Chapter 28

69 2 0
                                    

GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 28
     
               BRIOHNY POV
Nasa cafeteria na kami nina Ariela, Lester at Andrey, si Clerk naman ewan kung nasaan yun. Lagi naman yun sumusulpot na kung saan.

"Briohny? May balita ka kay Zayne? " tanong ni Andrey sabay inom ng juice niya.

"Wala nga eh. Dadalawin ko na lang bukas sa condo niya" sabi ko.

"Wala siya sa condo niya besty, narinig ko don daw sa mansyon nila" sabi ni Ariela. Kahit kailan talaga ang lakas kumalap ng impormasyon

"Ganon ba.? " tanong ko at tumango lang si Ariela.

"Briohny? Ako mag ayos sayo bukas ha? Hehe. Excited na ako na i transform ka" sabi ni Ariela.

"Oo ba" pagsang-ayon ko.

"Taga-cheer mo lang kami. Gagawa kami ni Andrey ng banner" sabi ni Lester at natawa nalang ako sa pinaggagawa nila. Mas excited pa sila sa akin eh, ako nga parang kinakabahan, lalo pa't bumabagabag sa aking isipan ang narinig ko kanina.
----

Tapos na kaming mag-lunch at naisipan ko muna na magpahangin sa garden ng school, sina Ariela naman sila na muna daw ang tutulong sa booth namin.

Naglalakad ako sa papuntang garden ng school. Puno ito ng iba't-ibang bulaklak, mahangin at nakakarelax. Mula dito kita mo ang building.
Nakatingin ako sa taas ng school, sa rooftop parang may nakita akong anino. Nakatayo ito. Kumukurap-kurap ako baka namamalik-mata lang ako ngunit bigla lang itong naglaho.

"Dark soul ata yun ah! Bakit ba! Ano bang kailangan niyo sa akin, kailangan niyo dugo ko para mabuksan niyo ang kahon. No way! Mga pangit! Urgh! Gigil na ako sa inyo. Hindi ko hahayaan na bumalik ang pangit pa sa pangit niyong pinuno. Mabulok siya aa kahon! Nimal!! "galit kong sigaw. Wala namang makakarinig sa akin, wala namang tao rito. Ako lang mag-isa.

"Okay na? Nailabas mo na galit mo? Tss" biglang sabi ng kung sino man. Bigla akong napatayo at hinanap sa paligid kong sino ang nagsalita.

"Nasa taas ako ng puno? " sabi nito at inangat ko ang paningin ko. Si Clerk lang pala. Umupo ako ulit at isinandal ang sarili sa puno.

'Ayaw ko na maulit na naman ang kaguluhan dahil sa pinuno nila. Maraming sinasapian, namamatay na di malaman ng iba kung ano ang ikinamatay, may naaaksidente dahil sa kagagawan nila at kinukuha nila ang mga Lost Soul para gawing katulad nila at ang higit sa lahat ayaw ko na mapahamak si Clerk ng dahil sa akin. Isa na siyang tao at maaari siyang mamatay at maiiwan na naman niya ako. '

"Lalim ata ng iniisip mo. " sabi niya.

"Iniisip ko lang na sana puro nalang payapa ang mamayani sa mundo." sabi ko.

'Wala ba siyang balak bumaba? '

"Peace is a thing that we dream about but we're not working for it. Love is powerful yet we are blind with our greediness and hunger of power. " sabi ni Clerk.

"Nakaka-highblood nga eh"inis kong sabi.

"That's life. It always has an opposite. Good thing im not living in the world like that" sabi niya. Kumunot naman ang noo ko at tumingala sa kanya.

"Anong ibig mo sabihin.? " tanong ko.

"My world is you " sabi niya at di na siya nagsalita. Ayan na naman siya. Gusto niya ata ako na atakihin sa puso.
-----

Uwian na at naglalakad kami ni Ariela. Yung dalawa may pupuntahan daw sila-sus! Mang-babae lang ang mga yun. Kaya kami lang ni Ariela ang sasabay sa pag-uwi. Unang hinatid ng manong driver si Ariela.

"Bye besty! "Paalam niya sabay kaway sa akin.

"Bye" paalam ko rin.

Ilang minuto lang ay nasa bahay na ako. Nadatnan ko sina mama sa sala, nanonood ng tv.

"Hi ma! Nandito na ako. " sabi ko.

"Hi ate" bati ni Keyle

"Hi bunso. " sabi ko.

"Ate. Inihanda ko na lahat na gagamitin mo bukas. " sayang sabi ni Keyle. Isa pato! Ang excited. Gusto nga niya na ako daw manalo

"Haha salamat" tawang kong sabi.

"Lahat ng highschool students ay pupunta don para manood" sabi niya.

"Naku! Madami palang tao. Nakakahiya na tuloy. Haha" tawang sabi ko.

"Sige. Magbihis na muna ako. " sabi ko.

"Bilisan mo anak. Kakain na tayo" utos ni mama at tumango ako bilang sagot.
                 CLERK POV
Kakauwi ko lang bahay dahil sinusundan ko si Briohny para masigurado na ligtas siyang makauwi. Sa oras na di niya ako nakikita o nasisilayan di  niya alam na nakasunod lang ako sa kanya o di kaya pinagmamasdan siya mula sa malayo.

"Hi lo" bati ko

"Hi apo. " sabi ni lolo.

Wala na rin pala sina Prexy rito. Bumalik na siya sa US simula nong nangyari pag-away niya kay Briohny.

"Kumain ka na apo" sabi ulit ni lolo.

"Mamaya nalang po lo. Magbibihis mo na ako. " sabi ko. Aakyat na sana ako sa taas ng nagsalita si lolo.

"Clerk? May guitar ka ata? Bago ba yan? " tanong ni lolo. Napapikit nalang ako ng mata dahil pati ito napansin niya. I sigh before i answer him.

"Yes lo. Kailangan to para bukas" sagot ko at tumango-tango naman si lolo.

Oo, tama kayo. Bumili pala ako ng guitar bago umuwi para bukas. Happy now? Tss.

Nakaupo ako sa kama at nanood ng guitar lesson sa Youtube.

Nag-start na ako na mag-strum. Nakakailang ulit na ako sa pagakabisa ng mga cords ngunit nakakalimutan ko parin. Hindi kasi ako marunong mag-gitara kaya kailangan kong matuto, baka ano pa isipin ni Briohny. Sinabi ko pa naman sa kanya na marunong ako.

Kahit sumasakit na ang mga daliri ko ay patuloy parin ako sa pag-strum. Walang tulugan to. Di ako matutulog ngayon. Bahala na. Haays.

                  MR. WENSTON POV
Rinig mula sa sala ang pagsigaw ni Zayne. Alam ko na nhihirapan siya dahil gumagana na ang likido na ipina-inom sa kanya. Nagtataka na rin ang mga katulong kung ano ang nangyari sa anak ko. Binalaan ko na sila na huwag pumasok sa kwarto ni Zayne. Wala namang tumangka dahil alam ko na ayaw nilang mawalan ng trabaho.

Pinatay ko ang tv at umakyat sa taas. Naglalakad ako papunta sa kwarto niya. Kinuha ko ang susi sa bulsa ko at binuksan ang pinto.

"Aaaaahhhh!! Urgh! "

"Urghh----Aaahhhhh" sigaw niya habang pagiling-giling sa kama niya at hawak sa ulo niya. Nakapikit ang mata nito, kahit natutulog siya kita mo na kung paano siya nasasaktan.

Kumakalat na ang ugat sa pisngi niya papunta sa noo niya. Namumutla na rin siya dahil wala pa siyang kain at ilang araw na rin siyang tulog.

"Bukas Zayne. Mangyayari ang dapat na mangyari at ikaw mismo ang tutulong sa akin upang makamit ang gusto ko. Bukas na bukas din ay titigil na iyong paghihirap. " sabi ko sabay himas sa ulo ng anak ko at lumabas na sa kwarto niya.

Yan na ang update
Salamat sa pagbabasa
Sorry sa typos
Kindly vote and comment
-Author

GRS:CHASING MY SOULMATE✔Where stories live. Discover now