Chapter 25

523 14 0
                                    

Rose

"Nakakainis naman eh, hindi pa dumadating yung pizza ko!" maktol ni Mina. Boring dito, Sabado nga kaso tamad naman kami mag mall.

Yung tatlong lalaki kaninang umaga pa umalis. Kaming tatlo naman heto bored na bored dito sa headquarters.

"Omygad!" sigaw ni Caine kaya hinagisan ko siya ng unan. Ingay eh.

"Ano ba Caine!"


"Skyler is calling!!!" sigaw niya. Wala pang ilang segundo ay tumakbo na ako papunta sa laptop niya saka sinagot ang videocall ni Skyler.

"Hoy babae! Buti naisipan mong tumawag no? Ano, buhay pa kayo?" bungad ko sakanya. Nakita ko siyang tumawa at umiling. Naku, miss ko na ang babaeng 'to.

[Okay lang ako no, kayo kamusta na diyan?]

"Buhay pa naman haha pasalubong ko ah?" wika ni Mina.

"Uy ako din!" wika din ni Caine.

"Kapag ang sakin nakalimutan mo nako! Hindi kana makakauwi dito!" paalala ko sakanya. Tumawa naman siya ng malakas.

[Oo na!]

"Nga pala, Si Boss nasaan?" singit ko.

Nakita kong biglang nag iba ang reaksyon ng mukha niya.

[A-Ah nag cr yata siya eh.]

Nako, may tinatago 'to eh.

"By the way, speaking of Skeet. Kamusta na kayo? Kayo na ba?" pang iinis ko.

[Hindi, hindi kame]

Nakaramdam ako ng iba sa sinabi niya. It's like parang nasaktan siya sa tanong ko. I don't get it. What's going on?

[A-Ah sige guys, need to sleep na rin. Wala pa akong tulog eh. Goodbye i love you all ,take care!]

"Ako lang ba o parang may tinatago si Skyler?" biglang sabi ni Mina. Sabi na eh, pati sila napansin nila.

"Hi babe!" biglang dumating ang tatlo.

"Hephep! Pizza ko muna?" wika ni Mina bago mayakap ni Haeron si Mina kaya inilapag ni Haeron ang dalawang box ng pizza at isang bucket ng Fried Chicken.

"Parang narinig ko si Skyler ah." singit ni Seb sa usapan.

"Yeah, nag call siya."

"Eh may narinig naman akong may tinatago." dagdag ni Haeron.

"Yun na nga eh, napansin namin na parang may tinatago si Skyler." wika ko sakanila.

"Ano bang nangyare?" tanong ni Yeol.

"Wala naman, except sa tanong ni Rose kung sila na ba ni Boss bigla nalang siyang nalungkot."

"Sht" rinig kong sabi ni Seb.

"Bakit?"


"Baka naman— hindi. Malabo." wika ulit niya. Hindi ko 'to maintindihan eh.

"Ano nga!" sigaw namin sakanya. Inirapan niya lang kame at nagsalita.

"Baka nagkagusto na si Skyler kay Boss." wika niya.

"Eh ano naman? Edi happy!" wika ko. Yun nga ang gusto ko eh, diba? Ang magkatuluyan sila.

"But, bakit ganon ang reaksyon ni Skyler? parang malungkot."

"Baka umiwas si Boss." wika ni Yeol. Bakit naman iiwas yon? Dahil hindi pa siya move on?

"Bakit naman? Diba move on na si Boss. Siya na mismo nagsabi!"

Ohr Academy: School of Gangsters; Mission In Life;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon