Chapter 33

457 16 1
                                    


Skeet~

"That's it. Goodbye Skeet."

Napapikit nalang ako. Dahan dahan nang pumatak ang luhang kanina ko pa pinipigilan. I deserve it. Kulang pa siguro ang sakit na nararamdaman ko kumpara sakanila.

I'm so selfish. Iniyukom ko ang palad ko at saka inihagis ang salamin na nasa tabi ko.

"Ahhhh!!!" kahit sumigaw pa ako wala rin mangyayari.

Mahal ko siya. Mahal ko siya higit pa sa buhay ko. Hindi niya kailangan malaman ang katotohanan.

Oo ginamit namin siya. Pero hindi niya alam na ako ang papalit sakanya sa war.

Oo, kinuha siya ni Rose bilang pamalit sakin at upang si Skyler lang ang magdusa sa war. Pero lahat ng iyon ay pinigilan ko.

Si Skyler... Siya ang napili upang makisabak sa war kasama ng mga makapangyarihang tao na kakampi namin.

Ganito sila kasuklam at si Skyler lang ang gusto nilang magdusa. Pero ang hindi nila alam ay... makikipagpalit ako... Itinakda din ako ngunit pinilit nina Rose ang Head ng Ohr na si Skyler nalang. Yung ay sa mga panahon na hindi pa nila itinuturing na kaibigan si Skyler.

Sa mga panahon na si Zhico ang kasama niya... Ako ang nag ayos ng lahat.

Mahal ko si Skyler kaya gagawin ko lahat upang mailigtas lang siya. Ako nalang ang magdurusa.

Isasakripisyo ko ang sarili ko. Ililigtas ko siya. Ibinigay ko na siya kay Zhico. Mas ikabubuti niya yon. Dahil si Zhico kaya niyang mahalin ng buo si Skyler. Pero ako.... Ang kaya ko lang gawin ay ang isuko siya sa iba para sa kaligtasan at kaligayahan niya.

Kung hindi man ako kayang mahalin ulit ni Skyler, gagawin ko parin ang lahat upang iligtas siya.

Ako... Ako lang ang mag iisang haharap sa digmaan na yan.

Sana maging masaya ka kay Zhico.

**

Skyler~

Paglabas na paglabas ko palang sa pintuan ay napayakap na ako agad kay Zhico. Sobrang sakit ng mga binitawan kong salita sakanila.

"Shh, tahan na." pagpapatahan sakin ni Zhico.

"Tapos na. Buwag na ang grupong 'yon." sagot ko. Lahat ng alaalang binuo namin natapon lang.

Sabagay, mukhang hindi naman sila nagsisisi sa nangyari eh. Ginamit nila ako. Tama na ang dahilan na yun upang kamuhian ko sila.

"Shhh, tara na. Magpahinga ka na muna please." nagsimula na kaming maglakad ni Zhico palabas ng hospital.

Ilang oras lang ay nakabalik na kami sa dorm. Dumeretso lang ako sa kwarto at hindi na nagsalita pa. Gusto ko munang mapag isa.

Napaupo nalang ako sa kama at dinamdam ang sakit na nararamdaman ko.

Isa pa rin akong mahinang tao.

Walang pinagbago.

.

Nagising ako dahil sa gutom. Nakatulog pala ako. Ayoko muna kumain. Wala rin naman mangyayari kahit kumain ako. Mabubusog? Oo, pero hindi iyon mababago ang buhay ko.

*blag!

Napalingon ako sa dahil sa gulat. Gusto kong sumigaw dahil nasira ang pintuan ng kwarto ko.

Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon