Skyler
Sa dorm nina Zhico at Kevin muna ako pansamantalang natutulog. Si Kevin pala ipinadala sa ibang campus para sa paghahanda ng "war" daw. I don't even have a clue about that.
Nag side na naman ako. Gamit ko kasi ang kwarto ni Kevin ngayon. Heto ako, sinasariwa pa rin ang mga sinabi ni Skeet. Nakakatulog kaya siya ng maayos sa mga binitawan niyang salita sa akin? Ako kasi... nahihirapan at nasasaktan. Bwisit na luha 'to. Ayaw pa din tumigil sa pag agos.
Tumayo ako at bumaba upang uminom ng tubig pero nakasalubong ko si Zhico. Eto pa pala, sobrang awkward namin ni Zhico. Hindi ko pa kasi siya natatanong tungkol sa mga sinabi niya sakin.
Nag 'ehem' ako at feeling ko naman naramdaman niya 'yon. Sobrang na a'awkward talaga ako sakanya at wala pa ako sa mood para tanungin siya.
"Don't worry, it's not true." napatigil ako nang marinig kong magsalita si Zhico. Pheww... Buti nalang. Teka— nabasa niya ba ang nasa isip ko?
"No, it's written on your face." dagdag pa niya. Edi ako na halata. Pero buti nalang at hindi totoo ang mga sinabi niya.
Pero teka, kailangan ko bang mag thank you sakanya? Bakit may feeling ako na dapat ko siyang pasalamatan. I don't get it.
"Ah T-Thank you." sambit ko nalang at umalis na doon at dumeretso sa kwarto. Nahihiya ako shettt!!!
Napag isipan ko habang nakahiga, kung hindi ako nag transfer sa Ohr siguro di ako nasasaktan ng ganito.
Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit parang hindi naman kami na t'train kung paano maging matapang. Ang buong akala ko ay 'torturing people is legal' doon. Hindi ko maintindihan ngunit batid kong mayroon pa silang tinatago doon. And I need to know it.
**
Nagising ako dahil sa tunog sa ibaba. 5:30 am na pala. 7 pa ang class ko at doon naman kami sa Martial building. Kung tutuusin, ang konti lang ng subjects dito ngunit ang hirap intindihin.
Naligo na ako at nag ayos. Pagbaba ko wala akong nadatnan na tao kaya dumeretso ako sa table. And there I saw a note in the ref.
I cooked bfast, u need to eat.
-ZNapangiti ako kahit papano may ganito palang side si Zhico. Nakita kong mayroong Bacon and Egg sa table. Shetttt, favorite ko 'to!!!
Agad agad na akong umupo at kumain. Hehe masarap kumain no. Pampalakas kaya ito.
Pagkatapos kong kumain ay nagstay muna ako sa favorite place ko. Dito ko kasi na f'feel ang peace of mind.
Bigla nalang may tumakbong tatlong babae. Nakatingin lang ako sa kanila at nakikinig.
"Grabe, sino kaya ang may gawa non?" wika ng isa.
Anong pinagsasabi nila? Mas lalo akong nakinig sa sinasabi nila.
"Baka suicide yon!" singit ng isa. Suicide? May nag suicide dito? Napatayo ako agad.
"Tara puntahan natin." yaya ng isa. Dahan dahan akong sumunod sa kanila. Bakit naman may mag s suicide dito? Siguro, hindi nila nakayanan ang training.
Nakakita ako ng kumpol ng students. Mga chismoso talaga. Napairap ako at nakatayo lang sa isang sulok. Bakit parang sobrang nahihirapan sila? Bakit sila nag t training ng ganon kahirap. I mean, kahit ako.. nahihirapan sa ginagawa namin araw araw.
*Kriiiiiiing!
Nag ring ang bell at nag si alis na ang mga students na chismoso kanina. Isinuot ko na ang bag ko at nagsimulang pumunta sa class ko. Hindi ko pa nakikita si Zhico ah. Anyway, bahala na.
**
Nag k'kwentuhan pa din ang mga classmates ko hanggang sa pumasok ang isang prof.
"Settle down class. As you can see may nangyaring kakaiba sa university natin and I hope you know what is the meaning of that." panimula ng prof namin. Anong sinasabi niya?
Nagtaas ng kamay ang isa kong classmates.
"Ma'am, are all the equipments complete?" tanong niya. Nalilito ako sa mga tanong nila. Mukhang wala pa talaga akong alam dito ah.
"Yes they are. Naghahanda na ang ibang students. Pipili na kame ulit." pagkatapos sabihin ng Prof namin yun ay bigla yumuko ang mga kaklasi.ko. What's the meaning of this? Nagtaas ako ng kamay.
"What's the meaning of this? I don't understand." wika ko. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Zhico. Lumapit siya sakin at hinila ako.
"Excuse me." wika niya at kinaladkad ako palabas.
"Teka teka— hindi ko maintindihan ang nangyayari! Please explain it to me!" naiinis kong sabi. Tinitignan lang ako ng seryoso ni Zhico at bumuntong hininga.
"Samahan moko dun." deretsong sabi niya. Napakunot ang noo ko.
"Huh? Saan?" naguguluhan kong tanong.
"Doon." I glared at him dahil andaming doon ang posibleng gusto niyang puntahan.
"Saan doo—"
"Sa favorite place natin." napatahimik ako bigla. Favorite place NAMIN? Omg, kino consider na niya ba akong kaibigan niya?
"Ayeee gusto niya ako makasama!" pang aasar ko. Tinignan niya akong masama at kinaladkad na naman. Pagkarating namin dito sa Favorite Place daw NAMIN ay umupo siya kaya umupo na din ako.
"Maghanda ka." biglang sabi niya.
"Saan naman?"
"War... Alam kong naguguluhan ka. Ngayon nalang ulit mangyayari ang War. Ang pagkamatay ng isang student kanina ang senyales na paparating na sila." naguguluhan ako sa mga sinabi niya.
"Sinong sila?" tanong ko. Look, wala akong kaalam alam sa mga pinag uusapan nila.
"Oh ayan, read that. Kakausapin kita bukas." wika niya at binato sakin ang book na dala niya. Tumayo na siya at naglakad. Ano 'to?
History of Ohr Academy and Cypher's University
Nabitawan ko ang book na binigay sakin ni Zhico. Ano 'to?
"Skyler, pag isipan mo muna please." wika ni Zhico at saka na umalis.
Naiwan akong tulala at napaka daming katanungan ang pumasok sa isipan ko. Ano ang ibig sabihin nito? Bakit may libro na tungkol sa Ohr at Cypher?
Hindi kaya.....
Iisa lang ang Ohr at Cypher?
BINABASA MO ANG
Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;
AcciónOhr Academy Is a school where adventures begin!