GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 2
BRIOHNY POV
Nasa library kami ngayon, wala kaming magawa kaya nandito kaming tatlo sa library. Yung dalawang kumag natutulog lang rito, ewan ko ba sabi nila pag nasa libary sila inaantok daw sila at masarap daw matulog dahil tahimik."Ano bang binabasa mo? " tanong nito ngunit di ako sumagot.
"Reincarnation?! Haha naniniwala ka diyan. Sa mga Past life? " tawang tanong ni Ariela kaya tinignan ko siya ng masama.
"Library to hindi kwentuhan o tambayan besty"bulong kong sabi.
"Tss! " yun nalang ang nasabi niya sabay irap sa akin at nagbuntong-hininga nalang ako.
"Yes! I believe in this. And even Soulmate, yung taong nakatadhana sa yo. Yung taong kabiyak ng puso mo kahit maging ano pa kayo sa past life niyo, kahit malayo kayo sa isat-isa magkikita at magkikita kayo. Sa reincarnation naman, your spirit having a new body, wala na ang alaala mo nong nabubuhay ka pa but still your heart is still the same, it will beat for the only person which is your soulmate. If both of you have another life kayo parin ang magkatuluyan. " habang sabi ko.
'At sana ganon kami. Kaso iba lang sa kanya, magkaroon nga ng katawan ang kaluluwa niya, malilimutan niya naman ako. At ako lang talaga, natatakot ako na baka magkita kami di niya ako makikilala'
"Waaahhh!! Ang ganda pala. Meron rin kaya ako" parang batang tanong ni Ariela at tumango lang ako.
Ginising na namin ng dalawa at lumabas na kami sa library, habang naglalakad sa corridor ay may narinig kaming isang balita.
"May mag transfer bukas. Excited na ako"
"Sana lalaki"
"Lalaki siya at narinig ko mismo sa mga guro yun"
"Sana gwapo katulad ni Zayne"
"Pero mas feel ko mas gwapo yun"
'Tss. Mga ewan'
"Waahh. Narinig mo yun Briohny? " kumikinang na matang sabi ni Ariela at umirap lang ako.
'Isa pa to'
"Mas gwapo kami don" sabi ni Lester
"Oo nga. Haha" pangsang-ayon ni Andrey. Oo nga naman gwapo ang dalawang to mga abnormal at isip bata nga lang.
Nasa classroom na kami at nagsimula na ulit ang klase.
Lunch time
Nandito na kami sa cafeteria, kasama si Zayne. Tuwang-tuwa ang tatlo dahil libre na naman daw, nahihiya na nga ako.
"Anong gusto mo my love" sabi niya at tumili lang si Ariela at nagpalakpakan naman ang dalawang kumag.
"Huh? Amf- yung dati, burger, pasta at coke" sabi ko sa kanya at nginitian ako.
Siya na ang kumuha sa order namin. Pagbalik niya may kasama siyang dalawang lalaki na dala ang pagkain namin, siguro staff yun sa cafeteria.
Pagkalapag ng pagkain ay kumain na kami.
CLERK MAYNARD POV
Nagulat ako sa binalita ni Lolo, Oo lolo ko siya dahil inako niya ako na apo niya talaga. Sobrang saya ko dahil noon ko pa to pinangarap na mag-aral.
Di ko alam kong bakit basta, masaya yung puso ko dahil mag-aaral na ako bukas at pina-enroll ako sa business kasi sa akin na pinamana ang lahat ng kayaman ni Lolo, noong una ayaw ko talaga pero pinilit niya ako. Ang gaan talaga ng loob ko sa kanya."Oh apo maghanda ka na ha? Bukas papasok ka na" sabi ni Lolo habang nagdidilig ng halaman sa garden.
"Yes po. " sabi ko at umakyat na sa kwarto ko para maghanda.
BRIOHNY POV
Naglalakad kami ngayon papuntang parking lot dahil sasakay kami sa kotse ni Zayne, dahil nga may lakad kami ngayon.
Bigla akong napatigil ng humarang si Zayne at biglang lumuhod at inayos niya ang pagkakatali sa sapatos ko."Haha. Ayusin mo ang pagkakatali ng sapatos mo. Baka matumba ka niyan, maapakan mo" sabi niya sabay tayo at nauna sa amin.
"Ayieee. Kinikilig ako eh" sabi ni Ariela at yung dalawa naman ginagaya ang pagkakasabi ni Zayne sa akin.
"Oxygen di ako makahinga. " sabi ni Lester at umaakting pa na di makakahiya kaya pinasok ko sa bibig niya yung bote ng tubig, at tumawa lang yung dalawa.
---
Habang nagmamaneho si Zayne, yung tatlo na sa likod kumakanta ng Rock music, pa-head bang-head bang din si Zayne kaya napaface palm nalang ako.
Pagkababa ko sa kotse ay tumambad sa akin ang perya.
Bigla tuloy akong nalungkot dahil naaalala ko ang masasayang araw na kasama ko siya.
Masaya silang naglalaro ng kung ano-ano. Sa mga rides ay tuwang-tuwa rin sila maliban sa akin. Di nga ako sumisigaw sa mga extreme rides, inaasar pa ako nila Lester dahil baka nahilo daw ako, o nasusuka. Mga bwesit.
Umupo kaming dalawa ni Zayne sa bench at yung tatlo bumili lang ng pagkain.
"Malungkot ka ata? " tanong niya
"Hi-hindi naman" pagsisinungaling ko
"Hmm. Na mimiss mo siya no" sabi niya at ngumiti pero alam ko na nasasaktan siya. Ayaw ko siyang saktan pero sabi niya mas masasaktan daw siya kapag pagbawalan ko at ipatigil sa kanya ang nararamdaman niya sa akin.
"Hindi no. Haha ano ka ba. Wala lang ako sa mood" sabi ko at pilit tumawa kaya tumawa rin siya.
"Hahaha. Gusto ko makilala ang lalaking mahal mo. Baka mas gwapo pa siya sa akin kaya ganon" sabi niya at tumawa ulit kaya napalo ko siya sa braso.
"Sira! " sabi ko at tumayo na kami dahil nandito na ang tatlo.
Hinatid na niya kami sa aming mga bahay at huli akong hinatid."Sige, ingat ka sa pagmamaneho." Sabi ko at kumaway sa kanya.
Kumaway rin siya sa akin. Hinintay ko muna na makaalis siya bago ako pumasok ng bahay. Malamig ang hangin sa labas. Pumasok na ako ng bahay at dumiretso na sa taas. Wala ako sa mood ngayon, araw-araw naman simula nong nawala siya. Lahat ng mga pinapakita ko ay puro peke lahat, pekeng ngiti at pekeng tawa.
Yan na ang update. Chap 2
Salamat sa pagbabasa
Sorry sa typos
Kindly vote and comment guys
-Author
YOU ARE READING
GRS:CHASING MY SOULMATE✔
FantasyPart 2 of Grim reaper's soulmate. I'll recommend you guys to read the Book 1 first before this. Enjoy reading. Sorry for the typos and grammatical errors. Please bear with it, because I'm not a perfect person as well as a writer.