin.
Zhico Salvador
This is me, Zhico. Brother of Skyler. Gusto ko lang kayong i inform na uuwi sina Skyler at Skeet sa Pilipinas. Nakaalis na sila kahapon at pinapasabi ni Skyler sayo na uuwi siyang Pilipinas.
Napapreno ako sa nabasa ko. WHAT THE HECK?! UUWI SILA? AT BUHAY SI BESSY KO?!
Nagreply ako agad sakanya.
Kailan? Edi parating na sila dito? At buhay si Bessy ko? Anong nangyari? Kasal na ba sila ni Skeet? May mga anak na ba sila?
Gustong gusto ko ng malaman lahat!
Zhico Salvador
It's for you to find out. 1 pm ang dating nila sa airport. Make sure na sunduin niyo sila.
Tumili ako sa nabasa ko. Sht, ano na? Kasal na ba sila? May anak na ba sila? At anong oras na?! SHT, 12PM NA!!! KAILANGAN KO NANG TAWAGAN SINA CAINE!
BINABASA MO ANG
Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;
ActionOhr Academy Is a school where adventures begin!