GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 33
CLERK POV
Malapit ng mag-umaga. Naisipan ko muna na umuwi ng bahay para mag-bihis dahil puno na ng dugo ang damit ko dahil sa mga sugat na natamo ko sa laban, kani-kanila lang. Sumama sa akin sina Pinuno at yung dalawa. Pagbukas ko sa gate ng bahay ay nakita ko na naglalaban ang mga body guard ni lolo at mga lalaki na naka-mask, mga mata lang nila ang makikita, parang mga ninja.
Nagtago ako sa may puno dahil sa putukan ng baril."Mukhang may kaguluhan dito Clerk. Paano na yan.? " GR1 at tumagos yung bala sa kanya at tumama sa isa sa mga puno.
Dumaan ako sa likod ng bahay. Dahan-dahan akong naglakad at nakita ko si lolo sa may sala na may hawak rin ng baril.
"Lo"bulong kong tawag.
"Clerk? Bakit umuwi ka pa.? Di ka ligtas dito" sabi ni lolo at nagpaputok ng baril at natamaan naman yung lalaki.
"Mag-ingat po kayo" sabi ko at kumuha ng baril na galing sa kalaban. May narinig akong yabag ng paa na papalapit, nagtago ako sa malaking vase at hinigit ang kamay nito na kung saan hawak niya ang baril. Binali ko ang kamay niya dahilan para mabitawan niya ito at sinuntok sa mukha at sipa sa tagiliran niya dahilan para tumilapon siya sa pader at pinutukan ng baril sa ulo. Tumalsik naman ang dugo niti sa damit ko.
"Blood" tanging nasambit ko.
Tumawag na pala ng pulis si lolo at mabuti nalang nakarating na sila.
"Dakpin niyo ang lahat ng yan! Ikulong niyo o di kaya patayin niyo. Do whatever you want to them officers" sabi ni lolo sa mga pulis at tumango naman sila at isa-isa ng kinuha ang mga lalaki.
"Alam ko na may pakana si Mr. Wenston. Nais niya akong patayin para siya na ang maging mayaman sa lahat. Dati pang may galit sa akin si Mr. Wenston dahil sa lagi ko siyang nalalamangan." galit na sabi ni lolo.
"Lo. Kailangan kong umalis. Mag uumaga na po. Mag-iingat po kayo" sabi ko sabay bitbit ng bagpack ko.
Dumiretso na ako sa kotse. Medyo malayo ang lugar na iyon kaya mamayang hapon pa kami makarating don.Nasa passenger seat si pinuno at yung dalawa naman ay nasa likod. Tahimik lang akong nagmamaneho at halos paliparin ko na ang sasakyan ko sa bilis dahil sa bawat oras na lumilipas ay nag-aalala ako sa kanya, itong puso at isip ko di mapakali. Tama nga siya na soulmate ko siya, magkadugtong lang ang puso't isip namin maging ang buhay namin.
"Clerk? Lolo mo ang matandang yun? Baka ikaw ang lolo" sabi ni pinuno na ikinunot ng noo ko.
"What do you mean? " tanong ko.
"Ilang taon karin naging isang Grim Reaper, sa tingin mo sa isang daan taon ay maraming nangyari. Noong namatay ng dahil sa sakit mo, naiwan mo ang iyong mga magulang ngunit laking pasasalamat nila na nabibiyayaan sila ng anak. Iniisip nila na ikaw ang batang binigay sa kanila, na ipinagkaloob ka ulit ng panginoon, ngunit mali sila, nakatadhana na ikaw magkaroon ng kapatid ngunit di mo na naabutan, kung kaya't yung matandang yun ay apo mo. Great great great grandfather ka na niya" sabi ng pinuno.
"Kaya pala, magaan ang loob ko sa kanya. Nagkataon lang na pareho kami ng apelyido, akala ko kamag-anak ko lang siya, malayong kamag-anak, apo ko na pala siya" sabi ko
"Lolo Clerk"GR1
"Haha Lolo. Mano po si Ako. Haha"GR2
"Tatahimik kayo o tatahimik kayo. Pili! " inis kong sabi sabay totuk ng baril sa kanila kahit yung mata ko nasa daan.
"Is that even an option? Haha"GR1
"Sorry na bro"GR2
"Tss"Ako
"Pero huwag mo ng sabihin ang tungkol don. May mga bagay talaga na mahirap paniwalaan at ipaliwanag. " sabi ni pinuno at naging tahimik na ang buong biyahe.
-----BRIOHNY POV
Nagising ako dahil sa gutom, at take note. Maaga na pala. Medyo malabo pa ang paningin ko kung kaya't kumurap-kurap ako. Nakita ko ang ama ni Zayne, si Zayne at ang matandang panget na pesteng nilalang."Well, well, well. Kamusta ang tulog mo Ms. Park? " tanong ni Mr. Wenston. Grabe ang sama talaga. Gigil na niya ako. Pakawalan niya kaya ako para kagatin ko tenga niya.
"Tinatanong mo ko?? Talaga? Amf-uh. Sobrang sarap nga ng tulog ko. Komportable po ako. Sobra. Gusto mo palit tayo para malaman mo kung gaanong KAHIRAP! "inis kong sabi. Ke umaga iniinis na agad ako. Like, seriously?! Kailangan ba talaga itanong yun. Nimal.
"Sig--Aah. Ano ba! Pilosopa ka ah! Iniinis mo ba ako?! Gusto mo atang mamatay ng maaga. " sigaw niya.
"Maaga na ngayon" walang gana kong sabi.
"Urgh! Bwesit! Mas pinaiinit mo pa ulo ko! Mamayang gabi mawawala ka na rin. Ako mismo ang papatay ---" putol niyang sabi dahil nagsalita ang pangit.
"Baka nakalimutan mo na ang pinuno ang mismong papatay sa kanya para naman makapaghigante siya ngunit--maaari natin siyang pahirapan" sabi ng matandang Orakulo.
"Oo nga no. Haha yung mga alalay ko matagal ng di nakatitikim ng babae naka gusto mo yun Ms. park. " sabi niya at nginitian niya ako na nakakakilabot.
"Gago! Mga bwesit. Subukan niyo lang. Pagnakawala talaga ako puputulin ko yang kayaman niyo mga animal! " inis kong sabi at tumawa naman sila. May nakakatawa ba? Yan tayo eh, pagseryoso tayo tinatawanan tayo.
Narinig ko na nag-ring ang phone niya. Umalis ito at sinagot ang tawag. Maya-maya lumapit sa akin si Zayne at binigyan ako ng pagkain."Kumain ka na" sabi niya.
"Paano ako makakakain eh nakatali ako. Pwede ba pakawalan muna ako dito" sabi ko.
"That will never happen" walang emosyon niyang sabi at siya ng nagsubo sa akin. Gutom na ako sobraaa. Aarte pa ba ako.?
Pagkatapos kong kumain dahil sinubuan niya ako ay pina-inom na niya ako ng tubig.
"Salamat" sabi ko ngunit wala akong narinig kahit ano sa kanya.
"Zayne? Lumaban ka. Please. Kung ano man at kung sino man ang kumukontrol sayo, please labanan mo. Huwag kang maging katulad nila please. Zayne. " halos mangiyak kong sabi. Kumunot yung noo niya at unti-unti itong nawawala sabay hawak sa ulo niya. Pinapalo-palo niya ito.
"Zayne? Zayne, ayos ka lang. " alalang tanong ko.
"Mal-malapit n-na m-my love. Hi-hindi k-ko hahaya--Aahhh!! " sabi niya at alam ko na boses yun ni Zayne. Pilit niyang kinukontrol na huwag siyang sakupin ng tuluyan ng kung ano man yun.
"Mr. Wenston?! Yung anak mo! Pilit niyang kinukontra ang pina-inom ko sa kanya" sigaw na sabi ng matandang orakulo at pinuntahan si Mr. Wenston.
Yan na ang update
Salamat sa pagbabasa
Sorry sa typosWhat cha say readers
Kindly vote and comment.
-AUTHOR(genhyun09)
YOU ARE READING
GRS:CHASING MY SOULMATE✔
FantasyPart 2 of Grim reaper's soulmate. I'll recommend you guys to read the Book 1 first before this. Enjoy reading. Sorry for the typos and grammatical errors. Please bear with it, because I'm not a perfect person as well as a writer.