Chapter 19

76 2 0
                                    

GRS:CHASING MY SOULMATE
Chapter 19
              BRIOHNY POV
Naglalakad kami sa hallway pabalik ng klassroom ng nakasalubong namin sina, Ariela, Lester, Andrey at si--Zayne.

"Bakit kayo magkasama? " tanong ni Lester.

"Close na kayo? "Tanong ni Andrey.
Nakita ko si Zayne na tahimik lang.

"Aah. Kasi-uhm.. Pumunta lang kami kay Mrs. Cruz" sagot ko

"Ano naman ginawa mo don besty? Ikaw ha. Haha" tawang sabi ni Ariela.

"Addict. Haha. Sumali kasi ako sa King and Queen of each Section, ako ang Queen. " sabi ko at nagulat naman sila.

"Hindi ka naman pinili nila besty, kami lang kaya kanina ang nagpataas ng kamay. Paanong--? " sabi ni Ariela.

"Eh kasi--" putol kong sabi dahil nagsalita si Clerk.

"I choose her. " walang emosyon niyang sabi at iniwan kami.

'Ang hilig mang-iwan. Pasalamat siya mahaba ang pasensya ko sa paghihintay. Tss! '

"Waahhh. Grabe! Nakakakilig naman. Pinili ka niya. Bagay naman kayo eh. " kilig na sabi ni Ariela.

"Congrats Briohny. I'm sure mananalo kayo sa overall king and Queen" ngiting sabi ni Andrey.

"Haha okay lang sa akin na di na" sabi ko.

"Ang ganda mo kaya at simple, buti naman at nasali ka na. Last last year pa kami nag-vo-volunteer sayo ngayon ka lang nasali dahil sa Clerk na yun. Haha" tawang sabi ni Lester.

"Congrats" ngiting sabi ni Zayne.

"Salamat. Saan ka pala galing? " tanong ko sa kanya.

"Ha? Ah sa-sa opisina ni daddy. " alinlangan niyang sagot.

"Briohny, please mag-iingat ka palagi okay. Huwag kang mawawala sa paningin ko" dagdag niyang sabi. Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Naguguluhan ako sa inaasal niya ngayon. Makikita mo ang pag-aalala sa mga mata niya

"Oops. Hehe. Exit muna tayo guys. " sabi ni Lester.

"Tumahimik ka Lester. Hilahin ko dila mo ngayon. " sabi ko sa kanya at ibinaling ulit kay Zayne ang atensyon ko.

"Anong ibig mong sabihin Zayne? Okay naman ako. Bakit? May mangyayari bang di maganda sa akin.? " tanong ko sa kanya at yumuko lang, kaya napatigil kami sa paglalakad.

Inangat ko ang ulo niya para makita ko ang mga mata niya.

"Look at me. May bumabagabag ba sayo? I know you Zayne" sabi ko.

"Wa-wala naman. Nasabi ko lang. Ipangako mo okay? Mag-iingat ka. Tas wag kang lalayo kina Ariela at lalo na sa akin. " sabi niya at di na ako nakipagtalo pa.

"Haayss. Opo. Huwag kang mag-alala sa akin. Strong kaya to. Ewan ko sayo naka-drugs ka ata eh. Kahit ano-ano nalang ang sinasabi mo. Hahaha" tawa kong sabi

"Hahaha. Adik na ata ako, adik sayo" tawang sabi niya.

"BOOM!! SABOG! " sabi ni Lester at tumawa naman sina Ariela at Andrey, sinamaan ko naman sila ng tingin.

"Mga sira! " bulyaw ko sa kanila.

"Pati ikaw Zayne. Adik ka talaga. Tss! Ewan ko sa inyo! " inis kong sabi at naglakad ng mabilis pabalik ng classroom.

"My love. Biro lang yun! " sabi ni Zayne na pasigaw.

"Parang may LQ lang. Ang haba ng hair. " sabi ni Ariela at binalewala ko nalang sila.

Nasa classroom na kami at nagsimula ng mag-klase. Kanina ko pa napapansin si Zayne na tahimik at parang naaapektuhan ako kasi hindi ako sanay. Parang ang lalim ng iniisip niya. Nagbuntong-hininga nalang ako at binalik ang atensyon sa guro.
------
                   ZAYNE POV
Kaninang umaga na kung saan ay busy ang lahat, pinatawag ako ni Daddy sa office niya and he even close the door at tumingin muna sa bintana just to in sure na walang makakarinig.
"Yes, dad? " bungad kong sabi sa kanya.

"Have a sit" sabi niya.

'Bakit parang may kakaiba kay daddy? '

"Zayne, you know Briohny? I checked her files, kaklase mo siya, sa Business right? " sabi nito.

'Kilala niya si Briohny? Bakit naman siya naging interesado sa babaeng mahal ko'

I just nodded as an answer.

"I want you to keep an eye on her. Just make sure di siya mawawala sa paningin mo" sabi niya and that's gives me a confusion so i ask him.

"Why do i need to do that? May nilabag ba siya sa school? As far as i remember, --wala" sabi ko.

"You really want to know? " tanong niya and i just nodded.

"She's so important. She's the target. May naghahanap sa kanya, ibibigay natin siya sa mga nilalang na naghahanap sa kanya kapalit ng kayamanan na nais ko. " sabi niya na nagpagulat sa akin.

"What the heck that! Hindi ka a ba nakuntento?!! Hindi ko hahayaan na may gawin kayo sa kanya! " galit kong sabi.

"Why my son? Sino siya sa buhay mo?" Tanong niya.

"Its none of your business. Huwag mo siyang gagalawin. Kung sino man ang naghahanap sa kanya, hindi ko siya ibibigay! " sabi ko.

"Hindi mo sila kaya my son. Hindi mo na sila mapipigilan. Ang gusto ko lang naman ay bantayan mo siya" sabi niya.
Galit ako, di sa daddy ko kundi sa mga sinasabi niya at yung gustong kumuha sa kanya. Di sila magtatagumpay. Ayaw ko na may mangyaring masama kay Briohny. Hindi ko kaya. Paano na kaya pagmalaman niya na ang mismong ama ko pa ang magpapahamak sa kanya.

"Anong pinagsasabi mo.?  You are insane dad! Nilamon ka na ng kasakiman mo sa pera at kayamanan." Sabi ko.

'Walang bagay na di ko makakaya lalo pa't siya ang pinag-uusapan. Kaya kong gawin ang lahat para kay Briohny. Ganon ko siya kamahal'

"Hahaha. Nakakatawa ang reaksyon mo anak. Parang may naaamoy akong kakaiba sayo para sa babaeng yun" seryoso niyang sabi at tinignan ako ng matalim na para bang sinusuri ako. Iniwas ko ang tingin sa kanya at tumayo na. Naglakad na ako palabas at sinara ang pinto. Narinig ko pa siyang tumawa na para bang sinaniban.

Nabalik ako sa reyalidad ng pinitik ni Briohny ang noo ko. Nakapout itong nakaharap sa akin.

"Kanina ka pa ah! Bakit ka ba tulala diyan!? " may pag-kainis niyang sabi

I just smile at her.

'I will protect you even if it cost my life. Handa kong ibigay at ialay sayo. '

"Wala. Tara na uwi na tayo. " sabi ko at tumayo na kami palabas ng room.

Yan na ang update
Salamat sa pagbabasa
Sorry sa typos
kindly vote and comment
-AUTHOR

GRS:CHASING MY SOULMATE✔Where stories live. Discover now